Suriin PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Welcome!

Modyul 1: Isyu
at Hamong
Panlipunan
Unang Markahan
Ano ba ang ibig sabihin ng Kontemporaryong Isyu?
• Ang kontemporaryo (contemporary) ay mula sa salitang Latin na
com na nangangahulugang “may kasama” at temporarius mula sa
salitang tempus na ibig sabihin ay “oras”.

• Ang salitang kontemporaryo (contemporary) ay naglalarawan sa


takdang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa
katangian na nagpapakilala sa kasalukuyan habang ang salitang
isyu (issue) ay nangangahulugang mga pangyayari, mga sigalot o
problema na pinag-uusapan sa lipunan.

• Isang halimbawa ng kontemporaryong isyu ay ang usapin sa


korapsyon.
Paano ba masasabi na ang isang pangyayari ay mahalaga:

• Kung ito ay makabuluhang isyu para sa bansa.


• Kung ito ay lubhang nakaiimpluwensiya sa lipunan ng ating
ginagalawan.
. Kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon.

Dalawang mahalagang pinagmumulan ng impormasyon:

• Primaryang Sanggunian – ibig sabihin ang pinagmumulan ng


impormasyon ay mula sa orihinal na nagsulat o nakaranas ng
pangyayari.
• Sekondaryang Sanggunian – ang pinagmulan ng babasahin
ay hindi nanggaling sa primaryang sanggunian at maaaring
magamit na batayan sa kasalukuyan.
Ang Lipunan
Ito ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang
naninirahan sa isang
organisado at sistematikong
lugar o pamayanan. Sila ay
may pagkakaiba sa kani–
kanilang mga interes ngunit
naniniwala sa isang batas
kaya’t nagkakaroon ng
kasunduan.
Maraming pilosopo ang nagpahayag ng kahulugan ng lipunan at
ang ilan sa kanila ay sina:

A. Emil Durkheim- ang lipunan ay isang buhay na organismo na


patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan nagaganap ang mga
pangyayari. Emile Durkheim – A yon kay Durkheim, ang lipunan ay isang buhay na organismo na patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan nagaganap ang mga pangyayari.

B. Isabel Panopio –Ayon sa kanya ang lipunan ay isang sistematikong


komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin.
C. Karl Marx –Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes sa
kapangyarihan.
D. Charles Cooley – Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao
sa kanyang kapaligiran.
Ang lipunan ay nahati sa dalawang bahagi:
A. Institusyong Panlipunan B. Kultura
A. Institusyon A.Paniniwala/Beliefs
B. Social Group B. Pagpapahalaga/ Values
C. Status C. Norms
D. Gampanin D. Symbols/ Simbolo
MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN
1. INSTITUSYON- ito ay mga organisadong komunidad na bumubuo sa isang
lipunan. Ang institusyon ay binubuo ng sumusunod:
A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na kung saan ay
nagsisimulang mabuo ang isang pamayanan.
B. Paaralan - ito ang lugar kung saan nahuhubog ang kakayahan ng mga bata.
C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng ekonomiya ay ang kakayahan ng bawat isa
na maging bahagi ng lakas-paggawa.
D. Pamahalaan - ang institusyon na nagtatalaga ng mga batas para sa ikaaayos ng
isang lipunan.
E. Pananampalataya - ang institusyon na sandigan ng mga mamamayan, ang
paghahangad na ligtas sa maghapon maging sa trabaho o sa loob ng bahay.
2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga institusyong panlipunan na binubuo
ng dalawa o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at
nagkakasundo sa kanilang mga hangarin. Ito ay nahahati sa dalawa:

A. Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga taong malalapit sa iyo katulad


ng pamilya, kamag-anak o mga taong may impormal na pakikipag-ugnayan
tulad ng kaibigan o kabarkada, habang ang;

B. Secondary Group - kinabibilangan ng mga taong may pormal na ugnayan sa


isa’t isa halimbawa ay kasamahan sa trabaho o kapitbahay.
3 . STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa
lipunan. Malaki ang kinalaman ng status sa iyong pagkakakilanlan sa
lipunan. May dalawang pagkakaiba sa status ng tao:

A. Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa iyong posisyon sa lipunan


mula ng ikaw ay ipanganak o isinilang.

B. Achieved Status - ito ay iyong posisyon na dulot ng iyong


pagsisikap o mga pagbabago sa iyong buhay sa mahabang
panahon.
Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy sa gawain,
4.

obligasyon, responsibilidad at karapatan ng


indibidwal sa kanyang lipunan. Ang bawat
indibidwal ay may posisyong kinabibilangan at
nagtatalaga sa kanyang gampanin para maging
bahagi ng lipunan. Halimbawa sa kasalukuyan ay
tinatanggap na natin ang pagkakaroon ng
househusband maliban sa mga babaeng tinatawag
na housewife.
ANG KULTURA
Ayon kay Margaret Andersen at Howard Taylor, ang kultura ay isang
komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay–kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa kabuuan.

DALAWANG URI NG KULTURA


A. MATERYAL - ito ay bahagi ng kultura na nagbibigay
ng kahulugan at mahalaga para sa pag-unawa ng
kultura halimbawa ay mga likhang–sining, tula,
mga kagamitan at maging mga gusali .

B. HINDI MATERYAL -mga bahagi ng pang-araw–


araw na pamumuhay ng mga tao
katulad ng awit, batas, ideya at mga paniniwala.
MGA ELEMENTO NG KULTURA
A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan.

B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay ang batayan ng isang pangkat o


grupo kung ano ang katanggap-tanggap para sa kanila.
C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan.
Nahahati sa dalawa ang norms:

a. Folkways –itinuturing na pangkahalatang batayan


ng kilos ng mga tao sa isang lipunan.
b. Mores na ang paglabag ay may kaukulang ligal na parusa halimbawa ay
pagnanakaw o pagpatay.
MGA ELEMENTO NG KULTURA
A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan.

B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay ang batayan ng isang pangkat o


grupo kungano ang katanggap-tanggap para sa kanila.
C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan.
Nahahati sa dalawa ang norms:

a. Folkways –itinuturing na pangkahalatang batayan


ng kilos ng mga tao sa isang lipunan.
b. Mores na ang paglabag ay may kaukulang ligal na parusa halimbawa ay
pagnanakaw o pagpatay.
D. SIMBOLO (Symbols) - ang paglalapat ng kahulugan
sa isang kilos o bagay ayon sa gamit nito sa isang
indibiwal.
Ilang halimbawa ay sumusunod:
- ang pagtango na nangangahulugang pagpayag;

- pagkikipagkamay na ang ibig sabihin ay pakikipagkasundo;

- ang pagsusuot ng itim na ang ibig sabihin ay pagluluksa;

-
- ang pagsusuot ng polka dots tuwing sasapit ang Bagong Taon;

- ang paggamit ng tsek bilang tama o ekis na nangangahulugang mali at


ang mga kumpas ng ating mga kamay na siyang nagsasalita para sa atin
atin.
SOCIOLOGICAL IMAGINATION
Isyung Personal- maaaring maituring na isang isyung personal ang suliranin kung ito ay
sa pagitan ng isang indibidwal at malapit sa kanya .

Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:


a. ang pagkakaroon ng sakit ng isang indibidwal;
b. ang kawalan ng baon ng isang mag-aaral upang makapasok sa paaralan;at
c. ang pagiging late ng isang mangagawa dahil sa hindi nagising ng maaga.

Isyung Panlipunan - ang isang isyung panlipunan ay suliranin na kinakaharap


ng lipunan.
Ang ilan sa halimbawa ay ang mga sumusunod:
a. ang malawakang traffic sa EDSA at iba pang bahagi ng Kamaynilaan;
b. ang pagkakaroon ng suliranin sa basura sa lahat ng panig ng bansa; at
c. ang problema sa kriminalidad tulad ng nakawan, drugs at iba pa.
Sociological Imagination – ito ay ugnayan sa pagitan ng isyung personal at
isyung panlipunan.
Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:
a. ang pagputok ng Bulkang Taal na nagdulot ng matamlay na turismo sa
lalawigan ng Batangas, Tagaytay at maging Laguna;
b. ang pandemyang COVID-19 na kumitil sa buhay ng maraming Pilipino;
c. ang pagkakaroon ng sakit na dengue na nagiging dahilan ng kamatayan
ng maraming mamamayan; at
d. ang impluwensiya ng bawal na gamot tulad ng marijuana, shabu, cocaine.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like