Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 7

(Nobyembre 22, 24, at 25, 2022)

I. Mga Layunin

 natatalakay ang mitolohiya;


 naihahayag ang mensahe ng mitolohiya;
 nahihinuha ang kaligirang kasaysayan ng mito;
 natutukoy ang mga pangyayari sa kuwentong napanood;
 naibibigay ang sariling interpretasyon sa kabuluhan ng mga pangalan ng tauhan sa
mismong akda; at
 naakapagsusultat ng isang mito sa anyong komiks.

II. Nilalaman
Paksang Aralin:
Ang Galit ni Kaptan (Bisaya) (pahina 109).
Sanggunian: Canlas., Tapang., Guerero III., Santos Ph.D, Cuano., Punla
Binagong Edisyon 2020. REX Printing Company, Inc. Quezon
City.
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, at iba’t ibang larawan.

III. Pamamaraan
Panalangin
Pagtala ng mga lumiban at di-lumiban sa klase

Unang araw sa ikaunang Linggo


(Verbal Intelligence and Visual Intelligence)
A.) Paggalugad/Pakikilahok
Pagganyak:
 Ang guro ay tatanungin ang mga mag-aaral kung sila ba ay nanunuwala sa mga Bathala o
Diyos.
 magpapakita ng mga larawan at susubukang matukoy ng mga mag-aaral kung sino-sino
ito. Pagkatapos, tatalakayin ang mitolohiya at ang kasaysayan nito.

B. ) Paglalahad/Pagtalakay ng Paksa
 Ang guro ay magpapanood ng bidyo tungkol sa paksa ngayong araw na pinamagatang
“Ang Galit ni Kaptan”. Pagkatapos, nasasagot ng mga mag-aaral ang mga gabay na
tanong pagkatapos mapanood ang bidyo:
1. Sino-sni ang tauhan sa kuwento?
2. Sino ang makapangyarihang diyos ayon sa kuwento?
3. Bakit nilikha ng Kaptan ang tao?
4. Bakit nasabi ni Kaptan na ang daigdig ay “magiging ekstensyon ng kalangitan”?
5. Bakit napilitang parusahan ng mga Diwata ang mga tao sa daigdig? Ano ang balak
nilang pagpaparusa?
6. Sa kuwento sa Bibliya, kanino maitutulad sina Sikalak at Sikabay?

Ikalawang Araw
C. , Pagpapalawig ng Paksa/Pagpapahalaga sa Natutunan
 Batay sa nangyari sa kuwento, kayo ba ay sumusunod sa inyong Panginoon? Patunayan.
 Anong aral ang ating makukuha sa kuwentong ito?
D. ) Paglalahat/ Pagtatasa sa Natutunan
 Gamit ang dugtungang psalaysay, dudugtungin kung ano ang mga pangyayari sa kuwento
ng mga mag-aaral.

Ikatlong Araw
IV. Pagtataya
Panuto: Humanap ng kapareha. Gumuhit at lumikha ng isang isang maikling komik istrip na
tungkol sa mga mito. Ang panel ay hindi bababa sa lima at sosobra sa dalampu. Magsaliksik
sa internet upang makakuha ng impormasyon ukol sa mitlohiya dito sa Pilipinas. Ipapasa
disyembre 9, 2022.Narito ang pamantayan sa ibaba:

Pamantayan sa Paglikha ng Komiks Puntos


Nilalaman (mensahe ng kuwento) 20
Imahen/Larawan (malinaw at angkop ang eksena) 15
Linis ng gawa 10
Pagpasa sa takdang oras 5
Kabuuan: 50

V. Takdang Aralin
Hindi magbibigay ng takdang-aralin ang guro.

Inihanda ni: Bb. Shaira Marie M. Rivera

You might also like