Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE

ARALING PANLIPUNAN-10
UNANG KWARTER

UNANG LINGGO

KONTEMPORARYONG ISYU, UNAWAIN MO.

Maligayang pagdating sa Ikasampung Baitang!

Ikaw ay papasok na ulit sa mga panibagong paksa sa Araling Panlipunan. Sa taong


ito, ang Araling Panlipunan 10 ay magtatalakay sa mga kontemporaryong isyu. Ang saklaw
ng mga isyung ito ay maaaring sa inyong sariling komunidad, sa ating bansa at sa mundo sa
kabuuan. Kung iyong mapapansin, may mga kaganapan na ikaw ay direktang apektado o
maaari din namang hindi. Ngunit bilang bahagi ng isang kabuuan, may gampanin ka pa rin
para sa iyong sarili at sa lipunang iyong kinabibilangan. Ayon nga sa isang kasabihan, “Ang
sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan”. Patunay lamang na sa bawat isyung
kinakaharap maaari mo itong maranasan sapagkat kabahagi ka sa pagtugon nito.

Bagama’t napakamasalimuot ng epekto ng mga isyung ito sa tao napakainteresado


naman ang mga paksang pag-aaralan sa asignaturang ito. Buksan mo lamang ang iyong
isipan sa mga kaganapan sa iyong paligid at maging mapanuri sa mga ito ay makatitiyak ka
na magiging makabuluhan ang inyong pagkatuto sa mga talakayang gagawin. Handa ka na
ba? Tara na!

Kasanayang Pampagkatuto ( Most Essential Learning Competency)


Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu. (AP10PKI-Ia-1)
2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu sa lipunan at daigdig. (AP10PKI-Ib-2)

Balikan Natin
Bilang paunang gawain, balikan natin ang inyong nakaraang aralin sa
Ekonomiks.

HULA- LARAWAN
PANUTO: Pagtapat-tapatin ang Hanay A sa Hanay B upang matukoy ang angkop
na gawaing ipinapakita sa larawan. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
___1.
A. Pangingisda

1
___2.

B. Paghahayupan

C. Paghahalaman
___3.

D. Paggugubat

Unawain Natin

Basahin at unawain mong mabuti ang tungkol sa pagpapayaman ng kahulugan ng


kontemporaryong isyu. Sa huling bahagi ay matatalakay ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaryong isyu sa inyo bilang isang mag-aaral na kabahagi ng isang lipunan.

Marami ang kaganapan sa ating paligid araw-araw. May mga isyung kinakaharap ang
ating pamayanan o komunidad. Mayroon din namang mga isyung pambansa o hindi kaya’y
pandaigdig ang sakop. Ang tawag sa mga ito ay kontemporaryong isyu. Dalawang
mahalagang salita ang pinanggagalingan ng konsepto: kontemporaryo at isyu. Upang mas
maunawaan nang mabuti ang konsepto nito, suriin natin ang kahulugan ng mga salitang
pinanggalingan nito.

Ang salitang kontemporaryo ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang halimbawa


nito ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan ng panahon mula ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing
naaalala pa ng mga tao sa ngayon. Isa pang halimbawa nito ay ang paggamit ng
kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman sa panahon mula sa pagitan ng ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas na dekada na nakaaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng
kontemporaryong panahon. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay
sadyang maituturing na kontemporaryo.

Ang salitang isyu naman ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning


nakaaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate at may malaking
epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging
suliranin; may ilang isyu rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Kung pagsasamahin ang mga salitang kontemporaryo at isyu, ito ay tawag sa mga
pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan, bansa at maging ng buong mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga
isyung ito ay maaaring iugnay sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon,
ekonomiya, pulitika, kalusugan, kapaligiran, edukasyon, pananagutang pansibiko,
pagkamamamayan at marami pang iba.

2
Ang mga isyu na nagaganap sa lipunan ay maaaring maituring na isyung personal at
isyung panlipunan na nakasalalay kung sino -sino ang mga naaapektuhan nito at ang paraan
kung paano ito nabibigyan ng solusyon. Ang isyung personal ay sinasabing nagaganap sa
pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kaniya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay
nasa kamay ng indibidwal. Maituturing itong pribadong bagay na nararapat solusyunan sa
pribadong paraan. Isang halimbawa nito ay ang away o tampuhan ng magkaibigan na maaari
lamang maayos ang problema sa pamamagitan ng makabuluhang pag-uusap. Sa kabilang
banda, ang isyung panlipunan naman ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay
ito sa krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Ito ay mga suliranin na nakakaapekto
hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. Ang malinaw na halimbawa nito ay
ang malaking bilang ng mga walang trabaho sa isang lugar. Dahilan sa kawalan ng
hanapbuhay maaaring maging laganap ang kahirapan at krimen na may malaking epekto sa
kalagayan ng mga tao sa lugar na ito.

Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung


panlipunan, ang dalawang salitang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang hamon
at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal
subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos
na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isa ng isyung panlipunan.
Mahalagang maunawaan mo na ang isyung personal na nararanasan mo ay may kaugnayan
sa isyu at hamong panlipunan.

Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga


istrukturang bumubuo nito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga
ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa
pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.

Ayon kay C. Wrights Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita
ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kaniyang
ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang
abilidad na ito, masusuri natin ang koneksyon at interseksiyon ng mga isyung personal at
isyung panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksiyon sa mga pangyayari sa ating
buhay bilang isang indibidwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating
kinabibilangan.

Isang halimbawa nito ang problema sa usaping trapiko sa Lungsod ng Paraňaque. Sa


simula, maaaring isisi sa sarili ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung
susuriin ang isyung ito masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng
malawakang suliraning pantrapiko.

Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na


isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakakaapekto sa isang indibidwal.
Sa tulong ng Sociological Imagination, ang isang tao ay nakagagawa ng mga hakbang na
makatutulong sa kaniya upang solusyunan ang suliraning hindi na niya kayang kontrolin.
Upang hindi na siya mahuli sa pagpasok kailangan niyang gumising nang maaga nang sa
ganoon ay hindi na siya abutin ng trapiko.

3
Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu,
napagmumuni-muni natin kung ano ang ating kaugnayan at papel na ginagampanan sa mga
pangyayari sa ating sariling komunidad, bansa o buong daigdig. Hindi man tayo tuwirang
naaapektuhan ng lahat ng mga isyung nagaganap, mahalagang mapag-isipan natin kung ano
ang mga nangyayari sa ating lipunan at buong mundo.

Ilapat Natin

Upang maipamalas mo ang iyong pagkatuto, gawin ang susunod na gawain.


ISYU SA KOMUNIDAD, MULAT AKO.

PANUTO: Punan ng mga pahayag ang talahanayan upang mabuo ang


impormasyong hinihingi.

Kontemporaryong Isyu Kontemporaryong Isyu


A. B.

Paglaganap ng sakit na COVID-19 Suliranin sa Solid Wastes


Epekto sa Komunidad at Lipunan Epekto sa Komunidad at Lipunan
1. ________________________________ 1. ________________________________
Hakbang na Dapat Gawin Upang Hakbang na Dapat Gawin Upang
Makatulong sa Paglutas Makatulong sa Paglutas
2. ________________________________ 2._________________________________

Suriin Natin

Ang gawaing ito ay magpapalalim sa inyong kaalaman sa paksa.


KONTEMPORARYONG ISYU SA MUNDO, APEKTADO AKO.

PANUTO: Suriing mabuti ang mga larawan sa susunod na pahina at tukuyin kung anong
kontemporaryong isyu ang ipinapakita nito. Magiging gabay mo sa pagsagot ang
paglalarawang ibinigay. Hanapin sa loob ng kahon ang mga kasagutan at isulat ito sa
patlang.

Bagyo Cyberbullying Kahirapan Terorismo

4
Ito ay laganap sa Gawain ng isang Isang natural na
mga Kalunsuran. pangkat na ang layunin phenomena na
Marami ang nakatira ay maghasik ng gulo at mailalarawan sa iba’t-
sa tabi ng ilog/estero takot sa mga tao. ibang public storm
Kadalasang nauuwi sa signals na
o maging sa kalsada
karahasan at pagbuwis nakakaapekto ng
na salat sa mga
ng maraming buhay. lubusan sa tao, ari-
pangangailangan.
arian at kapaligiran.

1. ___________________ 2. _____________________ 3. _________________

Tayain Natin (Ebalwasyon)

KONTEMPORARYONG ISYU O HINDI?

PANUTO: Pangkatin ang mga pangyayari/kaganapan sa ibaba kung ito ay maituturing na

kontemporayong isyu o hindi. Isulat lamang ang TITIK ng tamang sagot sa angkop na

kahon.

Maituturing na Kontemporaryong Hindi Maituturing na


Isyu Kontemporaryong Isyu
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5.
6.

Mga Kaganapan / Pangyayari

A. Unang Digmaang Pandaigdig


B. Pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas
C. Paglaganap ng sakit na COVID-19 sa buong mundo.
D. Pagkakaroon ng polusyon at pagkasira ng kapaligiran..
E. Pagbabago ng kulturang Pilipino dulot ng globalisasyon.
F. Pagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Kastila.
G. Labanan sa Mactan ng mga katutubo at ng mga mananakop.
H. Pagkakaroon ng iba’t ibang kalamidad sa bansa dulot ng climate change.
I. Paghingi ng pantay na karapatan ng mga miyembro ng LGBT Community.
J. Paglaganap ng iba’t ibang anyo ng bullying sa lipunan. (Hal. Cyberbullying )

5
Likhain Natin

I- COLLAGE MO!

Higit ninyong mapapayaman ang mga natutuhan sa aralin sa pagsasakatuparan


ninyo ng gawaing ito. Masusukat ang inyong pagkamalikhain sa paggawa ng isang Collage
na gagabayan kayo ng mga panuntunan sa ibaba.

Layunin ( Goal ) Makabuo ng collage na magpapakita ng mga


kontemporaryong isyung nararanasan sa sariling komunidad,
bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Gampanin ( Role) Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makabuo ng isang


collage.

Mga Manunuod Mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang (gamit ang FB


( Audience ) Messenger at iba pang platform upang ibahagi ang kanilang
natapos na awtput)

Sitwasyon ( Situation) Makakalikha ng isang collage na may paksang


“Kontemporaryong Isyu: Kailangang Mulat Ako”.

COLLAGE na nagpapakita ng mga kontemporaryong


Produkto ( Product ) isyung nararanasan sa sariling komunidad, bansa o sa buong
daigdig.

Ang COLLAGE ay ang pinagsama-samang mga larawan


na may kaugnayan sa paksa at sa pagdikit-dikit nito ay
maaaring makabuo ng isang konsepto.

Pamantayan ( Standard ) Paggamit ng rubrik sa pagbibigay marka

RUBRIK SA PAGMAMARKA
4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
ng Pagpapabuti
Nasunod nang May isa o dalawang Maraming mga Walang
Kaangkupan sa wasto ayon sa mali sa mga detalye maling detalye sa mensaheng
Paksa paksang ibinigay. kaugnay sa paksa. paksa. ipinabatid sa paksa.
Malinaw na nailahad Hindi gaanong Walang
Malabo ang
Nilalaman ang konsepto gamit malinaw ang mensaheng
mensahe.
ang mga larawan. konseptong ibinahagi. naipabatid.
Napakamasining Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang
Pagkamalikhain
ang pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa.
Nasunod ang Hindi sinunod ang
Gumamit ng isang Gumamit ng 2
Gumamit ng mga pagresiklo ng lahat alituntuning
kagamitan na hindi kagamitan na hindi
Niresiklong ng mga kagamitan gumamit ng mga
niresiklo sa paggawa niresiklo sa paggawa
Kagamitan sa paggawa ng niresiklong
ng collage. ng proyekto.
proyekto. kagamitan.

You might also like