Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY


College of Education
Tacloban City

COURSE CODE : Educ 105


COURSE DESCIPTIVE TITLE : Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
TIME SCHEDULE : 10:30 AM – 12:00 PM (MTH)
COURSE/SECTION/YEAR : BEED 2-1, Second Year
PROFESSOR : Alvin De Mesa
REPORTER : Rosalie T. Sabugdalan

KALIGIRAN NG PAMARAAN
( KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAMARAAN)

Kahulugan ng Pamamaraan

Ayon kay Edward Anthony (1963)

• Pamaraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay ito sa
dulog.
• Ito isang proseso kung papaano ang daloy o takbo ng pagtalakay sa isang tiyak na paksa. Masasabing ang
pamamaraan ay mayroong hakbang na sinusunod, at dahil dito, nagiging tuluy-tuloy ang daloy ng talakayan
sa isang paksa. Hindi maaaring pagbali-baligtarin ang mga hakbang sa pamamaraang ginamit dahil kung
mangyari ito, magkakaroon ng kalituhan sa pagtalakay hinggil sa isang paksa.
Kahalagahan ng Pamaraan

Sa pagtuturo, napakahalaga ng pamaraan para sa pagtatamo ng mga inaasahang bunga sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Narito ang mga sumusunod na kahalagahan ng pamaraan:

1. Napagkakasunod-sunod ang pagtalakay ng paksa.


➢ Sa pamamagitan ng pamaraan, naihahanay ang mga gawain gayundin ang pagsisimula at
pagtatapos ng pagtalakay ng aralin.

2. Naiiwasan ang mga gawain na walang kaugnayan sa paksa.


➢ Sa pamaraan na ginamit, matututukoy kung naaangkop ang gawain o mga gawain sa
pagtatalakay ng paksa. Dagdag pa rito, maiwawasto ng guro kaagad ang kakulangan ng daloy ng
pagtatalakay ng paksa.

3. Nagagabayan ang guro sa paraan ng pagtalakay ng paksa.


➢ Sa pamamagitan ng pamaraan, nalalaman ng guro ang mga dapat isaalang-alang sa pagtalakay
ng paksa na dahilan upang maiwasan ang pag-aaksaya ng oras.

You might also like