Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

12 STEM-C

ANG PAGSUSULAT NG TALUMPATI


GROUP 4
ANG PAGSULAT NG TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito

ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa

panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala,

pananaw at pangangatwiran sa isang partikular na paksang

pinag-uusapan. Kaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa

araw-araw kung saan sinasabi satin ang gusto nating sabihin

nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diing paksa.


ANG PAGSULAT NG TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng
pagpapahayag ng idea o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay
karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi
magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi
mabibigkas sa harap ng madla.
ANG PAGSULAT NG TALUMPATI
Sa pangkalahatan, may apat na uri ng talumpati
batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Ang mga ito ay makikita sa susunod na
pahina:
ANG PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)
2. Maluwag (Extemporaneous)
3. Manuskrito
4. Isinaulong Talumpati
12 STEM-C

MGA URI NG TALUMPATI AYON SA

LAYUNIN
12 STEM-C

Sa pagsulat ng talumpati mahalagang

makilala ang iba't ibang uri ng talumpati ayon

sa layunin nito. Ang ilan sa mga ito ay ang

sumusunod:
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o kabatiran
Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga
nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.
Halimbawa nito ay Panayam at Pagbibigay ulay.
Makakatulong din ang paggamit ng larawan, tsart,
dayagram at iba pa.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
2. Talumpating Panlibang
Layunin nito ay magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig

Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa salusalo,

pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan.


MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
3. Talumpating Pampasigla
Layunin nito magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig

Tiyakin ang nilalaman nito ay makakapukaw at


makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao.

Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw

ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan,

pagdiriwang ng anibersaryo, at kumbensyon.


MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
4. Talumpating Panghikayat
layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tatanggap ng paniniwala.
Halimbawa nito: Sermong naririnig sa mga simbahan,
kompanya ng mga politiko, talumpati sa kongreso, at
maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis
sa hukuman.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang

Layunin nito na tanggapin ang bagong kasapi ng


samahan o organisasyon.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
6. Talumpati ng Papuri
Layunin nito magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan.
Halimbawa nito: Pagtatalaga sa bagong hinirang na opisyal, pagkilala
sa isang taong namatay na tinatawag na 'eulogy", paggagawad ng
medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahan na nakapag
amba nang malaki sa isang samahan o sa lipunan
12 STEM-C

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA

PAGSULAT NG TALUMPATI
A. URI NG MGA TAGAPAKINIG
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati,
mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang magiging
tagapakinig.
A. URI NG MGA TAGAPAKINIG
Narito ang ilan sa mga dapat mabatid ng
mananalumpati sa kanyang mga takapakinig:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig.
2. Ang bilang ng mga makikinig.
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig.
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
Ang isang pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon na pag diriwiang
o pagtitipon ng pag tatalumpatihan. Mahalagang matiyak ang
tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may
kinalaman sa layunin ng pag titipon. Upang maging higit na
maging kawili-wili ang talumpati, dapat makitaan na may sapat
na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa.
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
1.Pananaliksik ng datos at mga kaugnayan na babasahin
Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa
at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat,
pahayagan, magasin,at dyornal. Maaari ding magsagawa ng
interbyu sa isang taong eksperto sapaksang tatalakayin. Maging
mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mgadatos, walang
laman, at may maling impormasyon.
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
Sa kasalukuyan, ang Internet ang isa sa pangunahing ginagamit
ngmarami sa pangangalap ng mga datos mula sa
mapagkatiwalaang mgasanggunian, artikulo, aklat, atbp.
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
2. Pagbuo ng tesis
Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang
pangunahingmensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig.
Magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin
ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng
pagpapahayg ngdamdamin kung ang layunin ng talumpati ay
magtaguyod ng pagkakaisa ngdamdamin ng mga makikinig.
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan O Punto
Kapag may tiyak ng tesis para sa talumpati, maaari nang alamin
ngmananalumpati ang mga pangunahing punto na
magsisilbing batayan ngtalumpati. Mahalagang mahimay o
matukoy ang mahahalagang detalyengbibigyang-pansin
upang maging komprehensibo ang susulatin at
bibigkasingtalumpati.
C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI
Isa pa sa mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng talumpati ay ang gagamiting hulwaran o balangkas
sa pagbuo ng talumpati. Malaki ang epekto ng paraan ng
pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa pag-
unawa nito ng mga tagapakinig. Ayon kina Casanova at
Rubin (2001), may tatlong halwarang maaaring gamitin
sa pagbuo ng talumpati.
C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI

1.Kronolohikal na Hulwaran

2.Topikal na Hulwaran

3.Hulwarang Problema-Soluson
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG
TALUMPATI
Ang paghani o pagsulat ng nilalaman ng talumpati
mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay
napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na
maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang
bibigkasing talumpati.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG
TALUMPATI

1. Introduksiyon
Ito ang pinakapanimula ng talumpato. Ito ay
naghahanda sa mga nakikinig.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG
TALUMPATI
2. Diskusyon o Katawan
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati dito
tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi.
A. Kawastuhan
B. Kalinawan
C. Kaakit-akit
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG
TALUMPATI

3. Katapusan o Kongklusyon
Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG
TALUMPATI
4. Haba ng Talumpati
Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto
o oras ang inilaan para sa pagbigkas nito.
12 STEM-C

NARITO ANG IBA'T IBANG TALUMPATI:


TALUMPATI BILANG 1
Mensahe sa Aking MgaKababayan
ni Manuel L. Quezon
Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong tatandaan. At ito
ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na
ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa invong mga sarili,
sa inyong mga anak, at sa mga anak ng ingong anak, hanggang sa katapusan ng
mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan,
mamatay para sa bayan. Dakila ang inyong bayan. Mayroon tong dakilang
nakaraan at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila
dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo.
Ang Pilipinas ng ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga
pinunong di makasarili at may lakas ng loob. Page 01 of 15
TALUMPATI BILANG 1

Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng


kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang
sariling kapalaran, hawk sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya.
Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-
sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
TALUMPATI BILANG 2
Muling Maging Dakila
ni Ferdinand Marcos
Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang
batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang
bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir
ay tumubo ang isang bagong bansa. Ang bansang ion ang naging unang
makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki
nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag; kung saan balota, at
hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido. Kung kayâ,
pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga
halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan?
TALUMPATI BILANG 2

Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika
sa Asya na taglay lamang ang tapang, talino, at kabayanihan. Ngayon, ang hamon
ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito' y mahalaga pa rin. Kailangang
ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang
panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran - sa pamamagitan
ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon,
tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal, at tapang. Maaari pang
muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang
aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo' y magtulungan
upang isakatuparan ang ating panalangin.
TALUMPATI BILANG 2

Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling
kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng
loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin. Pangarap natin ito. Sa pagpili
sa akin, inaako nino ito. Samahan ninyo ako sa pagkamit ng pangarap ng
kadakilaan.
TALUMPATI BILANG 3
Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino
ni Nestor S. Lontoc
Isang malaking karangalan na akó ay inyong maanyayahan bilang inyong
panauhing tagapagsalita sa mahalagang araw na ito. Ang graduation o araw ng
pastatapos ay isa sa mga pinakahihintay na araw ng mga guro, mag-aaral, at mga
magulang. Sapagkat ang araw ng pagtatapos ay nangangahulugan ng tagumpay.
ng pagwawakas ng isang mahalagang bahaging inyong takbuhin sa buhay.
Sapagkat dito ay inyo nang tatanggapin ang inyong mga diploma na simbolo ng
inyong pagsisikhay at pagsusumikap na matapos ang isang antas ng inyong
edukasyon. Walang magulang na hindi nachangad na makatapos ang kanilang
mga anak sa pag-aaral.
TALUMPATI BILANG 3

Sapagkat 'ika nga "ang EDUKASYON ang pinakamahalagang kayamanan na


maaati nilang maipagkaloob sa kanilang mga anak." Kayamanang babaunin ng
mga anak hanggang sa kanilang pagtanda. Mapalad kayo mga minamahal kong
mga mag-aaral sapagkat may mga magulang kayong may adhikaing mabigyan
kayo ng di lamang isang de-kalidad na edukasyon ngunit higit sa lahat ay
edukasyong humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal. Sapagkat naniniwala
akó na ang ingong paaralan ay hinubog kayo hindi lamang para kayo ay maging
matalino kundi upang kayo ay maging ganap na tao -mga kabataang may takot sa
Diyos, may pagmamahal sa magulang, makabayan, at higit sa lahat handang
sumuong sa mga totoong hamon ng buhay. Ito ang dahilan kung bakit inilunsad
ng ating pamahalaan ang K to 12 Curriculum.
TALUMPATI BILANG 3

Ito ay upang matiyak na ang pag-aaral na ginagawa sa paaralan ay tumutugon sa


hangarin ng kagawaran ng edukasyon- at ito ay ang maihanda ang mga mag-
aaral sa pagharap sa masalimuot na mga hamon ng buhay. Sa lahat ng mga
magsisipagtapos, tunay na kayo ay mapalad sapagkat hindi lahat ng batang
Pilipino ay nagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral sa isang maayos at
pribadong paaralan. Marami sa mga kabataang Pilipinong katulad ninyo ang
patuloy na nakikipaglaban sa hirap ng buhay makamit lamang ang kanilang
karapatang makapag-aral. Marahil di lingid sa inyong mga kaalaman na may
mga batang Pilipino na kilo-kilometro ang nilalakad araw-araw marating lamang
ang paaralan na kanilang pinapasukan.
TALUMPATI BILANG 3

Ang iba ay nagsisimulang maglakad ng alas-kuwatro ng madaling-araw at


makararating sa paaralan ng alas-otso ng umaga kung saan ay tirik na tirik na
ang araw. Mayroon namang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit
batid nating mahirap ito. Mayroon namang pumapasok sa paaralan nang walang
baon kahit isang sentimo makatanggap lamang ng bagong kaalaman. Totoong
mahirap ang ganitong sitwasyon ngunit sa mga batang may ambisyon, hindi
hadlang ang kahirapan at pagod magkaroon lamang ng edukasyon... edukasyong
magiging susi upang makaahon sa lusak ng matinding kahirapan. Binabati ko
kayong lahat at lagi nating tandaan: "Kailanman ay hindi matitinag ang Pusong
Pilipino."

You might also like