Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA NATUTUNAN MULA SA QUARTER 1:

Mula sa unang quarter, natutunan ko sa mas malalim na pagpapakahulugan kung ano ang mitolohiya.
Natutunan ko na malaki ang naitutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang
Pilipino. Mula naman sa mitolohiyang Cupid at Psyche, natutunan ko na maging maingat sa pagtitiwala
at paggawa ng desisyon, huwag magpaapekto sa mga pagsubok na bumabalakid sap ag-abot ng mga
mithiin sa buhay at huli natutunan ko dito na huwag magpadala sa inggit at maging mapagpakumbaba.
Natutuna ko rin ang ukol sa sanaysay, ang mga bahagi nito ay gayundin ang mga elemento nito. Aking
natutunan kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng sariling pananaw at paano ito
magagamit upang magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Natutunan ko rin
ang pinagkaiba ng anaphora at katapora. Natalakay din sa quarter na ito kung ano ang nobela, ang mga
dapat tandan sa pagsulat nito, at ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
MGA NATUTUNAN MULA SA QUARTER 2:
Sa pangalawang quarter nabigyang diin ko na pahalagahan ang mga akdang pampanitikan tulad ng
talumpati, dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling kuwento na mula sa mga bansa sa Kanluran.
Sa quarter na ito, natutunan ko ang wastong gamit ng iba’t ibang uri ng pokus tulad ng pokus tagaganap,
layon, pinaglalaanan, kagamitan, ganapan, at sanhi. Natutunan ko rin ang ukol sa pagpapalawak ng
pangungusap, paggamit ng salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin, at ang mabisang
paggamit ng matatalinghagang pananalita at ng mga pahayag sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay
ng puna o panunuring pampanitikan. At huli nabigyang linaw sa akin kung paano nakatutulong ang
mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit na maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang
pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran.

MGA NATUTUNAN MULA SA QUARTER 3


Kung sa pangalawang quarter ay aking napahalagahan ang mga akdang pampanitikan tulad ng
talumpati, dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling kuwento na mula sa mga bansa sa Kanluran,
mula naman sa ikatlong quarter ay aking napahalagahan ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t
ibang panig ng Africa at Persia. Kabilang sa mga ito ay ang nobela ng Nigeria, anekdota ng Persia,
mitolohiya ng Kenya, sanaysay ng South Africa at marami pang iba. Natutunan ko rin ang ukol sa
pagsasaling-wika, ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin, ang paggamit ng tuwiran at
di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, at ang diskursong pagsasalaysay. Akin ding natutunan
ang mga salitang naglalahad ng opinyon, mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin at
huli, natutunan ko ang wastong gamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita.

MGA NATUTUNAN MULA SA QUARTER 4


Ang ikaapat na quarter ay nakatutok sa nobelang El Filibusterismo na isinulat ng pambansang bayani ng
Pilipinas na si Jose Rizal. Ang mga nobela ni Jose Rizal kabilang ang El Filibusterismo, ang unang
gumising sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino at ito ang nagdilat sa mga mata ng ating
kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin. Mula sa nobelang ito, mas
lalong natutunan at na-imahe ko ang buhay ng mga Filipino noon noong panahon ni Jose Rizal. Bilang
karagdagan, akin ding natutunan kung ano ang pagbubuod at ang mga hakbang sa pagsulat ng buod.
Akin ding natukoy ang papel na ginagampanan ng tauhan sa nobela, gayundin ang mga salitang hiram
sa wikang Espanyol. Mula naman sa mismong nobela ay napakaraming aral ang aking natutunan na
aking maisasabuhay hanggang sa aking paglaki. Mga aral na siyang huhubog sa aking upang maging
mas mabuting tao at mamamayan ng ating bansa. Kabilang dito ang pagkakaroon ng pantay pantay na
pagtingin sa bawat isa, huwag maging mapagsamantala, huwag ikahiya ang tunay na lahi, ipaglaban ang
mga karapatan sa maayos na usapan hindi sa madugong labanan, at ang pagkakaroon ng mas maalab
pang hangaring makapagtamo ng tunay na Kalayaan at Karapatan ng bayan.

You might also like