Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT

Presentasyon mula sa ika-2 na Pangkat

Ano ang Alamat?

Alamat ang tawag sa pasalitang literatura na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga
simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming bagay-bagay sa
ating kapaligiran.

Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa


pinanggalingan ng mga hayop at halaman.

Ang alamat ay isang bahagi ng malawak na kwentong bayan. Lalong nagkakahugis ang mga
ideya ng kapaligiran kung may mga ganitong pasalitang literatura na naisusulat at naikukuwento
sa mga kabataan.

Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang
makamit natin ang kabuuang kaunlaran.

May kasabihan tayong, "Ituro mo sa akin ang bansang may mayamang alamat at ituturo ko sa
iyo ang bansang may kulturang ganap."

Ano ang kahulugan ng Alamat?

Ang salitang alamat ay nagmula sa Latin legenda , nagmula sa legĕre na nangangahulugang


'basahin'. Ginagamit ito sa kahulugan ng "karapat-dapat basahin o kilalang". Mula doon
lumabas ang iba pang mga kahulugan ng salitang.

Ang alamat ay ginagamit din upang sumangguni sa isang tao na nakamit ang mahusay na
pista at naging isang sanggunian. Sa ganitong kahulugan, ang kanilang mga pagsasamantala
ay isinama sa mga tanyag na pag-uusap at madalas na pinalalaki. Halimbawa: "Si Michael
Jordan ay isang alamat ng basketball."

Gayundin, ang isang alamat ay maaaring tumukoy sa mga inskripsiyon o maiikling teksto na
may kasamang mapa, pagguhit o grapika sa pamamagitan ng paliwanag o paglilinaw. Nalalapat
din ito sa mga inskripsyon sa mga butil, mga kalasag, mga ukit, at mga barya.

Ayon kay Pablo Cuasay ang Alamat ay kwentong nagpapaliwanag ng pinagmulan ng unang
bayan, bulaklak, halaman, bunga, hayop at karaniwang bagay. Tinatalakay din ang pinagmulan
ng kalikasan tulad ng isda at buhok.
ELEMENTO NG ALAMAT

Tulad lamang ng karamihang gawang sining na pasulat, ang isang alamat ay mayroong
“Simula”, “Gitna”, at “Wakas”.

Simula
Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Ilan sa mga bahagi nito ay ang:
● Ang Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga karakter sa kwento.Dito makikilala kung
sino-sino ang nagsiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat
isa
● Tagpuan – Ito ang lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento. Madalas Ito ay
gubat, kabundukan, sa isang palasyo o kahit gitna ng karagatan,
● Suliranin – Dito nakasaad ang problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit
biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.

Gitna

Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Ilan sa bahagi nito ay:

● Saglit na kasiglahan – Sa bahaging ito nakasaad ang kasiglahan ng kwento. Ito ay


naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
● Tunggalian – Ito ang bahagi ng alamat na kung saan ay naksaad ang paghaharap o
pag-aaway ng mga karakter sa kwento.
● Kasukdulan –Ito ang pinakamagandang parte o bahagi ng istorya.Ito ang
pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

Wakas
Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong kuwento. Ilan
sa bahagi nito ay:
● Kakalasan – Dito matatagpuan ang unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa
katapusan
● Katapusan – Ito ang pinaka huling bahagi ng kwento kung saan nagtatapos ang isang
kwneto

MGA HALIMBAWA NG ALAMAT


1.Alamat ng bayabas: https://youtu.be/yfBNms6en5A
2.Alamat ng Bahaghari: https://youtu.be/aGb41bGXCNg
3.Alamat ng saging: https://youtu.be/T3IQzLJl8P0

You might also like