Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

QUARTER 2 – PRE K2

Pangalan: _____________________________________________________

Week 1: Ako at ang Aking Pamilya

Unang araw:

Gawain: Paggawa ng Picture Frame

Layunin:

1. Magpakita ng kahusayan at pag-unlad ng mga kasanayan sa motor at


koordinasyon ng mata at kamay.
2. Kilalanin ang buong kasapi ng pamilya.
3. Magpakita ng respite sa pakikinig habang may nagsasalita.

Mga Kagamitan:

- Card board or paper plates


- Larawan ng pamilya.
- Pandikit

Pamamaraan:

1. Ipamahagi sa mga bata ang mga kagamitan.


2. Sabihin sa mga bata na Gawain ang picture frame at idikit ang larawan
ng pamilya.
3. Itanong sa mga bata kung sino-sinu ang nasa larawan.
4. Hayaang isa-isahin ng mga bata kung sino-sinu ang nasa larawan na
nakadikit sa picture frame.

___________________________ ______________________

Pangalan at Lagda ng Magulang Lagda ng CDW


Ikalawang Araw

Gawain: Pagbasa ng Kwento: Si Hinlalaki

Layunin:

1. Magpakita ng pagkainterisado sa pakikinig ng kwento.


2. Makiisa sa tanungan tungkol sa kwento.
3. Masabi ang magandang aral na napulot sa kwento.

Pamamaraan:

1. Ipakilala ang nasa kwento.


2. Isa-isahin at ipakilala ang limang daliri.

SI HINLALAKI

Sa limang anak ni Inang Kamay, si hintuturo ang panganay. At dahil

mahilig siyang magturo kaya lagging guro sa paglalaro. Si hinlalato naman

ang pinakamatangkad kaya sa larong basketball ay sikat. Ang pustoryong si

palasingsingan masipag naming utus-utusan, kahit tinutuksong hinliliit, Bawat

butas nililinis pero itong si hinlalaki ang siyang tiyak na walang silbi! Kayat sa

laro ay di siya kasali at palaging nasa tabi dahil punggok at iba ang tabas

kaya’t tinutukso pa na anak sa labas. Minsan ang lakas ni hinlalato sa

pagbuhat ng poste ay napasubo, tumulong ang tatlong kapatid at naligo na

silang apat sa pawis. Pero ang poste ay di matinag tinag at talaga yatang

pagkabigat-bigat. Sumaklolo si hinlalaki at biglang gumaan ang poste kaya

ngayon sinasabi walang mabigat na poste pagkatulong si hinlalaki.


Gawain:

Panuto:

1. Kulayan ng dilaw ang daliring mahilig magturo.


2. Kulayan ng pula ang daliring sumaklolo sa pagbuhat ng poste
3. Sino ang ingat yaman, kulayan ng berde.
4. Sino ang pinakamatangkad at sikat, kulayan ng asul.
5. Kulayan ng orange ang tinutuksong hinliliit.
Ikatlong Araw

Gawain: Pangalan ng miyembro ng pamilya.

Layunin:

1. Magpakita ng larawan ng buong pamilya at pangalan ng bawat isa.


2. Kilalanin ang bawat miyembro ng pamilya.
3. Mgapakita ng respeto ng pakikinig.

Kagamitan:

- Larawan ng buong pamilya.

Pamamaraan:

1. Isa-isahing ipakita ang larawan ng bawat miyembro ng pamilya.


2. Tukuyin kung sino ang nasa larawan.
3. Sabihin kung saang litra nagsisimula ang bawat pangalan.

Ama - Allan Ina - Cathy

Ate - Ella Kuya - Dante Bunso - France


Gawain 3:

Bilugan ang simula ng letra ng pangalan ng miyembro ng pamilya.

A B C D

E F G H

A B C D

A B C D

E F G H
Ikaapat na Araw

Gawain: Pagtatambal ng larawan sa bawat pangalan.

Layunin:

1. Maipareha ang mga larawan sa naaayong pangalan.


2. Maipakita ang husay ng kaisipan.

Ate

Bunso

Kuya

Ama

Ina
Ikalimang Araw

Gawain: Pagkilala at pagsulat ng letra na “Oo”

Layunin:

1. Ipakita ang tamang paghawak sa gamit na gagamitin.


2. Ipakita ang husay at kaalaman sa pagbabakat.
3. Sanayin ang pagsulat ng pataas at pababa.

Pamamaraan:

1. Ipakita ang letra na Oo


2. Sabihin sa bata na pagdugtung-dugtungin ang mga putol-putol na guhit
para mabuo ang titik Oo.

You might also like