Fil 10 Q4 Summative 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
CONEL DISTRICT
ANTONINO G. BUSANO SR., HIGH SCHOOL

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
20
Pangalan:__________________________________________________________

Baitang & Seksyon:_________________________ Petsa:__________


Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1) Ano ang kahulugan ng teorya?
a. simulain o prinsipyo ng mga tiyak na kaisipan, paniniwala o ideya upang makalikha
ng isang malinaw o sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng
isang bagay.
b. pagbabalangkas ng mga prinsipyo na makakatulong sa pagpapaliwanag ngpanitikan
c. Wala sa nabanggit
2) Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng teoryang romantisismo?
a. Pinaniniwalaang ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti.
b. Inilalarawan nito ang gawi, ugali at pamumuhay ng tao nang tama at makatotohanan.
c. Binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikasan at ang pagpabor sa damdamin sa
halip na sa karunungan
3) Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng teoryang humanismo?
a. Inilalarawan nito ang gawi, ugali at pamumuhay ng tao nang tama at makatotohanan.
b. Pinaniniwalaang ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti.
c. Binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikasan at ang pagpabor sa damdamin sa
halip na sa karunungan
4) Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng teoryang realismo?
a. Inilalarawan nito ang gawi, ugali at pamumuhay ng tao nang tama at makatotohanan.
b. Binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikasan at ang pagpabor sa damdamin sa
halip na sa karunungan
c. Pinaniniwalaang ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti.
5) “Ang matatanda ay lagi nang nakaiisip ng hadlang sa lahat ng mga bagay,” puna ni
Isagani. “Kahit na anong mungkahi sa kanila ang nakikita nila ay ang mga hadlang hindi
ang kabutihan. Ibig nilang lahat ng bagay ay maging bilog at makinis natulad ng bola ng
bilyar.” Anong teorya ang pinapakita ng pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
6) Nakita ni Basilio si Simoun na may bitbit na lampara at narinig ang utos
nitong“SaEscolta, magmadali ka.” Nagmamadali na rin siyang umalis nang
makasalubong niya si Isagani. Sinabihan niya itong umalis na sa lugar na iyon dahil may
pagsabog na magaganap. Hindi tuminag si Isagani sa kinatatayuan. Gusto niyang
Makita si Paulita. Anong teorya ang pinapakita ng pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
7) “Hindi rin kita pinararatangan. Malaya mong masabi kung anoang palagay mo sa mga
Dominiko” Ang wika ni Padre Fernandez kay Isagani. Anong teorya ang pinapakita ng
pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
8) Masidhi ang pagnanais ng grupo ng mga mag-aaral na makamit ang kanilang minimithi
na magpatayo ng Akademya ng WikangKastila. Iniisip nila ang lahat ng posibleng
solusyon upang mapag- bigyan sila ng Kapitan Heneral. Ang tawag natin sa
ngayonsaganitong gawain ay pagkakaroon ng padrino. Anong teorya ang pinapakita ng
pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
9) Nang mga sandaling iyon ay kakila-kilabot, nangibabawparinangkabutihan kay Basilio.
Gusto niyang iligtas ang walang kasalanan. Anong teorya ang pinapakita ng pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
10) Bantog na manananggol si Ginoong Pasta. Siya ay sinasangguni ngmgakilala at
malalaking tao tungkol sa mga mahahalagang pasya. Ang mgaprayleaylumalapit sa
kanya sa kanilang mga suliranin. kaya’t lumapit si Isagani upang magpatulong. Subalit
buo ang pasya ng manananggol na huwag makialam sa usapin upang makaiwas sa
suliranin. Anong teorya ang pinapakita ng pahayag?
a. Teoryang romantisismo
b. Teoryang humanismo
c. Teoryang realismo
11) May dalawang bahagi ang kubyerta ng bapor tabo. Alin sa sumusunod ang kahulugan
ng salitang may salungguhit?
a. Palapag sa ibabaw ng isang barko
b. Palapag sa ilalim ng isang barko
c. Wala sa nabanggit
12) Lumala ang pag-uusig sa pamilya ni Dr.Jose Rizal ng umuwi siya sa Pilipinas. Alin sa
sumusunod ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. pagsasamantala
b. pagpapahirap
c. a at b
13) Nagbalatkayo si Crisostomo Ibarra bilang mayaman na mag-aalahas upang hindi
malaman ng lahat ang totoo niyang pagkatao.
a. nagpakatotoo
b. nagkunwari
c. wala sa nabanggit
14) Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng Kabanata 3 na tungkol sa mga alamat?
a. Layunin ng may-akda na pahalagahan ang mga paniniwala ng ating mga ninunong
Pilipino.
b. Nas ng may-akda na malaman ng mga Pilipino na maraming mga alamat ang ating
maririnig sa ating lipunan at lahat ng ito ay parte ng ating karunungang bayan.
c. Nais ng may-akda ilahad sa mga mambabasa na kapag may mga bagay na hindi
ma intindihan ng mga tao, mas madali na lamang na gumawa ng istorya o mga alamat
para ito’y mabigyan ng kahulugan.
d. Lahat ng nabanggit
15) Ano ang estilo o pamamaraan ng may-akda sa pagsulat ng Kabanata 3?
a. Akademik o nangangailangan ng maiging pagtatalakay at pag-aaral sa isang
paksa para ma gawa ito ng tama.
b. Reperensyal o uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian hinggil sa isang paksa.
c. Malikhain o naka sentro dito ang imahinasyon ng manunulat.
d. Lahat ng nabanggit
16-20) Sumulat ng paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa buhay mo na may
kaugnayan sa Kabanata 3 na pumapaksa sa mga paniniwala ng ating mga ninunong Pilipino
tulad ng paggamit ng alamat sa nais ipahayag sa kausap.

Ihinanda ni:

CHRISTELLE JOY O. CORDERO


Guro
Pinagtibay ni:

LUCIA G. GARVIDA
Master Teacher
Nabatid ni:

RENE ARIELLE V. PINOS


Master Teacher II/ Academic Head

You might also like