Ap7 SLHT-4.1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: Araling Panlipunan Grade: 7 Quarter: Second Week: 4

MELC: Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Competency Code AP7KSA-IIc-1.4


Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya

Name ________________________________ Section ________ Date________

School: ______________________________ District: ____________

A. Paksa:

Pilosopiya at Relihiyon sa Sinaunang Asya:

Ang salitang pilosopiya ang nagsimula sa salitang griyego na philo at sophia. Ang philo ay
nangangahulugang “pagmamahal” at ang sophia naman ay “karunungan”. pagsasamahin, ito ay
pagmamahal sa karunungan. Ang relihiyon naman ay tumutukoy sa sariling paniniwala at pagsamba ng
tao. Maari itong mag-ugat sa kultura at tradisyon ng lipunang kinalakihan. Ang kabihasnang umusbong
sa Tsina ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa daigdig sa kasalukuyan. Ang
kaisipang Sinocentrism ay tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya ng mga tsino na ang Tsina ang
pinakasentro ng daigdig, o “Gitnang Kaharian”.

Confucianismo

Si Confucius ang pinakamaimpluwensiya sa lahat ng mga pilosopong makakatulong sa pagpapanatili ng


kapayapaan sa lupain. Ang teorya at ideya ni Confucius ay nagbibigya- halaga sa lipunang may
pagkakasundo bunga ng maayos na pamamahala. Ayon sa kanya maibabalik ang maayos na
Pamahalaan sa Tsina sa Pamamagitan ng Limang Pangunahing maayos na relasyon: (1.) Namumuno at
Nasasakupan, (2.) Ama at anak, (3.) Mag-asawa, (4.) Nakakatandang kapatid na lalaki at nakakabatang
kapatid na lalaki, at (5.) Magkaibigan. Ayon kay Confucius, mahalagang makagawian ng mga anak ang
pagsunod sa filial piety, o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakakatanda.

Taoismo

Tinatag ni Lao Tzu. Sa kanyang simpleng pamumuhay, natuto siyang sumunod sa tinatawag niyang tao
na ang ibig sabihin ay “ang daan”. Mga turo:

1. Lahat ng bagay ay iisa.

2. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat gumawa ng kabutihan.

3. Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay isang realidad.

4. Mga birtud sa pagpigil sa sarili, pagpapasensiya, at pagkamakumbaba.

5. Ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo, at mapayapa.

Legalismo

Nakabatay sa makabuluhan at malakas na puwersa na dala ng estado. Ayon sa legalismo, dapat


palawakin, patibayin, at patatagin ang estado. Higit na mahalaga ang istrikto na batas ng pamahalaan
ng estado upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto. Ang
sinumang lalabag sa batas ay makakatikim ng mabigat na parusa na nagmumula sa estado o
pamahalaan.
B. Exercises

Gawain 1:

Panuto: Hanapin ang mga pilosopiya o relihiyong nagmula sa Asya at natukoy sa paksa sa
pamamagitan ng pagbilog o pagkulay sa mga titik at lagyan sariling kahulugan batay sa iyong
pagkakaintindi.

Halimbawa:
• Sinocentrism - Isang paniniwala ng mga Tsino na sila ang higit na angat na lahi sa
buong mundo.

Gawain 2

Panuto: Gumawa o gumuhit ng isang simbolo na magpapakita sa epekto ng sinaunang


pilosopiya ng mga Tsino sa kasalukuyan at ipaliwanag.

Halimbawa:

PUNO- Ito ang napili ko na simbolo dahil ang


puno ang sumisimbolo ng pag-usbong ng
buhay. Kagaya na rin ng mga Tsino,
naniniwala sila na lahat ng bagay ay
nagsimula sa kanilang lahi.
C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31,
s. 2020)

Panuto: Gumawa ng isang slogan na maglalahad sa ambag ng mga relihiyon o paniniwala sa


daigdig. Ipaliwanag ang sagot.

Halimbawa:

“ Ang Pandaigdigang Pananaw at ang Kaugnayan nito ay Daloy ng Kasaysayan”


Paliwanag:
✓ Ang mga relihiyon o paniniwala sa kahit saan man panig mundo ito
nagsimula, ay makakatulong sa paghubog at pagtuklas ng kasaysayan ng
daigdig.

C. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies Panuto: Sagutan ang tanong:

➢ Ano ang ambag ng sinaunang pilosopiya o paniniwala sa paghubog ng kabihasnang


Asyano?
References:

Mga aklat at artikulo:

Rosemarie C. Blando, et. al : ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba De Jesus

Ruby et. al. (2015).Asyano ( pahina 115-116)

Cruz, Romela et.al. (2013). Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan (pahina 292-294 )

Mula sa web:

https://www.slideshare.net/boribryan/mga-relihiyon-at-paniniwala-sa-asya
http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/relihiyong-jainismo.html
https://www.slideshare.net/mhineakoh1/pilosopiya-ng-china
https://www.slideshare.net/xe0nahq0h/sinaunang-kabihasnan-sa-china
https://vdocuments.site/download/mga-kaisipang-asyano-sa-pagbuo-ng-imperyo- 55893c13d842e
https://vdocuments.mx/mga-relihiyon-sa-asya.html https://prezi.com/b1n7iwgm7pok/mga-relihiyonsa-
asya/?frame=e7ea346cbc8533cf3b84f48a8a4d9f89ea75eb8f https://www.google.com/search?
q=foot+binding&tbm=isch&ved=2ahUKEwiWo8y-
5InsAhXvzIsBHSYHDeYQ2 https://www.google.com/search?
q=pagbabago+sa+kalagayan+ng+kababaihan&tbm=i sch&ved

Prepared by:

APRIL ROSE B. LASPRILLA

You might also like