Why Taking Notes Is Essential Infographic

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Q3 M1 - TERMINAL ACTIVITY

ANG ALIBUGHANG
Anak

LARAWAN
NIlagay ko ang larawan ng isang pitakang
walang laman sa kanan; sapagkat sa
tingin ko ay may kinalaman ito sa
kuwento.
Ang larawang ito ay sumisimbolo sa pag-
ka pabaya ng bunsong anak sa yaman at
salaping ipinagkaloob sa kaniya.

Ang larawan ng isang lalagyang walang


laman sa kaliwa ay sumisimbolo sa gutom,
at hirap na dinanas ng bunsong anak;
dahil sa kaniyang kagustuhang
makahanap ng kasiyahan ay hindi niya
nakita ang mga hirap at pagsubok na dala
ng mundong ito.

At huli sa lahat, ang larawan sa kanan


ay sumisimbolo sa pagbabalik loob ng
bunsong anak sa kaniyang ama, at
kapatid. Ito'y patunay na kahit
anumang pagsubok ang dumating, ang
pamilya ay laging mananatili sa iyong
tabi; anuman ang mangyari.

BALITANG
PAHAYAGAN
Sa tingin ko, ang artikulo sa taas na bahagi ng pahina na ito ay may
pagkakatulad sa mga pangyayari sa parabulang "Ang Alibughang Anak".
Isinasaad sa artikulo na natanggap na ng mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla ang
kaniyang mana mula sa Komedyanteng si 'Dolphy'.
Parehong si Zsa Zsa at ang bunsong anak ay nakatanggap ng pamanang salapi.

Upang hindi matulad sa bunsong anak; nararapat nating pahalagahan ang mga
natatanggap natin, at pag-tuunang pansin kung paano natin ito gagamitin.
Dapat nating pahalagahan ang mga bagay na ipinag-kakaloob saatin, at
siguraduhing hindi ito mapupunta sa wala lamang.

https://bandera.inquirer.net/64136/zsa-zsa-nakuha-na-ang-mana-mula-
kay-dolphy
SCHOOL FOR
Good and Evil
Ang programang pantelebisyon na "School for Good and Evil" ay
nagsimula sa dalawang normal na magkaibigan na pagod-na-pagod na
sa kanilang buhay na tila walang ka sabik-sabik.
Kaya't dumating ang araw na sila'y dinala sa isang lugar na puno ng
mahika at inilagay sa dalawang magkaibang paaralan.
Si Sophie na inaasang mapupunta sa Paaralan para sa mabubuti ay
napunta sa masama, habang ang kaniya namang kaibigan na si Agatha
ay napunta sa paaralan para sa mabubuti.
Sa kagustuhang magkamit ng karangalan, kapangyarihan, kasiyahan at
lubos na pagkaka-kilanlan, si Sophie ay gumamit ng masamang
kapangyarihan upang malamangan ang kaniyang kaibigan.

Sa paningin ko, ang mga pangyayari sa kuwento ay maaaring iugnay sa


hindi pagkaka-kuntento ng nakababatang kapatid sa kaniyang
kasalukuyang buhay, na nagdulot sa pag-kawala ng lahat ng mahalaga
sakaniya; tugma sa nangyari sa tauhang si 'Sophie'.

Salamat

You might also like