Introduksyon Sa Pananaliksik Wika at Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK WIKA AT PANITIKAN

Pananaliksik

nangangahulugan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng suliranin.

Kahalagahan ng Pananaliksik (Evasco et.al)

Maglarawan ng isang bagay o pangyayari na di- karaniwan


Magpaliwanag ng mga dahilan ng mga pangyayari.
Magsagawa ng ebalwasyon.
Magtaya ng mga mangyayari

Pamagat ng Saliksik

Nararapat na maging tiyak ang pamagat ng saliksik dahil itoy tutugon sa ilang layunin gaya ng mga
sumusunod:
Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral.
Ito ang batayan ng buong pag-aaral.
Maaangkin ang pag-aaral
Ito’y makatulong sa ibang mananaliksik na sumangguni sa ginawang saliksik.

Balangkas ng Pananaliksik
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT ANG KAPALIGIRAN NITO
1.1 PANIMULA
nilalahad dito ang mga dahilan kung bakit kailangang isagawa ang pag-aaral, bakit ito
napapanahon, at bakit kailangang isagawa ang pag-aaral sa panahong ito.

1.2 BATAYANG TEYORETIKAL - Ito ang saligan o teorya batayan sa pag-aaral

1.3 KONSEPTWAL NA BALANGKAS - Ito ang bue print ng pag-aaral. Tutukuyin dito ang input,
(pinagbatayang teorya sa pag-aaral) proseso, (ang mga hakbang sa isinagawa sa pag-aaral) at
output (produkto ng pag-aaral.)

1.4 PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Iniisa-isa ang mga layunin o mga katanungan sasagutin sa pag-aaral

1.5 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Tinutukoy dito ang mga makikinabang sa pag-aaral at anu-ano ang mga kapakinabangan nila
rito.

1.6 SAKLAW AT LIMITASYON


Tumutukoy sa lawak at hangganan ng saliksik. Halimabaway ang bilang ng pinag-aaralan,
tagpuan at panahon ng pag-aaral at ang limitasyon ng pag-aaral

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


1.1 MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Tumutukoy ito sa mga kaugnay na aklat ,ulat , sanaysay papel na binasa sa panayam,
komposisyon, pelikula, programang pantelebisyon at dokumentaryong maaaring sa
isinasagawang pag-aaral. Maaaring tukuyin ang mga detalye na makakatulong sa ginagawang
pananaliksik

1.2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL


Tumutukoy ito sa mga kaugnay na tesis at disertasyon. Ipinaliliwanag dito ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga teksto at disertasyon sa ginagawang pag-aaral

KABANATA III: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALISIK


Tintalakay sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit ng mananalisik at mga hakbang na ginamit
sa isinagawang pag-aaral

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPALIWANAG NG MGA DATOS


Detalyadong sasagutin ang mga layunin at suliranin ng pag-aaral.

KABANATA V: BUOD , KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


Inilahad dito ang buod ng natuklasan, konklusyon na hango sa buod ng natuklasan at
rekomendasyon na hango sa mga natuklasan.

ABSTRACT

Ito ay naglalaman ng imalawak na saklaw na buod ng pag-aaral na inilalagay sa unahan ng


panimula ng isang pananaliksik.Ito ay naglalaman ng paglalahad ng suliranin , pamamaraan bilang
at uri ng saklaw, instrumentation,mga natuklasan, konklusyon, rekomendasyon

APPENDICES - Mga dukomentong pansuporta na nabanggit sa katawan ng saliksik.

VITAE - Isinasaad dito ang mga karanasang pangpropesyunal ng sumulat ng saliksik na nakapang
ambang sa kakayahan niyang isagawa ang saliksik . Kadalasang sinasama sa maikling talambuhay
ang edukasyon, mga kaugnay na gawain, publikasyon at pagiging kasapi ng mga samahang
pangpropesyunal

Sanggunian: https://pdfslide.net/education/introduksyon-sa-pananaliksik-wika-at-panitikan-
58f9ac7cd2cfb.html?page=14

PANANALIKSIK AYON SA IBA’T IBANG MGA DALUBHASA


Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng
impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan
ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap
at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o
suliranin
Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos
para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang
layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng
mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang
kontroladong kalagayan para mahulaan at makapaliwanag.
Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang sistematiko at
siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga limitadong
kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado,
panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa
inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Sanggunian: https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/

You might also like