Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa at Pagsulat Sa Iba
Pagbasa at Pagsulat Sa Iba
Pagbasa at Pagsulat Sa Iba
DESKRIPSIYON NG KURSO: Nagbibigay pokus ang kursong ito sa pagbasa at pagsulat bilang instrumento ng
pagkatuto. Bilang bahagi ng mga makrong kasanayang pangwika, bibigyang-diin sa kursong ito ang mga estratehiya sa pagbasa
ng iba’t ibang genre ng mga tekstong nakasulat. Idedebelop din ang kasanayan sa pag-unawa lalo na ang kasanayan sa pagsulat
ng iba’t ibang sulating akademiko. Magiging batayang paksa ang ukol sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham
Teknolohiya.
Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado
para sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa
Midterm Period at 60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.
30% Pagbasa ng Isang Uri o Genre ng Teksto – Walang gagawing pagsusulit sa prelim period. Bagkus, magsasalita kayo sa harap ng
mga estudyante ng ibang klase sa ika-15 (Huwebes) ng Disyembre 2011. Pipili kayo ng isang teksto na maaaring tula, sanaysay,
talumpati, pabula, maikling kuwento, at iba pa. Maaaring kabisado o hindi ang tekstong napili.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang
maipasa ng hindi lalagpas sa ika-8 ng Disyembre (Huwebes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay
sa ika-12 ng Enero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan
paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi
tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula
ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
Pangatlong Pagpipilian:
Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Dula = 1 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita.)
Imbitasyon = 1 piraso
Pang-anim na Pagpipilian:
Kung may ibibigay kang suhestiyon sa iba’t ibang kombinasyon, mangyaring makipag-usap sa akin tungkol dito.
Ipasa ang hard copy maging ang soft copy ng inyong portfolio sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-8 ng Marso
(Huwebes) 2012, ala-una (1:00) ng hapon.
30% Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng
eksaminasyon ay sa ika-15 (Huwebes) ng Marso 2012.
15% Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa
kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang
maipasa ng hindi lalagpas sa ika-16 ng Pebrero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay
sa ika-15 Marso (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas
ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula
ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na
lamang kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit
sa polisiyang ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang
opisyal na iskedyul ng pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay
ipapasa sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing
saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.
OUTLINE NG KURSO:
Nobyembre 17 PANIMULA
Oryentasyon at Pagpapakilala ng Kurso
Nobyembre 24 ANG WIKA
Kahulugan, Kahalagahan, Kasaysayan at mga Katangian ng Wika
Ang mga Wika sa Pilipinas
Ang Alfabetong Filipino at ang Wikang Filipino