Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

🐝

Politikal na pakikilahok #1
Ipinasa ni Lhara Tamayo, 10-Unity

Sa paanong paraan nabibigyan ng pagkakataon ng pamahalaan ang mga


nasasakupan na pinakinggan ang kanyang saloobin?

Maraming paraan na nabibigyan ng pagkakataon ng pamahalaan ang mga nasasakupan na


pinakinggan ang kanyang saloobin. Isa na rin dito ang mga halalan. Ang pagboto ay isang
paraan para sa isang grupo, tulad ng isang pulong o isang botante, upang makagawa ng
kolektibong desisyon o magpahayag ng kanilang opinyon o pakinggan ang kanyang saloobin.
Ang mga halalan ay nagbibigay ng pagkakataon na iparinig ang ating mga boses at tiyaking
bahagi ng pag-uusap ang mga isyu na nakakaapekto sa atin at ang mga isyung
pinapahalagahan natin.

Ano-ano ang normal na pamamaraan ng pagpapatubo ng mamamayan ng kanilang


mga hinaing sa pamahalaan?

Isa sa mga pamamaraan ng pagpapatubo ng mamamayan ng kanilang mga hinaing sa


pamahalaan ay ang pagsasagawa ng mga kampanya o kilusan para marinig o malaman ng
pamahalaan, ang mga hinaing ng mga mamamayan. Maganda rin ito dahil ang layunin ng
pagsasagawa ng mga kampanya ay nagsasabi kung ano ang kailangang baguhin, at hanggang
saan, upang malutas ang problemang tinutugunan ng kampanya.

Ano ang ginagawa ng mamamayang hindi pinakikinggan ng pamahalaan sa


pamamagitan ng mga pormal na mekanismo?

Politikal na pakikilahok #1 1
Ang  ginagawa ng mga mamamayang hindi pinakikinggan ng pamahalaan ay gumagawa sila
ng mga petisyon. Ang petisyon ay isang pormal na mensahe na humihiling ng isang bagay na
isinumite sa isang awtoridad. Ito ay isang pormal na mekanismo na ginagawa ng mga
mamamayan na hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang kanilang problema o boses sa mga
problema sa bayan.

Isa pa dito ang pag protesta o mga social movements. Ang pag poprotesta ay isang
pampublikong pagpapahayag ng pagtutol, hindi pag-apruba o hindi pagsang-ayon sa isang
ideya o aksyon, karaniwang isang pampulitika. Maari rin ito maging isang paraan kapag
hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang mga mamamayan.

Ano-anong mga institusyong panlipunan ang nakapag-aambag sa pakikialam ng


mga taong-bayan sa mga usaping politikal ng bansa?

Ang pamahalaan ang institusyong panlipunan na naglalaman ng seguridad, organisasyon para


sa mamamayan nito. Ang bawat estado ay mayroong iba't-ibang pamahalaan na nagbibigay
ng hiwalay na limitasyon at sakop. Ang pamahalaan ang nakapag-aambag sa pakikialam ng
mga taong-bayan sa mga usaping politikal ng bansa dahil ito ay namumuno at nagpapalakas
ng mga batas. Hindi lang ito, sa kabuuan, ang bawat kasapi ng pamahalaan ay mayroong
mahalagang obligasyon na dapat gampanan. Responsibilidad ng bawat tao na magbigay ng
positibong reaksyon o tugon sa lahat ng mga benepisyo na binibigay ng pamahalaan.

Sa paanong paraan naapektuhan ng mga institusyong panlipunan na ito ang


pakikilahok sa mamamayang Pilipino?

Napaka influential ang mga iba’t ibang sektor sa ating institusyong panlipunan. Mapa sa
ating bahay man ito, paaralan, simbahan o pamahalaan. Naapektuhan rin nila ang ating mga
desisyons at isa narin dito ang pakikilahok ng mga mamamayang pilipino. Ang mga
institusyon ng lipunan ay itinatag upang makibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat,
ngunit ang pinaka mahalagang tunguhin ng mga ito ay ang pag-unlad ng tao sa buhay moral.

Paano makapag-ambag ang mamamayan tungo sa paglutas ng mga suliraning


kinakaharap ng ating bayan?

Bilang isang mamamayan marami akong mga paraan para maka-ambag sa paglutas ng mga
suliraning kinakaharap ng ating bayan. Isa na dito ay pag sama sa mga organisasyon na
makakatulong para malutas ang mga isyu na kinakaharap ng ating bayan. Paggawa o pag
boluntaryo rin sa mga tulong o paggawa para sa ikauunlad ng bayan. Sa aking murang edad
naniniwala ako na sa paggamit ng aking mga sosyal medya bilang plataporma sa pagbibigay
ng mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan o sa pag-ulat sa mga kinakaharap na suliranin
sa ating bayan.

Politikal na pakikilahok #1 2

You might also like