Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Layunin ng Napakinggang Teksto

Pag-unawa sa Akdang Binasa

(Pagpapakita ng bidyo) Tanong: Ano ang layunin ng napakinggan?

(Mula sa mensahe o salitang narinig ay natukoy Ninyo ang hangaring nais ipabatid ng bawat bidyo)

Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita
na narinig.

LAYUNIN

Ayon sa diksiyunaryo ang layunin ay tumutukoy sa tunguhin, pakay o hangarin. Maaaring ang nais
iparating ng napakinggan ay magbigay impormasyon, mang-aliw o manghikayat.

MGA LAYUNIN NG NAPAKINGGANG TEKSTO

Mayroong tatlong layunin ang mga napapakingggang teksto na

kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Magturo o magbigay-alam - naglalayong magbigay-impormasyon sa mga nakakarinig tungkol sa mga


mahalagang paksa.

2. Manghikayat - naglalayong hikayatin ang mga tagapakinig na maniwala o kumilos batay sa tema o
paksang napakinggan.

4. Manglibang - naglalayong magbigay ng pagkakataong ma-relax o mabigyang-aliw mula sa


napakinggang teksto.

Ang pag-unawa sa akda ay prosesong pangkaisipan sa anumang babasahing mga teksto na maaaring
maiuugnay sa sariling karanasan ang mga impormasyong nilalaman nito upang mabigyang kahulugan.

Tukuyin ang layunin ng sumusunod na teksto:

1. Ang baybayin ay isangn mabisang paraan ng mga ninuno ng pagsusulat di lamang upang
makipag-usap sa isa’t isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng
pagbabaybay sa mga salita. Ang baybayin ay iang piktoryal na uri ng pagsusulat. ‘Di tulad ng
ibang mga piktoryal na sistema ng pagsusulat, ito ay madaling isulat at kabisaduhin.
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw

2. Muling dinumog ngayong Linggo ang “white sand beach” sa Manila Bay. Mahaba ang pila at
dikit-dikit ang mga tao sa entrada ng ipinagmamalaki at kontrobersiyal na baywalk, na nilagyan
ng dinurog na dolomite rock bilang artificial white sand. Dahil sa kapal ng tao, Nawala na ang
physical distancing at umabot pa ang pila sa footbridge at kalsada. – ABS CBN News
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw
3. Kapag mayroon kang pangarap huwag kang tumigil na magsumikap!
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw

4. Anong mayroon sa jeep, tricycle at bus na wala sa eroplano. (palaisipan-sagot: side mirror)
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw

5. Ako si Tukmol, naglilingkod s aiyo


Ganap ng titulado, pinanday ng pagbabago
Mangarap kayo, kabataan ng bagong siglo
Naniniwala akong may mararating kayo
- Tukmol ni Bb. Rosa Fe C. Pugeda
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw

You might also like