Aralin 3 Nararamdamang Inggit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 3 Nararamdamang Inggit, Isang Bisyo at Nakahahawang Sakit

Naghahangad ka bang magkaroon ng pinakabagong modelo ng cell phone? Gusto mo rin ba ng mga
branded na damit o sapatos? Marahil, nais mo ring magkaroon ng anumang materyal na bagay na may
kaugnayan sa iniidolo mong artista, mang-aawit, o mananayaw.

Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita mo sa iba ang mga bagay na gustong-gusto mo? Naiinggit ka
ba? Ano ang karaniwan mong ginagawa kapag naiinggit ka sa kapuwa?

Ang inggit ay isa sa mga damdaming maaaring maramdaman ng isang tao sa kaniyang kapuwa.
Karaniwan itong iniuugnay sa kawalan ng isang bagay na taglay ng iba. Paksa rin ito ng pamimilosopiya
ng ilang pilosopo at antropologo. Negatibo ang pagtingin ng marami sa inggit. Pero para sa pilosopong si
Friedrich Nietzsche, hindi maling maiinggit. Para sa kaniya, ang mahalaga ay kung paano kokontrolin ng
tao ang kaniyang inggit, Samantala, itinuturing naman ni Francis Bacon, awtor ng akdang tatalakayin sa
araling ito, na isang nakahahwang sakit ang inggit.

Sa palagay mo, saan nagmumula ang inggit ng tao? Maiiwasan ba ito madama sa iba? Ano kaya ang
maaaring magawa ng tao kapag pinangibabawan siya ng inggit?

Anyo

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na kadalasang nasa anyong tuluyan at tumatalakay sa isang
paksa o kalipunan nito. Karaniwan itong gagamitan ng mga sinaliksik na datos, impormasyon, o
detalyeng nakaangkla sa katotohanan, at madalas na sinasanib sa mga paglalahad o pagsasalaysay batay
sa mga tunay na karanasan ng tao.

Ang pilosopong Pranses na si Michel de Montaigne ang sinasabing nagpaunlad at humulma sa sanaysay
bilang isang anyong pampanitikan. Masasalamin ang mga pilosopikal na pagninilay ni Montaigne sa
kaniyang tatlo aklat na Essais. Ang terminong essais na nangangahulugang “pagtatangka” o
“pagsasanay” ang pinag-ugatan din ng terminong essay sa Ingles. Binubuo ang tatlong aklat ng mahigit
sa 107 kabanata o sanaysay tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng edukasyon, kaalaman, pag-ibig,
katawan, politika, at maging kolonisasyon noon ng New World, ang kasalukuyang kontinente ng
Amerika.

May-Akda

Si Francis Bacon (1561-1626) ay isang Ingles na pilosopo, abogado, politiko, at manunulat sa mga huling
yugto ng Renaissance. Sa pagsusulong siyentipikong metodo, si Bacon ay itinuturing na isa sa mga
tagapagtaguyod ng modernong kaisipang pang-agham.

Tatas sa Salita

Magkasingkahulugan ang dalawang salita o parirala na may magkatulad o magkaugnay na diwang


ipinahihiwatig. Kung hindi direktang ibinibigay ang kahulugan ng isang salita, maaaring bigyang-pansin
ang konteksto ng pagkakagamit nito sa loob ng bawat pangungusap.
Danas sa Teksto

Sa Pagkainggit

Salin sa Filipino ng sanaysay na “Of Envy”

Ni Francis Bacon

Isinalin/Hinalaw ni Christopher S. Rosales

Panunuring Pampanitikan

Kasabay ng mga bagong pagpapahalaga at kaisipan ng Enlightenment sa Europa ang mabilis na


pagsulong ng agham at teknolohiya. Umangat ang pagkilala bilang batayan ng kaalaman at katotohanan
na datong ibinabatay sa paniniwala sa relihiyon. Kinilala ang siyentipikong proseso at paggamit ng mga
apndama o senses para patunayan ang mga idea at pangyayari. Mula rito, isinilang ang Realismo bilang
tugon sa idealistang Romantisismo na laganap sa nakaraang siglo. Sumibol ang Realismo bilang kilusang
pampanitikan sa Pransiya noong ika-19 na sigo sa pangunguna ng nobelistang si Honore de Balzac upang
magsulat ng detalyadong tala ng lipunang Pranses.

Ayon kay M.A. R Habib, propesor ng pilosopiya at teoryang pampanitikan, pangunahing layunin ng
Realismo ang maglahad ng makatotohanan, tumpak at obhetibong representasyon ng eksternal na
mundo at ng sarili ng tao.

Malikhaing Pagsulat

Kagaya ng naunang natalakay, ang sanaysay ay anyong pampanitikan sa pinakamadalas nakabatay sa


mga bagay na kinikilalang tunay o totoo sa halip na sa imahinasyon ng sumulat. Sa pagsulat ng sanaysay,
maaaring gumamit ng impormal o pormal na tono ng paglalahad. Ang pormal na sanaysay ay
karaniwang seryoso at kritikal ang paraan ng pagtalakay, gayundin ang pamamaraan ng pagkakasulat. Sa
kabilang banda, ang di-pormal na sanaysay ay isinusulat sa magaang paraan at tila nakikipagkwentuhan
lamang.

Isa sa mga anyo ng sanaysay ang epistolaryo na nag-ugat sa sinaunang Roma at Bibliya. Isa itong liham
na isinulat para kausapin ang isang partikular na tao o grupo ng mga tao. May dalawang uri nito: Moral o
pilosopikal ang tema ng una, samantalang romantiko at sentimental naman ang pangalawa. Dahil may
espesipikong kausap, tiyak at nakatuon ang paksa ng epistolaryo sa isang isyu o usapin na direktang
nakaaapekto sa mga taong pinatutungkulan ng pagsusulat nito. Mabusisi nitong ipinaliliwanag ang isang
paksa upang magbigay-kaalaman, magpaalala, manghikayat, pumukaw ng damdamin o kumbinsihing
gumawa ng aksiyon ang mambabasa.

PONOLOHIYA

Ipikit ang iyong mga mata. May iparirinig na mga tunog ang iyong guro. Sabihin ang mga tunog na
narinig. Ano-ano ang mga ginamit mong batayan sa pagtukoy ng mga tunog? Kaya mo bang gayahin ang
mga tunog na iyong narinig gamit lamang ang bibig at lalamunan?

Sari-sari ang mga tunog na naririnig sa araw-araw. Maaaring galling ito sa mga bagay na walang buhay o
sa mga nilalang na tulad mo. Sa lahat ng maybuhay sa daigdig, katangi-tangi ang mga tao dahil
nakalilikha tayo ng mga tunog na nagtataglay ng kahulugan at maaaring maunawaan ng isa’t isa.
Tinatawag na ponolohiya ang pag-aaral sa mga tunog ng isang wika at kung paano ito nagkakasunod-
sunod upang makabuo ng kahulugan. Kaugnay nito, ang ponema ang pinakamaliit na yunit ng salita na
kapag nabago ay nag-iiba rin ang kahulugan ng salita.

You might also like