Ongsitco, Anne Patricia A. - Gawain Blg. 2 - 0420-2429

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

FIL207 – Panunuring Pampanitikan


Gawain Blg 2.

Ongsitco, Anne Patricia A.


MAEd-FILIPINO

Basahin ang sumusunod na artikulo at sagutan ang mga tanong sa ibaba.


 Almario, Virgilio (1997). Ang Filipino sa Kritisismong Filipino, Daluyan
VIII:4. 323-330.
https://drive.google.com/file/d/1g3CXxWFYLJmVQkNgoq8CKfc0x7MJ
4ec2/view?usp=sharing

 Hosillos, Lucila V. (1984) The Nature of the Filipino Literary


Achievement. Originality as Vengeance in Philippine Literature.
Quezon City, New Day Publisher. 137-144 .
https://drive.google.com/file/d/1p6uBFwZvRkyq9PhIh0F60a2vV72xlQ7c/
view?usp=sharing

Talakayin ang sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang patunay mula sa mga tagumpay ng manunulat ng Filipino


nagsasabing hindi sila nasukol sa kultura ng Kanluran?

Ang mga manunulat sa Pilipinas ay hindi nasakop ng mga kanluranin


sapagkat sila ay lumilikha ng mga akda na naayon sa kanilang mga naging
karanasan at obserbasyon na nagaganap sa ating lipunang ginagalawan. Isa
si Rizal sa mga mapanuligsang manunulat, na walang takot na nilahad ang
mga kabugtutan ng mga mananakop sa ating bansa. Naging maimpluwensya
ang kaniyang mga akda na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na kung
saan nagpapakita ng pagmulat sa mga mamayang Pilipino. Naging
malikhain at mapagmulat ang nasabing nobela dahil pinakita niya ang mga
kanser sa lipunan gaya ng mga prayle na kung saan naging malupit,
gayundin ang sistema sa edukasyon na ang tanging makapag-aaral lamang
ay ang mga illustradong tao sa ating bayan. Dagdag pa dito ang hindi pantay
na pagtingin sa pagitan ng mga kastila/maayayamang tao at mahihirap na

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

tao. Kung ating babalikan ang mga nauna pang mga akdang gaya ng mga
tula, bugtong, sawikain, salawikain, mga epiko, at kwentong-bayan na ang
binabakas ay ang mga nangyayari sa kanilang lipunang ginagalawan nang
nakabatay lamang din sa kanilang oberbasyon, ni wala pang bahid ng
kolonyalismo.
Kung ating titingnan naman sa pananakop mula sa Panahon ng mga
Amerikano nagkaroon tayo ng mentalidad na tayo ay gumagamit ng wikang
Ingles. Ngunit mayroong rin na mga manunulat na nanatili ang pagyakap sa
ating sariling wika na ang kanilang pinapaksa din ay ang katutubong
Filipino, mga kuwentong bayan. Napagtangkaan nang bahagya subalit di
napagtagumpayan masukol. Sa mga kanluraning ito nagmula ang bumagsak
ang maikling kwento na isa sa genre ng literaturang hanggang ngayon ay
nasa Pilipinas subalit ang pagkaka-ampon sa kung paano sila ay sumulat
nang nababatay sa pamumuhay ng mga Kanluranin ang malayong malayong
sa pagkatamo. Samantalang sa Panahon ng Hapon ay nagkaroon ng pag-
usbong ng mga panitikan natin sa kadahilanan na nagkaroon ng kalayaan sa
paraan o istilo ng panulat.
Mula pa noon ito na ang sinusundang anyo ng mga panitiakang ng
manunulat na Pilipino. Ngunit nagkakaroon ng mga makabagong
pamamaraan ng pagsulat, sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong
ideya o istilo ng pagsulat. Mayroong man na nagtangka na tayo ay masakop
sa paraan ng ating panitikan ngunit mas pinili pa din natin na yakapin ang
sariling atin.

2. Bakit sinabi ni Hosillos na ang popular na at nakasanayan sa panunuri


at pagtuturo ng panitikan ay hindi angkop at hindi epektibo sa
ebalwasyon ng tagumpay sa kultura ng mga Filipino?

Batay kay Hosillos, ang nakasanayan natin pagsusuri o ebalwasyon ay


hindi maituturing na matagumpay sa kadahilanan na walang orihinalidad sa
wikang ginagamit, hind sa lahat ang paggamit natin ng akdang Filipino ay
hindi angkop sa pampanitikan ng mga Kanluranin.

3. Ano itong Bagong Pormalismo na iminumungkahi ni Almario?

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

Kinakailangan na tayo ay maging malaya sa paraan ng panulat ng mga


Kanluranin. Ang sagot dito ay ang pamamahayag ni Almario na “Bagong
Pormalismong Filipino”. Filipino raw ang pahayag upang mas mabigyang
tuon ang mga katutubong panitikan kaysa sa mga kolonyal na pampanitikan.
Ang kinakailangan sa panunuring ito ay ang pagsalamin sa nakaraan
kung saan muling isasaysay sa pamamagitan ng pagsama sa lahat ng maka-
Pilipinong gawi/kultura at tradisyon.

4. Sasang-ayon ba, sa palagay mo, si Hosillos sa panukalang ito ni


Almario? Ipaliwanag.

Sa aking pagpapalagay ay maaaring panigan ni Hosillas ang panukala


ni Almario na “Bagong Pormalismong Filipino”. Sapgkat ang layon ng
Bagong Pormalismong Pilipinong ito ay buhayin ang mga natatagong
nakalipas, ang muling mamulat ang ilang sa mga nakawaglit at muling
pagusbong ng kasaysayan ng ating panitikan.
Dagdag dito ang huling bahagi ni Hosillas, nasalaysay niyang
maraming mga akda at gawa pa ng mga Pilipino ang kinakailangang mapag-
aralan pa para sa higit na magkaroon ng angkop at kritikal na pagsusuri
upang mas magtagumpay ang mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Ito ay
paraan upang maipakita ang orihinal, ang mga malalim na pagpapahayag at
mga wastong mga pagdulog.
Kung ang bagong pormalismong panitikang ito ni Almario ay
mapagbubuti, ang panganagilangan at kahilingan ni Hosillas upang mas
mapagtagumpayan ang ating panitikan.

5. Sa pagbasa ng panitikan ay iminungkahi ng Tiongson ang pagsagot sa


limang tanong, ano-ano ang mga ito?

Ayon kay Propesor Nicanor Tiongson ng Unibersidad ng Pilipinas ay may


limang katanungang dapat masagot ng sinumang nais maging kritiko.
1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng likhang-sining?
2. Paano ito ipinararating?
3. Sino ang nagpaparating?

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na ito?


5. Para kanino ang likhang-sining na ito?

6.Ano-anong salik sa panunuri ang isinasangkot niya? Sa iyong palagay, may


silbi ba ang mga ito sa pagpapahalaga ng akda?

Maaring ilan sa mga salik na naiahayag ni Tiongson sa panunuri batay sa


ibinahagi niyang mga katanungan ay ang mga sumusunod: mensahe, teknik,
manunulat, panahon sa pagkakasulat, at mambabasa.
Ang mga sumusunod na panunuri ay mainam sa pagpapaunlad ng panunuri
o pagkritika sa mga pampanitikan. Higit sa lahat ang pagpapahayag ng mga
angkop na layunin upang mas mapaglinaw ang mga akda na isinasagawa.

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna

You might also like