Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon Ni Dr.

Bienvenido Lumbera

Para sa isang bansang malaon nang nabalaho sa di-pag-unlad, ang Utopiang pangako ngglobalisasyon ay tunay
na katakamtakam. Naroon ang paglaganap at pagtibay ng demokrasya.Naroon din ang paggalang at pagsasanggalang sa
karapatang pantao ng mahihina at walangkapangyarihan. At naroon ang pagtutulungan ng lahat ng bansa upang panatilihing
malinis atligtas ang ating kapaligiran. At naroon din ang matagal ng minimithi ng sandaigdigan angmapayapang mundo
na sa mga awit pa lamang matatagpuan.

Bahagi ng pananalakay na iyan ang panghihimasok ng *orld +rade sa edukasyon.Ang reporma ng kurikulum na
sinimulan sa pang-akademyang taong ito ng ng"dukasyon ay malinaw na tinabas upang isunod sa padrong
globalisasyon. +umutugon ang )asi/"du/ation 0urri/ulum sa pangangailangan ng mga lipunang maunlad ang mga
industriya atteknolohiya para sa mga taong marunong bumasa ng instruksiyon at sumunod dito upang
angassembly line ay maayos na mapakilos. isinaayos ng ating gobyerno ang sistema ngedukasyon
upang makapagpalitaw ng mga kabataang marunong ng simpleng 1ngles, ngsimpleng pagkukwenta, at ng
simpleng siyensiya, halos itinalaga na nito ang darating na mgahenerasyon ng kabataang 'ilipino sa pagiging
manggagawang ang lakas at talino aypagsasamantalahan ng mga dayuhang empresa dito sa 'ilipinas at maging sa labas ng
bansa.

Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan.pinapagunita nito na mayroon tayong mga
karanasan at kabatirang natamo sa ating pagdanasng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng mga
dayuhan.

Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa tunayna pag-unlad. Subalit ang
identidad ng isang sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-gayonlamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao
lamang kundi sa kamalayan ng buongsambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong
bihis, itinuturo naman ngating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita namay
sariling bayan tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaanat ipagtanggol kung
kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo saikaluluwalhati ng 'ilipino bilang nagsasariling bayan.
bulatlat.com

You might also like