Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Page 51

A. TUKLAS DUNONG
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Palawakin ang sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
tiyak na halimbawa na sumasalamin sa sariling paninindigan.

1. Ano-anong batayan ng mga binasang halimbawa upang masabi na ang mga ito ay posisyon,
pamamanahon, reaksiyong papel, at rebyu ng pelikula?
Posisyong Papel

- Masasabi natin na Posisyong Papel ang akademikonh sulatin sa mga sumusunod na kadahilanan:

•Kung ang laman ay ang opinyon, saloobin, at pananaw na pinagyaman upang maging matibay na
paninindigan. Dito mamamalas ang matibay na paglalahad ng katuwiran

• Nakalatag ang mga posibilidad ukol sa oanih na pinaninindigan. Ipinapakita ang sanhi at bunga ng mga
panig upang makita ang maaaring kahinatnan ng ibinibigay na posisyon

•Magkaugnay ang paninindigang sumang-ayon o tumutol sa isang usaping dapat bigyang linaw.

•Mahalagang kasangkapan ang pagtitimbang-timbang ng iba't ibang perpektiba upang ang


ipinapahayag na paninindigan ay makaimpluwensiya at katigan ng ibang mambabasa o mamamayan.
Mangyayari ang isang matatag na posisyon sa pamamagitan ngnkomprehinsivong pagdasalansan ng mga
impormasyon, datos, at patunay na dapat isiwalat sa posisyon nais ipahayag.

Pamanahong papel
- Masasabi naman na ang isang sulatin ay Pamahong papel o term paper sa mga katangian na:

• Tuntungan upang bumuo pa ng mas malawak na papel ba papanaliksik. Laman ng akademikonh


sulating ito ang pagdiskurso sa isang napapanahong isyu. Masusinh inilalatag ang pagpapahayag ng
kaligitan ng isang paksa batay sa batayang pangkasaysayan o pinag-ugatan ng konsepto na msrapay
talakayin at bigyan ng pansin. Mainam na mahimay-himay ang paksa upang palitawin ang kahalagahan
upang ito ay pagusapan. Ang masinop na pananaliksik ukol sa kaligiran ng paksa ang magpapalinaw sa
tunguhin ng pamanahong papel.

• Mahalagang malinaw ang paglalahad ng layuning pangkalahatan na palalakasin ng mga tiyak na


layunin. Kailangan ding mayroong paglalahad ng kahalagahan kung bakit marapat na talakayin ang
napapanahong isyu o paksa na tiyak magbibigay ng kaalaman upang imulat ang mga mamamayan.

• Magkaugnay ang pagbuo nh lagom, konklusyon, rekomendasyon sa paglikha ng makatuwiran at


mapagkakatiwalaang pamanahong papel. Sa tulong ng pagtalakay sa isang napapanahong isyu, nagiging
malinaw ang penomenong nangyayari sa ating lipunan.

•Ang kasanayang nalinang sa paglikha ng posisyong papel ay matibay na pundasyon sa mas malawak
pang pananaliksik tulad ng paggawa ng tesis, disertasyoj, at akademikong dyornal na handang ipasuri
upang maipalimbag sa lokal, nasyonal, o internasyonal na akademikong publikasyon.
Reaksiyong Papel
-Ang isang sulatin ay matatawag na Reaksiyong papel kung mayroon itong:

•Laman ang reaksiyon sa isang napapanahong isyu.

Ang reaksiyon ay nagmula sa paniniwalang panig ng manunulat. Masusi na tinitimbang-timbang ang mga
maaaring maging bunga ng isyung iikutan ng reaksiyong papel.

• Napapalawak ang lalamaning reaksiyon dahil sa dating kaalaman o iskema ng manunulat. Ang dating
kaalaman ay bunga ng kabatirang ibinigay ng mga iba pang babasahin, napanood, napakinggan, at higit
sa lahat mga naranasan. Madaling maisagawa ang pagbuo ng reaksiyong papel sapagkat nakasandig ito
sa opinyon ng indibidwal.

• Madaling maipahayag ang opinyon lalo na kung ito ay interes ng manunulat. Kaya naman ang
reaksiyong papel ay umiikot sa paninindigan o pananaw ng manunulat. Mas maigsi itong maituturing sa
ibang akademikong sulatin. Subalit, hindi matatawarin ang bisa nito bilang akademikong sulatin
sapagkat mababakas dito ang kaalaman, kasanayan, at paninindigan sa usapin ng pagsulat ng may akda.

Rebyu ng Pelikula

• Laman ng Rebyu ang masusinh pag-iisa-isa ng mga bahagi na anumang nais na suriin o rebyuhin.

• Mahalagang mapalutang ang mga puntos na nais bigyang diin sa mensaheng nais iparating o
palutangin sa rebyu. Bukas ang anumang rebyu sa iba't ibang pagsipay o perspektiba batay sa kakayahan
ng manunuri ng pelikula, programang pantelebisyon, o akda.

•Magkaugnay ang nilalaman at pamamaraan sa isang epektibong rebyu. Nakasalalay sa narativo o


salaysay ng akda o materyal ang nilalamang nais na mailahad sa rebyu o pagsusuri. Marapat ding
bigyang tuon ang istilo o hulwaran bilang paraan ng produksiyon o pagbuo ng materyal na susuriin.
Samakatuwid, kinakailangang walang mapalampas na bahagi ang manunuri upang buo ang diwang
mailahadbang kaisipang nais ipahayag.

• Dahil sa pagsasalay ng nilalaman ng akda o materyal ang rebyu, marapat na maiparating ng manunuri
ang sariling pananaw mula sa ideolohiya o perspektibang nais pagtuunang pansin at bigyan ng angkop
na diin
2. Ano-ano ang pamamaraan upang maging komprehensibo at epektibo ang pagsulat ng posisyon,
pamamanahon, reaksiyong papel, at rebyu ng pelikula

- Kailangan mayroon tayong kaalaman at kasanayan sa pagtukoy ng isyu, pag-alam sa sanhi at bunga,
pagsusuri sa suliranin at solusyon, at pagbuo ng konklusyoj at rekomendasyon. Ang talas ng isip at
pandama at magdudulot ng mabisang sangkap tulad ng opinyon, pananaw, at paninindigan

3. Bakit maituturing sulatin ang:

Posisyong Papel
- Masasabi natin bilang isang sulatin ang posisyong papel dahil nagbibigay o naglalahad ito ng
paninindigan na nagdudulot ng malawakang pagaaral at pananaliksik, makikita din dito ang mainam na
dalutan ng talastasang naglalaman ng mga adbokasyang panlipunan.

Pamanahong Papel

- Ito ay isang sulatin dahil sa malawak na pnanaliksik st nakapaloob dito ang pagdiskurso sa isang
napapanahong isyu.

Reaksiyong Papel

- Naituring ito bilang sulatin dahil nandito nakapaloob ang reaksiyom sa isang napapanahong isyu.
Masusi na tinitimbang-timbang ang mga maaring maging bunga ng isyung iikutan.

Rebyu ng Pelikula

- Masasabi na sulatin din ito dahil sa masusing pag-iisa-isa ng mga bahagi ng anumang nais na suriin o
rebyuhin.

4. Paano nagiging mahalaga ang paninindigan at karanasan sa pagsulat ng posisyon, pamanahon,


reaksiyong papel, at rebyu ng pelikula?

-Ito ay mahalaga dahil ang paninindigan o karanasan ay maaaring makahikayat at mamulat ang mga
mambabasa sa iyong gustong iparating sa iyong nagawang sulatin
5. Kung mapagtatagumpayan ang pagbuo ng mga posisyong papel, pamanahon, reaksiyong papel, at
rebyu ng pelikula, maapektuhan nito ang...

- pagiisip ng isang mambabasa at maaaring magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Magiging mulat sa


katotohanan ang sinumang nakabasa nito at makakatulong ito sa kanila upang mabago ang kanilang
pananaw tungkol sa isang isyu o paksa.

You might also like