M2F1 Fildis

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Valverde, Clarize Gail T.

FILDIS
2BSIS-1 TF 7:00-8:30 am

Modyul 2- Forum 1

A. Buod
Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pagunlad ng Wikang Pambansa

Ano ng aba ang Filipino? Ano ang kahalagahan ng wikang ito? “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa hayop at malansang isda” ito’y kataga ni Dr. Jose Rizal.

Ang wikang tagalog ay sumasalamin sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Ito ay nagpapakilala bilang
Pilipinong mamamayan. Ang paggamit ng wikang tagalog sa pagpapaliwanag sa mga aralin ay higit na madaling
naiintindihan ng mga istudyante. At kung isa ka naman na manunulat balangkasin mo ang ginagawa mo sa
wikang tagalog. Nakabaatay na din ang pagkatao mo sa kung anong wikang kaya mo. Language is ideology ito
ay nakabatay sa pinagmulan mo at ano ang nakasanayan mo. Sinabi din ang Lingua Franca ito ay batay naman
sa pagtanggap natin ng ibang wika dahil sa mga nakakasalamuha.

Batay sa wikang Filipino kung ano ang sinasabi ng kaluluwa mo yun ang wikang lalabas. Ang sariling wika
ang makakatulong upang lalo maipaliwanag ang pananaw sa buhay.

B. Repleksyon

Batay sa aking napanuod nakakatuwang pakinggan at panuorin ang iba’t ibang pagpapaliwanag nila ng
kahalagahan ng wikang Filipino. Nakakatuwang isipin na pinapahalagahan nila ang wikang tagalog bilang mga
propesor sa iba’t ibang departamento sa paaralan kahit na wikang ingles ang ang dapat gamit sa asignaturang
kanilang tinuturo. Natutuwa ako sa kanilang pagpapaliwanag ng kahalagahan nito at mas madaling maunawaan
ng mga magaaral ang pagpapaliwanag sa wikang tagalog.

Pahalagahan natin ang mga pagpapahalaga at paglaban ng ibang tao para sa wika dahil ang layunin nila
ay para sa mga nakakarami hindi para sa kanilang pansarili lamang.

You might also like