Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _____________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: _____________________ Petsa: _________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 2
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo
Naipamamalas ang mga Epektibong Paraan sa Pagprotekta sa
Sarili at Kapwa

I. Panimula
Sa panahon natin ngayon mahalaga na matutuhan kung
paano protektahan ang sarili at ng kapwa. Maraming mga
nagaganap sa ating paligid na hindi natin inaasahan. Upang
maiwasan ang mga ito ay dapat maging handa at may sapat na
kaalaman tungkol dito.

Maging listo at alerto ang isipan at damdamin sa mga

kaganapan sa ating buhay. Isang halimbawa nito ay ang
biglaang pagkalat ng pandemyang nakahahawa hindi lamang
sa ating lugar maging sa buong mundo.

Tuklasin natin ang mga taong makatutulong sa atin upang

tayo ay maging maalam sa pangangalaga sa ating sarili at
kapwa.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Nakikilala ang mga taong makatutulong sa pangangalaga
sa sarili at kapwa
Koda: HGA–llld-5

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. makikilala ang mga taong makatutulong sa pangangalaga
sa sarili at kapwa ; at
2. matutukoy ang mga gampanin ng mga taong may
pananagutan sa pangangalaga sa sarili at kapwa.

IV. Pagtalakay
Ang wastong pangangalaga sa isang tao at sa iba ay
binibigyang pansin ng mga taong awtorisadong isagawa ang
mga bagay na ito. Sila ang mga doktor, nars, guro,pulis mga
kasapi ng pamilya at mga kaibigan.

Mayroon ding mga ahensiyang tumututok sa kapakanang

pansarili at sa kapwa tulad ng DOH, IATF, Mental Health Awareness
group, at iba pa.

Layon ng mga tao o grupong ito na panatilihin ang

kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Tayo
bilang kasapi ng paaralan, pamayanan o bansa ay dapat
sumusnod sa ano mang alituntuning ipinapatupad. Dapat din na
tayo ay maging aktibo sa pakikibahagi sa pangangalaga mismo
sa ating sarili at sa kapwa tao.

Makatutulong ito upang tayo ay maging produktibong

mag-aaral o mamamayan.

2
Si Allan
Kwento ni: Noemi Q. Pagarigan

Isang batang mabait si Allan. Nakatira siya sa Camiling

Tarlac. Sa kasalukuyan ay nagtitinda siya ng mga homemade
tupig sa kanilang lugar matapos niyang sagutan ang kaniyang
mga modules.
Sa kaniyang pagtitinda ay palagi siyang nagsusuot ng
facemask at naghuhugas ng kamay upang makaiwas sa mga
mikrobyo.
Tumutulong siya sa kaniyang mga magulang upang may
pandagdag sa kanilang ibibili ng bigas at ulam.
Isang araw ay nagkasipon at inubo ang kanyang tatay.
Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay ayaw ng kaniyang tatay na
komunsulta sa doktor. Ibibili na lamang daw ng pagkain ang
pampakonsulta.
Ngunit sa tingin ni Allan ay hindi ito nararapat. Kaya
pumunta si Allan kay Dr. Agustin, suki ni Allan sa tupig. Nagkaroon
ng online chek-up ang tatay ni Allan at Dr. Agustin. Ito ay libreng
konsultasyon. Pagkatapos ay binigyan pa ni Dr. Agustin ng libreng
gamot ang tatay ni Allan.
Makalipas ang tatlong araw ay gumaling na ang tatay ni
Alllan, nakabalik na ito sa paglalako ng pandesal.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa
patlang.

1.Ano ang paglalarawan mo kay Allan? ________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________

2.Paano ipinakita ni Allan ang pangangalaga sa sarili at sa

kapwa? _______________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3.Kung ikaw si Allan, ano ang gagawin mo sa sitwasyong iyong

nabasa? ______________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung ang pahayag ay
nagpapakita ng wastong pangangalaga sa sarili at ekis ( X
)naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
___________1. Sumusunod ako sa AITF protocols.
___________2. Hindi ako lumalabas ng bahay kung hindi kailangan.
___________3. Isinusuot ko ang aking facemask tuwing lalabas ako
ng bahay.
___________4. Kapag may naramdaman akong sipon, pananakit
ng ulo o ubo ay kumukunsulta ako sa doktor.
___________5. Hindi ko sinusunod ang mga paalala ng mga pulis sa
aming lugar. Wala namang kaso ng Covid sa aming lugar.

A.2 Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pahayag

ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapwa malungkot na
mukha ( )naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.
___________1. Isusuot ko ang facemask ko para sa protektahan ang
kapwa ko.
___________2. Hindi ko pinag paplanuhan ang mga gawain ko
saan man ako pumunta.
___________3. Wala akong balak na sundin ang mga ipinag uutos
ng DOH na magpabakuna.
___________4. Ginagamit ko ang aking angking kaalaman upang
maibahagi ko sa kapwa ko ang tamang paghuhugas ng kamay.
___________5. Ako ay masigasig sa pagtulong sa mga tao sa aming
lugar upang lubos nilang malaman ang tamang pangangalaga
sa kanilang kalusugan tulad ng pagpapabakuna, paghuhugas ng
kamay, pagsusuot at facemask at pagdadala ng alcohol palagi.

4
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B.1 Panuto: Sumulat ng isang maikling kasabihan tungkol sa
pangangalaga sa sarili.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

ISKOR
Pamantayan

Naisulat nang tama at maayos ang kasabihan. 10

Naisulat ang kasabihan ngunit hindi ito maayos. 8

Naisulat ang kasabihan ngunit hindi akma sa paksa. 6

Naisulat ang kasabihan ngunit mali. 4

Walang naisulat na kasabihan. 2

Kabuuan:

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

5
B.2 Panuto: Gumawa ng isang talata tungkol sa pangangalaga sa
kapwa mo na nagawa mo na o gusto mong gawin ngayong
panahon ng pandemya
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

ISKOR
Pamantayan

Nakagawa nang maayos at wastong talata. Maayos ang

10
pagkakasulat.
Nakagawa nang di gaanong maayos at wastong talata. Maayos
8
ang pagkakasulat.
Nakagawa nang hindi maayos at wastong talatan. Hindi maayos
6
ang pagkakasulat.
Hindi maayos at wastong talata. Hindi maayos ang pagkakasulat. 4

Walang nagawang talata. 2

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama
at MALI kung hindi.
___________1. Magkakaroon ng masayang pakiramdam kung
nakatulong sa kapwa.
___________2. Huwag pansinin ang mga pangangailangan ng
ibang tao, sarili lamang ang isipin mo.
___________3. Gawin nang may pagpapahalaga ang
pangangalaga sa kapwa at sa sarili..
___________4. Nagiging mas malusog at matiwasay ang
pakikitungo sa ibang tao kung may pagpapahalaga sa kabutihan
nila.
___________5. Isaalang-alang mo ang mga kabutihan ng
pangangalaga sa kapwa at sa sarili para sa kaayusan at
kaligtasan ng lahat .

VII. Pangwakas
Panuto: Ibigay ang sariling saloobin patungkol sa mga pahayag sa
ibaba ayon sa natutuhan sa aralin.
1. Ano ang pangangalaga?____________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano mo ipapakita ang pangangalaga sa iyong
sarili?__________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa pangangalaga
sa iyong kapwa tao?___________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7
VIII. Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.

2020-2021.

IX. Susi sa Pagwawasto

Pasulat na Gawain Gawaing Pagganap

sagot.
5. masayang mukha X 5. B. Maaaring magkakaiba ang mga
4. masayang mukha √ 4.
3. malungkot na mukha √ 3.
2. Malungkot na mukha √ 2.
1 masayang mukha. √ 1.
B. A. sagot.
A. Maaaring magkakaiba ang mga

Pagsusulit Pangwakas

5. Tama
4. Tama
3. Tama sagot.
2. Mali A. Maaaring magkakaiba ang
1. Tama

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Noemi Q. Pagarigan

Patnugot: Noemi Q. Pagarigan

Tagapagsuri ng Nilalaman: Lailani M. Junio, EdD

Patnugut ng Wika: Imelda S. Dagusan

Grupo ng tagapaglinang: Maebelle C. Manaloto

Tessie P. Urbano

Herrybert L. Valdez, PhD

You might also like