UNDERTAKING With ASP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

UNDERTAKING

Ako si, ___________________________________, mamamayang Pilipino, nasa legal


na edad, naninirahan at may pahatirang sulat sa __________________________________, ay
nagpapahayag:

1. Sa harap ng Department of Agrarian Reform Provincial Office of Laguna (DARPO-


Laguna), pinatototohanan ko na mayroon o magkakaroon ako ng awtoridad na
kumatawan sa Agrarian Reform Beneficiary (ARB) na pinangalanan sa ibaba, isa sa
mga rehistradong may-ari ng lupang pang-agrikultura na sakop ng Certificate of
Land Ownership Blg. _____________ alinsunod sa Sec. 5, R.A. No. 6657,
nasusugan, at nasasakop din ng OCT o TCT Blg. _______
ARB ASP No. LOT No. LOT AREA

2. Para sa kalinawan, ang awtoridad na kumatawan sa ARB, na nabanggit, ay kasama


ang pagpirma, pagpapatupad at paghahatid ng mga dokumento:

a. sa ilalim ng Administrative Order No. 1, s. of 2021, nilagdaan noong


ika-26 ng Pebrero 2021, na kilala rin sa pagkakatawag na Revised
Guidelines and Procedures on the Parcelization of Landholdings
with Collective Certificates of Land Ownership Award na inilabas
ng Department of Agrarian Reform,

b. pati ang CARPER LAD Form Nos. 70-E and 70-H,

c. at ano mang pagsususog sa mga nabangit (a) at (b),

ng interes ng ARB na maaaring kailanganin para sa “parcelization” ng lupang pang-


agrikultura na nabanggit.

Ipababatid ko sa ARB ang anumang impormasyong ipinarating sa akin ng DARPO-


Laguna o sinuman sa mga opisyal, empleyado at/o kinatawan nito patungkol sa
“parcelization” ng kanyang interes sa lupang pang-agrikultura na nabanggit.

3. Kung naaangkop, sa pamamagitan nito ay kinakatawan ko ang ARB nang walang


pagkiling sa anumang kasunduan namin, sa aking personal na kapasidad.

4. Bibigyan ko ang DARPO-Laguna ng patunay ng awtoridad, patungkol sa anumang


representasyon at mga garantiya sa ilalim nito, na iginawad ng ARB na pabor sa akin.

5. Aking inihahayag na:

a. mananagot ako sa DARPO-Laguna at ang mga opisyal, empleyado at


kinatawan nito sa anumang pananagutan at danyos, at

b. ipagtatangol ko ang DARPO-Laguna at ang mga opisyal, empleyado at


kinatawan nito sa anumang paghahabol at aksyon,

bilang resulta ng aking mga representasyon at garantiya, tulad ng nabanggit sa ilalim


nito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-


______ng________________dito sa __________________________________.

___________________
Signature Over Printed Name of Declarant
Date : Contact No.:

Undertaking-SPLIT

You might also like