Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MAHAL MO VS MAHAL KA LAKANDIWA

Si (ngalan ng mahal mo) po'y nagsulit na ng katwiran sa


Mula sa pinagsamang panulat nina: publiko
Gonie T. Mejia — Mahal Mo ngunit di ka niya mahal Pakinggan po naman natin si (insert name ni Mahal Ka)
Rafael A. Pulmano — Mahal Ka nguni’t di mo siya mahal; Sa Bulacan pa po galing; makunsyensya naman kayo,
sumulat rin ng iskrip ng Lakandiwa Isalubong agad sana'y palakpakang masigabo!

MAHAL KA (Unang Tindig)


LAKANDIWA (Panimula)
Sa amin pong munting bayan ay may isang hampaslupa
Sa pagbukas nitong tabing na hudyat ng pasimula Palaboy at sadyang yagit, tampulan ng alipusta;
Ng tagisan ng talinong paborito nating madla Ngumiti ang kapalaran, umasensong biglang-bigla
Ako muna'y bumabati sa inyo at, harinawa, Nang pakasal sa babaeng ekta-ektarya ang lupa.
Tanggapin ang malwalhating pagpapala ng Lumikha.
Doon din po sa 'ming bayan ay may pinag-isang dibdib
Paksa nating hihimayin sa sangkalan ng katwiran Mga mata ng babae'y mugtung-mugto sa pagtangis
Ay kung sino sa dalawa ang handa mong pakasalan: Ang lalaking nahumaling sa kanya nang labis-labis,
Taong mahal mo nang labis ngunit di ka minamahal, Nakagawa ng di wasto masungkit lang yaong langit.
O labis na nagmamahal sa yo, di mo naman mahal?
Ang pananaw ko'y praktikal — mas higit pang nanaisin
Unang tindig at hahataw ay batikang manunula Na makasal sa babaeng sa 'kin, labis ang pagtingin
Ang Hari ng Balagtasan na sa Bulacan pa nagmula Umulan man o umaraw, bumagyo man at humangin,
(insert your name) ang ngalan... Isa nga pong pampasigla Panatag ang aking loob, siya'y akin, aking-akin!
Palakpakan natin siya pagka’t iyan ang syang tama!
Samantalang si (ngalan ng Mahal Mo) po, nasa piling na
ang sinta,
MAHAL MO (Unang Tindig) Patuloy pang umaasa't nabubuhay sa pantasya;
Nagsasaing, nagluluto, naglalaba, namamlantsa,
Kapag puso ang nag-utos at nasunod yaong nais, Nag-iigib, nanunuyo... sa takot na layasan sya!
Ang mabuhay ay marangal sa piling ng nilalangit
Subalit kung makakatwang, yaong hindi iniibig, Ang babae'y parang prutas, kahit na katakam-takam,
Tagumpay sa pagsasama, may kapisang hapdi't pait. Mapakla at walang tamis kung hinog nang sapilitan;
Si (ngalan ng Mahal Mo) po, namimilit kahit mutya'y
Pag-aasawa ang wika nga'y hindi kaning isusubo umaayaw
Na dagling mailuluwa lalo't ikaw ay napaso;
Paano ba lalambingin ang hindi mo pinintuho LAKANDIWA
Kung ang damdamin ay tutol, umaayaw pati puso?
Mababagsik ang katagang kapwa nila binitiwan
Malinaw po ang panig kong daan sa pag-aasawa Gayong nasa unang yugto pa lamang ng paglalaban
Sa dambana'y ihaharap ang labis kong sinisinta Si (ngalan ng Mahal Mo) ang muli ngayong papagitna sa
Pagka’t ayaw kong malubid sa lagim ng pagdurusa tanghalan
Kasamahin ang babaeng sa buhay ko'y di sinamba. Kaya ang akin pong hiling: Palakpakan Natin, Bayan!
Dahil itong katalo ko ay salungat ang tahakin
MAHAL MO (Ikalawang Tindig)
Hindi ko na pagtatakhang balang araw sya'y mabaliw
Pagka’t higit nyang pinili ang di tugon ng damdamin
Ligaya kong tinatanaw ang sinta ay pagsilbihan
Sa mali nyang kapasyahan, sarili ang sisisihin.
Ang gawin ang nararapat ay isa kong katungkulan
Ngunit di ko magagawang hangarin ang kayamanan
Sa piling ng aking mutya, habang ako'y maligaya,
Ng babaeng hindi tibok ng puso kong iisa lang!
Si (ngalan ng Mahal Ka) ay nagmumukmok, luhaan ang
mga mata;
Habang ako, sa liwanag ng buwan ay nagsasaya
Ang pagpatol ng lalaki sa babaeng hindi gusto MAHAL KA
Masakit man pong tanggapin, dalawa ang tinutungo Maliwanag ang motibo ng katalong walang budhi
Isa dito ay ang yaman ng babaeng sumusuyo, Sarili ang iniibig at di mutyang inaglahi
Ikalawa'y kasikatan, makilala sa publiko! Ang masarap na pagkain, kahit di nya pag-aari,
Nanakawing pilit dahil ugali nya'y makahari!
Dahil ako ay naglingkod sa maganda kong asawa,
Sa pagpanaw ko ay tiyak, sa langit ang aking punta; MAHAL MO
Kung si (ngalan ni Mahal Ka) hahanapin at doon ay di
makita Taas-noo ako kapag kaakbay ang aking sinta
Pagka’t iba ang hinangad, t'yak nandoon sa kabila! Ang pinikot, nahihiya, nanlulumo at tulala!

LAKANDIWA MAHAL KA

Bawat tugong binitiwan ni (ngalan ng Mahal Mo) ay tila Pangdispley at hindi kabyak ang kaylangan lamang pala,
sibat Bakit hindi na lang siya bumayad at umarkila?
Matulis at wari bagang pag tumama'y todas agad
Tingnan natin si (ngalan ni Mahal Ka kung mahusay sa MAHAL MO
pagsalag
Palakpakan natin upang mas ganahan sa pagbigkas! Sa pumili ay ligaya, ang pinikot ay magdusa!

MAHAL KA (Ikalawang Tindig) MAHAL KA

Masaya raw si (Mahal Mo) po na ang sinta'y paglingkuran Importante'y mahalaga: Mahal ako ng asawa!
Ngunit ano'ng silbi nito kung sinta ay nasusuklam?
Ang hayop nga, pakanin mo't pag di gusto, umaangal, MAHAL MO
Di lalo pa tayong taong ang puso ay di laruan!
Sadya nga bang mahal mo sya?
Nagpakasal man kay (Mahal Mo) ang babaeng sinasamba
May halaga naman kaya ang sumpaan nilang dalwa? MAHAL KA
Ang babae, pag nagtaksil, pagka’t mahal niya'y iba,
Sino'ng dapat na sisihin? Kayo, Bayan, ang humusga! Ba't nga ba sya sukang-suka?

LAKANDIWA LAKANDIWA (Pangwakas)


Lumalaon, umiigting pang lalo ang patutsada
Ng dalawang walang balak padaig sa isa't isa. Dito natin puputulin ang singhalan ng dalawa
Sa ikatlong paghaharap, hahayaan ko na sila At sa madla ibabaling ang tanong na "Sino nga ba
Hahayaan ko rin kayong pumalakpak — kung pwede pa. Ang marapat pakasalan: Yung mahal mo, o mahal ka?"
Kayo na po ang humatol... Good-bye! Sweet Dreams!
MAHAL MO Sayoonara!
Malinaw ang aming paksa, si (Mahal ka) ang pipiliin
Ang sa kanya'y nagmamahal kahit ito'y mukhang tikling
Dahil ako ay may layang tibok ng puso ay sundin --------------------- END -------------------
Sa magandang iibigin, ang pansin ko'y ibabaling.
Note: Kapag babae ang gaganap sa dalawang panig,
Makisig man ang binata, kung may isip na makitid palitan ang ilang salita para maging angkop sa iskrip.
Tiyak din pong magagapi ng mautak kahit pangit
Balagtasa'y paligsahan, pingkian po ng matuwid
Sa malinaw na salita, ako'y di pa lumilihis!

You might also like