Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pangasinan State University

Bayambang Campus
Bayambang, Pangasinan
Integrated Schools – Senior High School
Academic Year 2019 – 2020

“MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN”

.
Alloysius Jessearl Macam
Angelo Bibat
Armel Baraquio
Angelo Mancilla
Jewel Capudoy
Jirha Requilman
Jonathan Gagar
Justin De Vera
Luijan Macaraeg
Ron Saludes
Venus Ferrer
Zharina Ruth Oficial
Mga Miyembro (Unang Grupo)

Mr. Arlo Vincent Ranque


Guro
URI NG PAGSULAT

1. Malikhaing Pagsulat
Ang Malikhaing Pagsusulat ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng
karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo
ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan
o kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng
mga tropong pampanitikan.

Halimbawa:

Tunay na Kaibigan
Tula ni Semidoppel

Sa dinami-rami ng tao sa mundo


Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Sa walong bilyon na nabubuhay na tao
Saan makakahanap ng tunay na katoto

Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay


Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay
Personal na dahilan ang kanyang mithiin
Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin.

Meron din naman akala mo’y kakampi


Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali
Pero wag ka sanang minsan ay magkamali
Baka isang araw wala na sa iyong tabi

Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari


Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi
Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao
Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso

Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan


Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan
Tunay na kaibigan, laging nariyan
Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.
Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis
Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis
Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas
Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.

Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw


Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw
Gagabayan ka at hindi pababayaan
Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan

Siyang kaibigan na hindi ka kukunsintihin


Kapag katangahan na ang iyong gawain
Tatapikin ka sa balikat upang iyong alalahanin
Hoy Tol! Gumising ka buhay mo ay wag sirain

Ito sa tingin ko ay ilan lamang na aspeto


Para malaman kung ang kaibigan ay totoo
Siyang kaibigan kung kailangan ay lilitaw
Hindi tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw.

Reperensiya: https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-kaibigan/#Tunay-na-Kaibigan
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019

2. Teknikal na Pagsulat (Tachnnical Writing)


Ang teknikal na pagsulat ay ang klase ng pagsulat na nakatuon sa isang partikular na
asignatura o ideya, na nangangailangan ng direksyon, panuto o isang eksplanasyon. Kung ang
isang akda ay naglalaman ng teknikal na impormasyon, maaari natin itong ikonsidera na
kabilang sa teknikal na pagsulat. Ito ay naiiba sa ibang klase ng pagsulat sa kadahilanang ito ay
objektib, tumpak at malinaw, at walang halong damdamin.

Halimbawa:

Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng ANSHS


-ni Rebecca Aira Baliton at Jean Marie Pael

I. PROPONENT NG PROYEKTO: ANSHS PTA


II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng Aurora National Science
High School

III. PONDONG KAILANGAN: Php. 237 000

IV. RASYONAL
Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa Aurora National
Science High School.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO


 Deskripsiyon
- Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng ANSHS.

 Layunin ng Proyekto
- Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga mag-aaral ng
ANSHS.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO


Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
 ABC Construction & Renovation Co.
 ANSHS School Library
 ANSHS PTA
 KAPAKINABANGANG DULOT

Ang mga mag-aaral ng ANSHS ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan sa


pananaliksik mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High. Kasama pa
dito ang mga karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang science high school. Kaugnay
nito, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng mga sangguniang may mataas na
kredibilidad, tulad na lamang ng mga aklat. Bukot sa mataas na kalidad ng sanggunian, ang
pagkakaroon ng mas maayos na silid-aklatan ay makapagbibigay din ng tahimik na espasyo sa
mga mag-aaral lalo na sa mga nangangailangan ng karagdagang panahon para matuto.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA


Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga gawain
o hakbangin:
IX. GASTUSIN NG PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuuang halagang Php. 100 000
na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Inihanda ni:

JEAN MARIE PAEL


Estudyante ng ANSHS

REBECCA AIRA S. BALITON


Estudyante ng ANSHS

Iminungkahing Pagtibayin:

G. ALBERTINE R. DE JUAN JR.


Gurong Tagapayo

Pinagtibay:

GNG. EDELWINDA S. MONTERO


Punong Guro- ANSHS

Referensiya: https://sites.google.com/view/e-portfolio-sa-flipino/mga-halimbawa-ng-
panukalang-proyekto/panukalang-plano-sa-pagsasaayos-ng-silid-aklatan-ng-anshs
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019
3. Propesyonal na Pagsulat
Ang propesyunal na pagsulat ay pagsasagawa ng mga sulatin na may relasyon sa isang
propesyon. Maaaring ito ay pangakademiko, militar, batas, relihiyon atbp. Ang pagsulat ng
propesyunal ay gumagamit ng mga termino at istilong angkop sa pagsulat upang higit na
maunawaan ng mga propesyunal na angkop para dito. Maaari itong maghatid ng ibat ibang
impormasyon na maaaring maging basehan ng karagadang kaalaman, debate o pagtawag sa
pansin para sa isang aksyon.

Halimbawa:
Filipino 3

I-LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1) Malaman ang Layunin at mga dapat isaalang-alang.


2) Malaman ang bahagi ng talumpati
3) Makabubuo ng isang talumpati

II-PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagtatalumpati
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (pahina150-152)
Kagamitan: Libro, Manila Paper

III-PAMAMARAAN

1) Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng mga Lumiban
 Pagbabalik-aral

2) Panlinang na Gawain
 Pagganyak
 Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok magtalumpati at kung saan ito
ginanap.magsasalaysay siya ng kahit kaunti lamang sa kanyang experience.

Aralin
Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati, ididikit na ang manila
paper sa pisara.
 Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati.
 Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati(tatawag siya ng mag-aaral
na babasa sa nakasulat sa manila paper),,magtatanong siya para makuha ang atensyon
ng mga mag-aaral.
 Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang –alang ng nagtatalumpati:
 May pananabik na magtalumpati
 May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa
 Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at madalingmaintindihan na
salita
 May mayamang talasalitaan
 May kaganyak-ganyak na tinig
 May sapat na kaalaman sa balarila
 Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati:
 Panimula
 Katawan
 Pamimitawan
 Paglalahat

Ano ang pagtatalumpati? Paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati?isa-isahin ang
mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa.

3) Pangwakas na Gawain
 Paglalapat
 Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng mga importanteng
isinasaad dito.Subukang hanapin ang mga alituntunin na tinalakay.

Pamagat: “RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay”

IV- PAGTATAYA
Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang:
 Kahalagahan ng Edukasyon
 Ang Isang Mabuting Mag-aaral
 Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa
 Ang Pangingibabaw ng katotohanan
V- TAKDANG-ARALIN
Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo ito sa klase.

Referensiya: https://gorgeouskhepp.wordpress.com/banghay-aralin/
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019

4. Dyornalistik na Pagsulat
Ang dyornalistik na pagsulat ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Madalas itong naisusulat sa mga pahayagan tulad ng broad sheet o tabloid.
Kabilang dito ang pagsulat ng balita, editoryal, tanging lathalain at iba pa.

Halimbawa:
Rape Suspek na Nakatakas sa Preso Huli

Matapos ang mahigit isang taon na pagtatago, ang tong suspek sa pang-gagahasa ng
kanyang pamangkin ay nahuli sa Brgy. Punta Princesa, Cebu City kahapon ng umaga ,Pebrero
25,2011. Ang suspek na si Allan Romaya ay nahuli ng pangkat ng kapulisan galing sa
Investigation and Detection Management Branch (IDMB), na pinangunahan ni Chief Insp. Julio
Ylaya. Bago nahuli ang suspek na si Romaya banda alas 10 ng umaga, napag-alaman na ng
pangkat ng IDMB na sina PO2 Ronnel Quita at SPO1 Vincent Seroy ang tungkol sa kanyang
pagtatago sa Sitio Manga noong lunes. Agad na binigyang alam ni PO2 Quita si Inspector Ylaya
tungkol dito.
Si Romaya ay kasalukuyang nakatira kasama ang kanyang mgapamangkin sa isang
bahay na pagmamay-ari ng kanyang tiyo. Si Romaya na naka jersey shorts ay nag-iigib ng tubig
sa isang puso malapit sa kanilang bahay nang mahuli at inaresto siya ng pangkat ni Insp. Ylaya.
Ayon kay Quita, nailabas na sa kanila ang warrant para hulihin si Romaya matapos itong
tumakas sa preso noong Disyembre 20 isang taon na ang nakakaraan.
Isang magsasaka ng iba't-ibang halamang ugat si Romaya. Ayon sa kanya wala siyang
balak na tumakas at kusa siyang pinalayani PO2 Mike Rodriquez matapos itong maawa sa kanya
sa kadahilanang manganganak na ang kanyang asawa sa pangalawa nilang anak. Kasalukuyang
ikinahaharap ni Romaya ang kasong rape sa Regional Trial Court Branch 26 na pinamumunuan
ni Judge Eugenio Perz sa Sibonga, Cebu. Labis na itinatangga ng suspek ang krimen. Ayon pa sa
kanya, siya ay biktima rin lang ng di makatarungang hustisya. Noong siya ay tumakas, umuwi
agad siya sa kanyang bahay sa Sibonga. Matapos ang apat na buwan, namasukan siya bilang
isang kargador sa Carcar at naging konstrukyon worker. Ang pagmamaneho din daw ng trisikad
angpinagkukuanan niya ng pera upang isustento sa pamilya niya.
Sa isang interbyu gamit ang telepono, nakausap namin si PO2 Rodriguez. Ayon sa
kanya, naloko siya ni Romaya.Pinaniwala daw siya nito na meyron itong epilepsy. "Naawa ako
sa kanya matapos ko siyang makita na nakahandusay sa sahig habang bumubula ang kanyang
bibig", paliwanag ni PO2 Rodriguez. " Napag-alaman ko nalang na niloko lang pala niya ako
nang sinabihan ako ng doktor na sumuri sa kanya na nasa mabuti siyang kalagayan." Sabi niya
inihatid niya si Romaya palabas ng detention cell ng tatlong beses. Sinamahan niya ito patungo
sa isang ospital upang maipagamot. Sa pangatlong beses, doon na tumakas ang suspek nang
hindi niya namalayan nang nag-aasikaso siya ng isang papeles. Isang preso rin lang daw ang
nagbigay alam sa kanya tungkol s pagtakas ni Romaya.
Subalit sa isang imbestigasyong ginawa ng mga kapulisan, napag-alamang lasing si
Rodriguez kaya hinayaan nitong makatakas si Romaya. Kinakaharap ngayon ni Rodriguez ang
kasong administribo na ikinasa ng Regional Internal Affairs Service laban sa kanya. Natanggal
siya sa serbisyo simula noong ika-Hulyo ng isang taon ngunit nag-file agad ng isang mosyon ang
kanyang abogado. Kasalukuyan siyang idiniiin sa isang Police Station sa Argao nang walang
sweldo at benepisyo hanggang ngayon. Kinasuhan rin siya ni Station Insp. Lemuel Rosario ng
seryosong "negligence of duty". Binubuhay raw niya ng pamilya niy ngayon sa pamamagitan ng
pagtitinda ng isda kasama ang kanyang asawa. Regalo nalang daw niya kay Romaya ang
pagkhuli nito, sabi ni Rodriguez.

Referensiya: https://mypoeticisolation.blogspot.com/2012/07/dyornalistik-na-pagsulat.html?
m=1
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019

5. Reperensiyal na Pagsulat
Ang referensyal na pagsulat ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag o nagbibigay ng
impormasyon o pagsusuri. Naglalayon din itong mag rekomenda ng mga source o sanggunian
tungkol sa isang paksa.

Halimbawa:
Edukasyong Bilinggwal

Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na paggamit ng


Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang
magkahiwalay na gamit o paggamit ng Filipino at English sa pagtuturo. Ang Filipino at English
ay ituturo bilang mga asignaturang wika sa lahat ng antas upang matamo ang mga tunguhin ng
kahusayang bilingwal.
Ang bilinggwalismo ay isang fenomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay
sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at
kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sa development ng wika. Higit pa, tinatanaw rin
dito kung paano na ang wika ay malayang tinatanggap ng mga taong gumagamit nito. Ang
bilinggwalismo rin ay tinataya na kakayahan ng isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika.
Palagian nang balot ng isyu at mga kontrobersiya ang konsepto ng bilinggwalismo, isantabi na
ang pananaw ng purista sa wika. Gayumpaman, nabibigyan pa rin ito ng malaking puwang
partikular na ng mga aral sa wika dahil na rin sa benepisyong dulot nito hindi lamang sa larangan
ng komunikasyon bagkus sa demografikal, politikal, ekonomikal at pedagojikal na tulong na
naibibigay nito. Kung kaya naman, patuloy na lumalago ang mga pananaliksik kaugnay sa
konspeto ng bilinggwalismo.
Sa papel na ito, bibigyang puwang ang pagtalakay sa bilinggwalismo sa larangang
pedagojikal. Ayon nga kay Sibayan (1988), Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga
ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit
mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong
manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa
pamamaraan ng pagtuturo. Nangangahulugan lamang na mahalagang madevelop muna ito bago
tingnan sa makrong perspektibo ang iba’t ibang gawaing pangwika, nang sa gayon, ang mga
mag-aaral ay magkaroon na ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga gamit ng wika.
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga guro at
estudyante ukol sa edukasyong bilinggwal. Malaki ang papel nila ukol sa usaping ito at mas
dapat na maibigay at maipahayag ang kanilang mga saloobin sa nasabing programa. Sa pagaaral
na ito, malalaman, masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang hindi pa malalaman ng
karamihan.
Dito malalaman ang mga epekto ng edukasyon bilinggwal sa sisitema ng edukasyon
ngayon at sa hinaharap.

Referensiya: http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/halimbawa-ng-isang-
pamanahong-papel-o.html
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019

6. Akademikong Pagsulat
Ang akademikong teksto o pagsulat ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo
upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o
ideya ng sumulat. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal nito,
inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-impluwensya ng kanyang
mambabasa.

Halimbawa:
SIYENTIPIKONG PAG-AARAL SA EKONIMIYA:
PAG TAAS NG GASOLINA

1. Pag-aaral ng suliranin.
Ang pag taas ng gasolina sa atin bansa ay ito ang problema sa mga filipino ngayon dahil
ito ay ginagamit sa mga sasakyang.

2. Pagbuo ng teorya o haka-haka.


Para sa akin na isip ko teorya dahil sa pag taas ng gasolina. Dahil sa buwis na kunukuwa
ng goberyo kaya tumataas ang presyo ng gasolina sa atin bansa.

3. Palikom ng mga datos


Sa akin na kuwa impormasyon sa T.V ang big 3 na kompanyang Pilipinas Shell, Petron
Corporation at Chevron Philippines nag taas ng P 0.20 sentimos ang itinaas kada litro.dahil sa
pag import natin ng gasolina sa iba bansa katulad ng saudi arabia at iba pa.

Mga dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng gasolina sa atin bansa.
 Pag ubos ng pag kuwang ng gasolina sa ibabaw ng lupa.
 Polulasyon sa atin bansa.
 Buwis na kinukuwa ng mga gobyerno.
 Sa palitan ng piso at dolyar.

Ang mga jeepney driver na naiinis dahil pataas ng presyo ng gasolina at marami nag
protesta ang ginawa ng mga jeepney drive at ng transport sector. ang DOE Department of Energy
gumagawa sila ng paraan upang maiwasan na ang pag taas ng presyo ng gasolina sa atin bansa ?
Bio diesel itong solution ng iba dahil ang bio diesel muna sa mga raw materials na ginagawa oil
at hinahalo sa diesel upang maging bio diesel.

4. Pag buo ng konklusyon


Para sa sa akin konklusyon kay ilan ba tayo mag import ng gasolina kung tayo gagawa ng
atin gasolina marami mga tao na gagamit ng bio diesel sa atin bansa.

5.Paglalapat ng konklusyon
Ang dapat natin gamawa ng makabagong pamamaraan upang makatipid tayo sa gasolina
sa atin bansa.
Referensiya: http://joerimworks.blogspot.com/
Petsa na Kinuha: Setyembre 19, 2019

You might also like