Alamat NG Langga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa loob ng tatlong buwan, walang katapusang tubig ang tanging natatanaw ng mga manlalakbay

na Kastila. Walang tigil ang kanilang paglalayag hanggang makatagpo sila ng isla para sila ay
makapagphinga at makahanap ng suplay ng pagkain at tubig. Makailang ulit silang sinubok ng hagupit ng
bagyo na muntikan ng makasira sa kanilang barko. Sa kabutihang palad, makalipas ang ilang buwan na
paglalayag sa pawing walang katapusang katubigan, sila ay nakatanaw ng isang maliit na isla.

Matapos makumpirma ng mga Kastila na ito nga ay isang isla, agaran silang dumaong dito.
Pagkababa nila ay agad silang namangha sa angking ganda ng isla. Ito ay hitik sa mga puno ng niyog, iba’t
ibang klase ng mga prutas at ang mala-kristal na tubig nito.

Napagpasyahan ng mga Kastila na magpalipas ng ilang linggo sa islang ito. Marami silang
nahanap na pagkain na kanilang inipon para sa susunod nilang paglalakbay, sila ay nagpunta sa ibang
bahagi ng isla na pawang naghahanap ng kayaman.

Makalipas ang ilang araw na paglilibot sa isla, sila ay nakatagpo ng kakaibang lugar na nababalot
ng misteryo. Ang lugar na ito napapalibutan ng libo-libong bahay-langgam.

Ito ay mistulang maliliit na bundok na hitik sa masisipag na langgam.

Dito makikita ang halos bente kwatrong oras na pagtatatrabaho ng maliliit na insekto, na
naghahanda sa paparating na tag-ulan.

Ito ang lugar na pinakatumatak sa isipan ng mga dayuhan dahil noon lamang nila nalaman na
may ganoong lugar pala sa mundo. Ilang araw silang nagpabalik-balik dito upang pagmasdan ang mga
gawi ng langgam. Hanggang sa sila ay tuluyan ng lumisan sa isla, dala pa rin nila ang pagkamangha sa
lugar na ito.

Makalipas ang ilang daang taon, ang isla ay tinirhan na ng mga tao at natuklasan rin nila ang
lugar na may maraming bahay-langgam. Habang lumipas ang mga taon, unti-unting nawala ang mga
langgam dahil na rin sa dumaraming populasyon ng mga tao sa isla. Sa kalaunan, ang lugar na ito ay
tinawag na Langga dala na rin ng kasaysayang nakapaloob rito.

Tuluyan mang nawala ang mga bahay-langgam, dala pa rin ng lugar ang mga alaala itong. Kaya
ngayon kinikilala ito bilang Barangay Langga sa kasalukuyan.

You might also like