Dito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mga Kasabihan sa Siyudad ng Tayabas ayon sa Kaalaman ng mga Naninirahan Dito

Isinulit nina:

John Michael T. Abratique

Wilfred Benedict M. Pujanes

Ervin Ellison S. Oates

1
TALAAN NG NILALAMAN

Panimula…………………………………………………………… . 3

Layunin……………………………………………………………… 3

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………… 4

Depinisyon ng Terminolohiya……………………………………… 4

Kaugnay na Literatura…………………………………………… 4

Metodolohiya………………………….………………………… 6

Kinalabasan ng Pag-aaral…………………………………………… 7

Konklusyon………………………………………………………. 8

Rekomendasyon…………………………………………………. 9

Bibliograpiya…………………………………………………………….. 10

2
I.PANIMULA

Ang mga kasabihan ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-


araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa
mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan.
Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at
naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Ang mga kasabihan ay mga butil ng karunungang kinapalalamnan ng mabuting payo


at hango sa tunay na buhay. Ito’y inihanay ng patula at katulad ng bugtong ito’y matandang
panitikan na nagpapasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Ito’y nagiging gabay ng
matanda at bata sa pakikisalamuha sa matuwid na landas ng buhay. Noong 1890 ay nalathala
ang isang manipis na babasahin na kinapapalooban ng mga salawikain at kasabihang
Tagalog. Ang lathala ay pinamagatang Colleccion de Refranes, Frases Y Modismo Tagalog
na isinalin at ipinaliwanag sa Kastila nina P. Gregorio Martin at Mariano Cuadrado at
isinaayos ni P. Miguel Lucio Bustamante. Ito’y naglalaman ng 876 na kasabihan at
salawikain at iniayos ng paabakada batay sa mahalagang salita ng salawikain. Si Dr.
Reinhold Rost, patnugot ng Truebner’s Record, isang lathalain ukol sa mga kaalaman sa
Asya, ay humingi kay Dr. Jose P. Rizal ng artikulo. Bilang tugon, ipinalathala ni Dr. Rizal
noong Mayo, 1889 ang Specimens of Tagalog Folklore. Ito’y naglalaman ng mga salawikain
at bugtong sa Pilipinas.

Ilan sa mg halimbawa ng mga kasabihan ay ang mga sumusunod: “Ang bungang


hinog sa pilit, tiyakang ito ay mapait", "Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay".

Ang pag-aaraal na ito ay tungkol sa mga Kasabihan sa Siyudad ng Tayabas.

II.LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

 Tukuyin ang iba’t ibang kasabihan at salawikain sa Siyudad ng Tayabas


 Sukatin ang kaalaman ng mga naninirahan dito tungkol sa kanilang kaalaman sa mga
kasabihan at salawikain na mayroon sa kanilang bayan

3
 Ipaalam sa mga mambabasa ang mga natatagong literatura sa Siyudad ng Tayabas

III.KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

 Mga Mag-aaral
Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong
para makakuha ng impormasyon ukol sa mga kasabihan na mayroon sa Siyudad ng
Tayabas.
 Mga Mananaliksik

Sa pamamagitan ng pag- aaral na ito magkakaroon ng sanggunian ang mga


mananaliksik sa hinaharap ukol sa mga pag-aaral na kaugnay nito.

IV.DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

1. Kasabihan- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong


magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.
2. Folklore- mga kwento ukol sa pinagmulan ng bagay, lugar at lokasyon.
3. “Hinog sa Pilit”- minadaling resulta
4. “Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay”- ang mga taong nasa ang ibaba ang
palaging naghihirap, habang ang mayayaman ay pasarap lamang sa buhay.

V.KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at


naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng
mga karunungan.

Ang mga  kasabihang ginagamit ng mga Pilipino ay batay sa katutubong kalinangan,


karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Nilalarawan ang kasabihang
nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo
ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga

4
kasabihan bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o
dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. Isang tanyag na katutubong kasabihang Pilipino ang mga
katagang: Ang taong hindi marunong umalala o lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay
hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa itong kasabihang Tagalog na naglalahad at
humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang
pinagmulan at pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang pagpapahalagang
Pilipinong tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay ng angkop na pahalaga at pagtingin sa
mga taong nakatulong sa isang tao para magtagumpay sa buhay o adhikain. Pinagpangkat-
pangkat ni Damiana L. Eugenio, isang propersor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, may-akda
ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinagurian ding "Ina ng Kuwentong-Bayan ng
Pilipinas" ang mga kasabihang Pilipino sa anim na mga kaurian o kategorya ayon sa mga
paksa: ang mga kasabihang etikal (yung mga nagsasaad ng isang pangkalahatang gawi
hinggil sa buhay at sa mga batas na nangangasiwa sa mismong pamumuhay), ang mga
kasabihang nagmumungkahi ng mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo, ang mga
kasabihang nagpapadama ng isang sistema ng mga pagpapahalaga, ang mga kasabihang
naglalahad ng mga pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at
kalikasan ng tao, ang mga kasabihang nakakatawa, at ang iba pang mga kasabihan.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa sinabi sa aklat nina Atienza et.al. (1987:1).
Ayon sa kanila, "Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag
ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-araw-araw na
pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran at gayun sa kanyang
pagsusumikap na Makita ang Maykapal. "Sabi nga na ang panitikan ay walang kamatayan
dahil nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao hanggang sa kasalukuyan nabubuhay pa din ito.

May malaking kaugnayan ang kaalamang-bayan upang mas mabigyang lalim ang
kabatiran ng isa sa mga yamang panitikan na kasabihan. Si Mon Leon ay nagwika mula sa
aklat ni Ramos, et al. (1984), na ang salawikain ay naging ugali nang sabihin at nagsilbing
batas ay tuntunan ng kagandahang-asal ng mga tao. Isang sambitang patambis na nakasalalay
sa isang matandang paniniwala at pandaigdig na katotohanang malaon nang ginagamit ng
isang lipunan.

Patunay itong ang kasaabihan mula sa iba’t ibang liping Pilipino ay hindi nagkakalayo
sa layunin, hangarin at kaayusan upang ang mga tao ay mapanuto sa bawat hakbang na

5
gagawin sa buhay. Nagsisilbi rin itong gabay o paalala pati na rin aral sa sinuman upang ang
buhay ay maging maayos at katangi-tangi.

Ang kasabihan ayon kay Cassanova, et al. (1999), nagpapahayag ng aral at nagiging
batayan ng magandang pag-uugali at kinapapalooban ito ng mabubuting payo at paalala
hango sa mga karanasan sa mga matatanda.Kaya karaniwan sa ang mga salawikain ay
ginagamit upang magturo ng mabuting kaugalian at magbigay aral hango sa mga karanasang
hindi na dapat pang pamarisan. Sa kabuuan, ang mga panitik kagaya ng kasabihan ay
tumutulong upang mahubog, makilalaat maipamalas ang natatanging paniniwala, kaugalian,
aral at payo o pangaral ng isang tribu, lipi o grupo sa isang komunidad o pook upang ito ay
magsisilbing gabay ng bawat indibidwal para sa mas maayos na pakikibaka sa buhay.

Narito ang mga ilang halimbawa ng kasabihan:

 Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Kahulugan: Sa tinagal-


tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa
kasalan.
 Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Kahulugan: Kung nakakaranas ng
kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang
kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
 Kung hindi ukol, hindi bubukol. Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang
makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi
ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo
ang mimithing biyaya.

VI.METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng pag-iinterbyu ang mga mananaliksik upang malaman ang mga kasabihan
na mayroon sa Siyudad ng Tayabas.

Populasyon at Tagatugon ng Pananaliksik

6
Ang mga ginamit na tagatugon ay mga mamamayang naninirahan sa Siyudad ng
Tayabas na may bilang na tatlo (3).

Instrumento ng Pananaliksik

Isinagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang


kasalukuyang pag-aaral:

1. Pagkalap ng pagbasa ng mga aklat sa riserts o pananaliksik

Ang mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol sa riserts o


pananaliksik sa wikang Ingles at Tagalog upang malaman ang mga karaniwang 
terminong ginagamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang pagkunan ng glosaryo ng mga
terminolohiya.

2. Pagbuo ng mga Katanungan sa Pag-iinterbyu

Bumuo ang aming team ng mga katanungan para sa pag-iinterbyu batay sa mga problemang
inilahad. Ang mga tanong ay binubuo ng mga sumusunod:

 Ano ang iyong pangalan?


 Ilang taon ka na?
 Ilang taon ka nang naninirahan sa Tayabas?
 Anu-ano ang mga kasabihang natatandaan mo, na naririnig mo noong ikaw ay
bata pa? Ano ang ibig sabihin nito?

VII.KINALABASAN NG PAG-AARAL

Panglan Edad Taon ng Mga Kasabihan at ibig sabihin nito


Paninirahan
sa Tayabas
Lilia Z. 68 68 “Pag may isinuksok, may madudukot”. Yun ay
Gob isang kasabihan na parati kong naririnig sa mga
matatanda kong inana dahil ang sabi nga nila pagka
ikaw sa isang pamilya ay mayroong mga bagay,
halimbawa’y pera itinago mo kung dumating yung
pag kakataon na bigla kayong mangailangan,

7
mayroon kang dudukutin. Katulad halimbawa sa
pagpapa-aral, natatandaan ko noon na kami ay
maagap maulila sa aking tatay, nag pursiging
magpa-aral sa amin ay yung aking nanay na. Siya
ang kanyang trabaho lang ay sa linang, kaya
parating pag kami ay binigyan ng baon, halimbawa
ay 50 pesos yung kalahati naka save, yung kalahati
lamang ang gagastusin. Para kung dumating daw
yung time, isang halimbawa bigla kang
mangailangan, wala silang hawak na pera, mayroon
kaming dudukutin.
Piniling “Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay
hindi malalim”. Yun ay very classical sa mga filipino. Pag
magpakilala nagmamadali, ay madaming mali. Sa panahon
ngayon minomodernize, “Ang lumakad ng matulin,
pag natinik ay baon” ngunit iisa lang din ng ibig
sabihin.
Ermelina 56 56 -Hindi laging tag-mais, may tag-panis. Ibig sabihin
Oates. noon hindi laging maraming pera o hindi laging
sagana may pag-kati ng pera, may pag konti ng pera
o kasaganaan sa buhay.
- Huwag kang kakasiguro, kwaresma ma’y nabagyo.
Kahit na sabihing summer minsan ay dumarating
ang panahon na masama o bumabagyo.

V.KONKLUSYON

 Ang edad ng mga nakapanayam ay nasa 56-68 na taong gulang.


 Ang mga kasabihang kanilang nalalaman ay ang mga sumusunod:
“Pag may isinuksok, may madudukot.”
“Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.”
“Ang lumakad ng matulin, pag natinik ay baon.”

8
“Hindi laging tag-mais, may tag-panis.”
“Huwag kang kakasiguro, kwaresma ma’y nabagyo.”

VI.REKOMENDASYON

Para sa mga Mag-aaral…

1. Gamitin ang mga kasabihan bilang gabay sa pag-aaral tungo sa pagtatagumpay.


2. Ituro ang mga kasabihan sa mga nakababatang henerasyon, sa kapatid, pinsan, at
kaibigan.

Para sa mga Mananaliksik sa hinaharap

1. Gamitin ang pananaliksik na ito sa hinaharap.


2. Palawakin pa ang saklaw ng pananaliksik na ito.

9
Bibliograpiya:

Listahan ng mga Sanggunian:

Mata, R. N. & Rufino, R. T. (n.d.). Foklor Ng Ilang Baranggay Ng Lungsod Ng Ozamiz:

Isang Panimulang Paglilikom. Retrieved from


http://local.lsu.edu.ph/institutional_research_office/publications/vol.15no.6/5.html?
fbclid=IwAR1QSxSAZsmlLDvDkk701UziX_yrEArQ2nrUE9lz3Mw2JE5jqDU2LCGUGug

Arrogante, J.A. (2004). Panitikang Filipino.Mandaluyong City: Rex Book Store.

Atienza et.al .(1987).Panitikan ng Pilipinas. Manila, Philippines: Rex Book Store.

Ajesta, A. (2011). Salawikaing Butuanon: Isang Pagsusuri sa mga Aral. Retrieved from

https://lsu.edu.ph/application/files/2314/7193/8442/Vol._16_No._1_-
_Salawikaing_Butuanon___Isang_Pagsusuri_sa_mga_Aral.pdf?
fbclid=IwAR0sgNpgILhC5HsiyawvGSZzrFFnFcBmDE9sEhRyLgrp-w2EVChXo-
7aHZA

10

You might also like