Daily Learning Log

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DAILY LEARNING LOG

November 21-25, 2022


Markahan: Ikalawang Markahan Baitang: 7

Linggo: 4 Asignatura: EdukasyonsaPagpapakatao


Mga 1. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa konkretong sitwasyon batay sa
Pinakamahalagang sinasabi ng konsensya. Ito ang likas na batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
EsP7PS-Id-6.3
Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) Unpacked Objectives:
a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng konsensya at uri nito.
b. Nakapagpapahayag ng kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.

2. Nakabubuo ng tamang pangangatuwiran batay sa Likas na Batas Moral upang magkaroon ng angkop
na pagpapasya at kilos araw-araw. EsP7PS-Id-6.4
Unpacked Objectives:
a. Nakagagawa ng graphic organizer tungkol sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
b. Nakabubuo ng tagline tungkol sa paggamit ng tamang konsensya.
c. Naisasabuhay ang gamit ng konsensya sa pamamagitan ng paggawa ng kontrata ng kilos at pasyang
gagawin..
Paksa: Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
A. Balik -Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin.

Panoorin ang video (https://m.youtube.com/results?q=konsensya%20official%20trailer&sm=3) na nagpapakita ng konsensya.


(Gawin ito sa loob ng 5 minuto)

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng konsensya at uri nito.


2. Nakapagpapahayag ng kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
3. Nakagagawa ng graphic organizer tungkol sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
4. Nakabubuo ng tagline tungkol sa paggamit ng tamang konsensya.
5. Naisasabuhay ang gamit ng konsensya sa pamamagitan ng paggawa ng kontrata ng kilos at pasyang
gagawin..

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Piliin kung alin ang nagpapakita ng tama at maling konsensya sa sumusunod na sitwasyon.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling
ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita
ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo.
Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.
Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang
sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil
kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli
dahil nagkaroon ka ng baon saaraw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na
magkamali angtindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat ka pa
dahil nagkamali ang tinder.

Ibigay ang pagkakaiba ng tama at maling konsensya.


D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Basahin ang sumusunod na sipi. Pangkatin ang klase sa 5. Magtalaga ng lider, tagasulat at taga-ulat.
(Gawin ito sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)

Unang Pangkat

Ano nga ba ang konsensya? Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay
tinatawag na konsensya. Ang salitang konsensya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at
scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensya ay nangangahulugang “with knowledge” o
mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng
kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa. Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:
a. Sa tulong ng konsensya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Halimbawa nito, iniwan sa
pangangalaga mo ang iyong nakababatang kapatid dahil umalis ang iyong ina. Ngunit sinabayan mo ang pag-aalaga ng
panonood ng telebisyon. Dahil dito, nahulog ang kapatid mo. Nagkaroon ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina, hindi
lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng nanay mo may bukol din ito sa noo. Nang tanungin ka, sinabi mong
napadikit lang sa dingding kaya’t nagkaroon ng gasgas, subali’t di mo alam bakit may bukol ito. Hindi mo man aminin ang
iyong ginawa at itanggi ang katotohanan, makumbinsi mo man ang iba at ika’y paniwalaan, ang iyong konsensya ay
nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang konsensya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa
kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya
ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa itaas, sa iyong pagiisa hindi ka
mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa iyong ina ang tunay na nangyari sa iyong kapatid. Ang konsensya sa
sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.
c. Gamit ang konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-
maayos o mali. Halimbawang binalewala mo ang bulong ng konsensya na sabihin sa iyong ina ang tunay na pangyayari, hindi
na natahimik ang iyong kalooban. Mas tumindi pa ang pagkabagabag nito lalo na nang nilagnat ang kapatid mo. Kaya’t sinabi
mo ang totoong nangyari sa iyong ina. Napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong pag-aalala at nakadama ka ng
kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito, ang konsensya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o
maaaring nagpapahirap sa tao. Ang konsensya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy
ng katagang “hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking konsensya”. Paano nga ba nalalaman ng konsensya ang tama at
mali?Ibinabatay ng konsensya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Ikalawang Pangkat:

Ano ang dalawang uri ng konsensya?

Uri ng Konsensya
1. Tama. Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilanna kakailanganin sa paglapat ng
obhektibong pamantayan ay naisakatuparannang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito
angtama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay).
2. Mali. Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay samga maling prinsipyo o nailapat ang tamang
prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito angmali bilang tama at ng
tama ang mali.

Ikatlong pangkat :

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa
kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang
pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan. Hindi kailangan ng isang taong pumasok sa paaralan
upang matutuhan o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito
ay: Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat
tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang
paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob. Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t ang
walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya’t ito
ang gumagabay sa kilos ng tao. Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa
siya ng tamang pasya at kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilikha na
maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang
Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.

Ikaapat na Pangkat

Anu-ano ang katangian ng Likas na Batas Moral? Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
a. Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan –
ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi
ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan,
kilalanin man ito ng tao o hindi.
b. Pangkalahatan (Universal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa
kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggaptanggap sa lahat ng tao. c. Walang Hanggan (Eternal)
– Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay
permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo
kahit saan at kahit kailan. d. Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago
ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba
ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa
lahat.

Ikalimang pangkat

Ayon kay Lipio, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang batas-moral upang
magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang
pangalagaan ang kapakanan ng lahat. Subali’t hindi nangangahulugang ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat niyang
sundin araw-araw, bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensya ay
ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa ang mga malalawak na pangkalahatang batas-
moral sa pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa
kasalukuyang pagkakataon. Halimbawa, bagama’t isang obligasyon ang pagsisimba, may pagkakataong hindi makadalo ang
isang tao dahil may tungkulin siyang alagaan ang isang kasapi ng pamilya na maysakit. Ito ang sitwasyon na walang katapat
na pangkalahatang batas para matugunan. Ang kailangan dito ay personal na pagpapasya kung saan ginagamit ng tao ang
kaniyang konsensya. Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at
dito kailangan ang konsensya. Subali’t, kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na Batas Moral, ang konsensya ay
maaari pa ring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Maaari ring
magkamali sa paraan ng paggamit ng panuntunang ito. Dahil dito, ang konsensya ay maaaring uriin bilang tama at mali ayon
sa Likas na Batas Moral (Esteban, 1990).

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Sabihin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag. (Gawin ito sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang likas na batas moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain.


2. Ang likas na Batas Moral ay hindi likas sa tao dahil mayroon siyang isip at kalayaan.
3. Ang obhetibo ay ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
4. Ang immutable ay ang pagbabago ng Likas na Batas Moral dahil sa kaniyang pagkatao.
5. Dapat natin sundin ang Batas Moral upang makagawa ng mabuti ang tao at pangalagaan ang kabutihan ng lahat.
F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment)

Pangkatin ang klase sa 5. Gumawa ng graphic organizer na nagpapaliwanag ng kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas
Moral sa paggawa ng mabuti. Gawing batayan ang halimbawa sa ibaba. (Gawin ito sa loob ng 20 minuto) (Reflective
Approach) Pahina 126

G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay

Panoorin ang short film “Konsensya” (https://m.youtube.com/results?q=konsensya%20short%20film&sm=3). (Gawin ito sa


loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ilahad sa klase ang aral na natutuhan sa napanood.

H. Paglalahat ng Aralin

Sumulat ng isang Tagline na binubuo ng 10-15 salita sa inyong notbuk tungkol sa paggamit ng konsensya. (Gawin ito sa loob
ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa inyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)
Mahalaga ang paglalapat ng konsensya sa araw araw na pagpapasiya dahil ______________________________________

I. Pagtataya ng Aralin

Isulat sa dyornal ang titik ng tamang sagot.

1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming
mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang
sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at
mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang
alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama.

2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit

3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang
kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang
ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya

5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na
may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago

6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:


a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?


a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago

9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:


a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa
nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o
hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa
bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang
negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

J. Karagdagang Gawain para saTakdang-Aralin at Remediation

Inihanda ni: Sinuri at Iwinasto:


JEANEATH F. CIASICO RODELYN M. DEQUILLA
MT I – ESP HT IV - ESP

You might also like