Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

INTRODUKSYON

Hindi maipagkakaila ang lantarang pagbabago sa Sektor ng Edukasyon—mula sa

kalendaryo ng taong-panuruan, pagsasadaloy ng dekalidad na edukasyon at pakikibagay

ng mga opisyales ng paaralan at kaguruan. Direktang naapektuhan ng kasalukuyang

sitwasyon ang 74.6% mula sa 27.7 M mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan

(DepEd, 2020; Jorge, 2020). Sa usaping ito, ibinibigay ng sektor ang lahat ng

kapamaraanan upang matugunan ang mga problemang sumasalubong sa pagtataguyod

ng taong-panuruan nang matumbok ang eksklusibo at dekalidad na edukasyon para sa

lahat bukod-tangi sa modular distance learning (Joseph Bryan Bagood, 2020).

Bunsod ng malaking banta sa kalusugan dulot ng pandemya, 75% ng populasyon ng

mga mag-aaral ang lubhang naapektuhan (UNESCO, 2020). Kung bibilangin ay aabot ito

ng halos 1,576,021,818 na mag-aaral mula sa 91.3% ng pangkalahatang enrolment sa

188 bansa (Toquero, 2020). Sa bansang Pilipinas, kalunos-lunos ang pagbaba ng 74.6%

mula sa 27.7 milyong mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan (DepEd, 2020;

Jorge, 2020).

Karamihan sa mga magulang ang naging praktikal sa desisyong patigilin ang mga

anak sa kanilang pag-aaral kung ang kapalit naman nito ay ang buhay ng mga anak. Sa

milyon-milyong bilang ng pamilyang Filipino na halos nasa laylayan ng ekonomiya, ang

pag-aaral sa bagong normal ay dagdag pahirap at dagdag pasanin sa pang-araw-araw.

Sa pag-aaral ni Samson (2020) sa Makabagong sistema ng edukasyon sa Pilipinas

(distance learning): Pagsusuri sa sitwasyon ng mga mag-aaral, natuklasan na ang

makabagong moda ng pagtuturo ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga mag-aaral

lalung-lalo na sa usapin ng pagkatuto: una, hindi gaanong kaepektibo ang distance

learning sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sarinlan ang pag-unawa sa paksa maliban

na lamang kung mayroong sapat na gabay ng guro o ng magulang o kung hindi naman

ay madaling maintindihan ang materyal na pag-aaralan; pangalawa, sa modular distance


learning malaki ang hirap na kinakaharap ng mga magulang dahil hindi lahat ng paksa ay

naiintindihan at kayang ituro sa mga anak; pangatlo, mahinang koneksyon ng internet, at;

pang-apat nakararanas ang mga mag-aaral ng mental health stress dahil sa mga deadline

na ibinibigay ng guro na sa dami ng mga gawain sa sanayang-aklat ay hindi lahat kayang

sagutin sa iisang linggo lamang.

Inererekomenda ng isinagawang pananaliksik na: una, huwag tambakan ng

napakaraming gawain ang mga mag-aaral sa distance learning dahil nakapagdudulot ito

ng mental health stress; pangalawa, palakasin ang internet connection sa bansa dahil ang

kupad nito ay nakadudulot pa rin ng mental health stress gayong balakid pa sa pagtuturo

o pagdalo sa klase, at; pangatlo, kailangang ang kagawaran ng edukasyon ay gumawa

ng paraan upang mas mapaigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral katulad ng pagbibigay

ng mas pinaikling sanayang-akalat o interbensyon sa mga mag-aaral na nahihirapan sa

paksa.

Sa pagsisimula ng remote enrolment sa taong-panuruan 2020-2021, nagsimula na rin

ang sampu sa isanlibong hamon sa pagpapatuloy ng Edukasyong Normal. Ilan na riyan

ay ang kalidad ng pagtuturo, pag-uugali ng mga tagapagturo, pag-uugali ng mga mag-

aaral, gayundin ng mga tagapagbantay o ng mismong magulang ng mag-aaral. Nabibilang

din sa mga nagpapahirap sa karamihang mag-aaral ay ang usaping gadyet at internet na

hindi sana ay magagamit sa pagpapalawig ng kaalaman upang matutuhan nang mabuti

ang aralin (Dough Valentin, 2020).

Umaabot sa 6.9 Milyong mag-aaral sa bansa ang nakararanas ng mabagal na

koneksyon sa internet at halos 6.8 Milyon naman ang walang gadyet na ginagamit. Naging

malaking hamon para sa kaguruan kung papaanong maituturo nang mabisa ang mga

aralin nang hindi naisasakripisyo ang kalidad nito. Ilan sa mga kinakailangang sangkap

upang mapagtagumpayan ang layuning binanggit ay ang pagiging malikhain at pagiging

bukas sa maraming pagbabago Mateo, 2020).


Binanggit ni Education Undersecretary Nepumuceno Malaluan sa isinagawang

Sarbey Ukol Sa Karanasan Sa Distance Learning nitong 5 Enero 2021 ang ilang mga

natuklasan: una, ang natuklasang pagsubok at tulong na kailangan ng stakeholders

kaugnay sa bagong porma ng pagtuturo at pag-aaral ay kailangang matugunan;

pangalawa, balakid ang kawalan ng mga mag-aaral ng kagamitan at gadyet, kawalan ng

mobile load at mobile data, kawalan ng espasyo ng pag-aaral sa tahanan at pagkakaroon

ng mga isyung pangkalusugan, at; pangatlo, naging balakid ang pagkakasabay-sabay ng

mga gawaing bahay at pag-aaral.

Sa pag-aaral naman nina Ysthr Rave Pe Dangle at Johnine Danganan Sumaoang

na The Implementation of Modular Distance Learning in the Philippine Secondary Public

Schools nitong taong 2021, natuklasan na karamihan sa mga mag-aaral ay nakararanas

ng kahirapan sa pagkatuto sa bagong moda ng pagtuturo at pagkatuto. Kalahati sa

populasyon ng kanilang focus group discussion (FGD) ay walang sapat na panahon na

tapusin ang kanilang mga sanayang-aklat o modyul sa isang linggo. Mayroong hindi

bababa sa walong (8) sanayang-aklat ang ipinapamudmod ng mga guro nang lingguhan

at ang bawat isa ay mayroong tatlo(3) hanggang limang (5) mga gawain.

Batay sa pag-aaral, isiniwalat ng mga guro na ang Sangay na kinabibilangan ay

sumusuporta sa produksyon ng mga sanayang-aklat. Gayunpaman, madalas ay hindi

kompleto. 95% ng mga guro ang nagsabing nakapansin sila ng ilang mga kamalian sa

mga sanayang-aklat kung kaya’t nirerebisa itong muli.

Ipinakita sa datus na nakalap ng mga mananaliksik na maraming pagsubok ang

nararanasan ng mga guro sa Modular Distance Learning. Marami sa mga mag-aaral ang

hindi nakapag-aaral nang mag-isa. 70% ang hindi nakasusunod sa mga panuto ng

sanayang-aklat. May mga pagkakataon na ang mga sanayang-aklat ay naipapasa nang

huli o kung hindi naman ay walang sagot mula sa mga mag-aaral. Nagkakaroon ng
problema ang mga guro sa produksyon at pagbibigay ng modyul dahil sa mga usaping

teknikal katulad ng hindi gumaganang printer.

Inererekomenda ng pag-aaral ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga

paaralan at mga mag-aaral ang pagbabawas ng mga gawain sa bawat sanayang-aklat;

pangalawa, kailangang magbigay ng maraming halimbawa sa paksa upang higit na

maintindihan; pangatlo, magkaroon ng home visitation isang beses sa isang linggo; pang-

apat, pagbibigay ng guro ng mas malinaw na panuto sa kung papaano sasagutin ang

sanayang-aklat; panlima, pinapayuhan ang mga guro na maging maagap sa mga

katangungan ng mga mag-aaral at mga magulang tungkol sa maraming tanong sa

pagsagot ng sanayang-aklat; pang-anim, bago ibigay ang mga sanayang-aklat,

kinakailangang suriin ito ng mga guro kung angkop ba sa lebel ng karunungan ng mga

mag-aaral at matutugunan ba nito ang kasanayang dapat matutuhan, at; pampito,

pagbibigay ng guro ng mga karagdagang gawain o interbensyon na makatutulong sa mga

mag-aaral upang higit pang maintindihan ang mahihirap na paksa.

Mahalaga na lalong hubugin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdisenyo

at pagbuo ng konkretong kaalaman at karanasang nauugnay sa lipunang ginagalawan.

Pinatunayan ito sa pag-aaral ni Desjardins (2011) sa Small Stories for Learning: A

sociocultural Analysis for Children’s Participation in Informal Science education na

pumapatungkol sa kakayahan ng bata sa paggamit ng wika sa pagbuo ng konsepto mula

sa mga bagay at lugar na nakikita at nararanasan sa kapaligiran. Ang pag-aaral ay may

layuning maipakita ang pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng mga gawaing

naghahantad ng bagong karanasan.

Upang makasunod sa patuloy na pagbabago sa Edukasyong Normal, unang

hakbangin ang pakikilahok ng mga guro sa mga pagsasanay tungkol sa kalusugang

mental at Sikososyal. Nito ay maaaring mabigyang pukol ng mga guro ang samu’t saring

pamamaraan sa pagkontrol ng stress at iba pang usapin sa pangkalusugang mental


(Sahu, 2020). Maaaring matulungan dino ang mga guro gayundin ang mga mag-aaral na

maiwasan ang mataas na antas ng problema sa pangkalusugang mental (Hinderaker,

2013; Toquero, 2020).

Nagpakadalubhasa ang kaguruan sa Most Essential Learning Competencies

(MELC) na ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon sa Bagong Normal. Mainam na

magkaroon ng malawak na pag-unawa sa MELC upang matugunan ang mga

kakanyahang pinakakinakailangan ng mga mag-aaral.

Bago pa man nagsimula ang taong-panuruan, inihanda ng mga manunulat ng bawat

dibisyon sa Sektor ng Edukasyon ang mga kakailanganing sanayang-aklat sa

asignaturang Filipino 8 salalayan ang MELC. Kailangang makita o masalamin sa isang

kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo. Sa

kasalukuyan, kailangang ang mga mag-aaral sa Edukasyong Normal ay nagtataglay ng

mga kakanyahan sa balangkas ng ika-21 siglong kasanayan gayundin ng MELC.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nasa daan na ng pagpapaunlad sa kalidad ng

sistema ng edukasyon ng bansa. Gayunpaman, binuksang ng pandemyang COVID19

ang samu’t saring balakid sa edukasyon katulad ng konektibidad, presyo sa paggamit ng

mobile gadgets, bandwith, kapasidad ng mga magulang at iba pang stakeholders sa

pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral sa tahanan, gayundin ang

kakayahan ng mga tagapagdaloy ng pagkatuto sa loob ng tahanan (Learning

Oppurtunities Shall be Available, 2020).

Marami ng reporma sa edukasyon ang isinulong na nakaangkla sa apat (4) na

haligi ng Basic Education- Learning Continuity Plan (BE-LCP) Sulong Edukalidad ng

Kagwaran ng Edukasyon. Ilan sa mga reporma nito ay ang pagpapaikli ng kurikulum

bagamat hindi naisasakripisyo ang pinakamahahalagang kakanyahan sa pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ipinapakita nito ang tatlong (3) magkakaugnay na kapasidad

panghinaharap—innovation, agility, synergy.


Tumutukoy ang innovation o pagbabago sa paghahanap ng mga repormang pang-

edukasyon o solusyon sa mga balakid sa pagkatuto na mayroong malaking mabuting

impak sa lipunan o ekonomiya ng bansa. Ang agility ay tumutukoy sa bilis ng pagbibigay-

solusyon o bilis ng pagsasatupad ng mga solusyon sa mga balakid sa pagkatuto ng mga

mag-aaral. Samantala, ang synergy ay tumutukoy sa kolaborasyon at pagkakaisa ng mga

stakeholders upang masiguro ang epektibong pagbibigay-solusyon sa mga balakid sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon sa panayam sa Teleradyo, ipinaliwanag ni Education Undersecretary

Diosdado San Antonio na magpapatupad ang kagawaran ng iba’t ibang paraan para

maihatid sa mga mag-aaral ang kanilang mga aralin sa taong-panuruan. Nakadepende

sa kasalukuyang sitwasyon ng lugar kung aling learning delivery modality ang ipatutupad

ng mga paaralan (ABS-CBN NEWS, 2020).

Sa taong-panuruan ay ipinatupad ang Distance Learning na isang alternatibong

paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral na nahahati sa tatlong

uri: una, Modular Distant Learning (MDL) na gumagamit ng nailimbag na sanayang-aklat

na nasa digital format katulad ng CD, DVD, laptop, computer, tablet o smartphone;

pangalawa ay Online Distance Learning kung saan nagtuturo ang mga guro at natututo

ang mga mag-aaral amit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access, at;

pangatlo ay Blended Learning na kombinasyon ng iba pang delivery mode o pinagsamang

online distance learning, modular distance learning at TV o Radio-Based Instruction

(DepEd Philippines, 2020).

Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ay bino-broadcast ang

mga aralin. Ang mga klase ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasulat o elektroniko. Sa

ganitong paraan ay hindi na kinakailangang pumunta ng mag-aaral sa paaralan (Stafford

Global, Org. 2020).


Mula sa mga moda ng pagtuturo, pinakagamitin ang Modular Learning Modality

(MLM). Itinuturing na isa sa mga kagamitang pampagkatuto at pampagtuturo ang mga

sanayang-aklat na ginagamit sa MLM. Ang kagamitang pampagtuturo ay mga karanasan

o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng kaalaman upang maging

konkreto. Ang paggamit nito ay tunay na mayroong malaking maitutulong sa mga mag-

aaral. Ang sanayang-aklat ay itinuturing na isa sa mga primaryang kagamitan sa

paglinang at paghubog ng kakanyahan ng bawat mag-aaral (DepEd Philippines, 2020).

Ang modyular na pagkatuto o modular learning ayon kay Manlangit et.al (2020) ay

gumagamit ng mga self-learning modules (SLM) o sanayang-aklat na nakabatay sa most

essential learning competencies (MELCs) na inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay

sistemang ginawa ng DepEd upang makapag-aral pa rin ang mga mag-aaral bagamat

hindi pumapasok nang pisikal sa paaralan.

Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget gaya ng smartphone at laptop,

maaaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga module upangmagkaroon sila ng ibang

opsyon sa pag-aaral (Dalanon, 2020).

Kadalasan, ang isang sanayang-aklat ay lingguhan maaaring mas maikli o mas

mahaba depende sa nilalaman at mga nakapaloob na gawaing pampagkatuto (Dalanon,

2020).

Ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, kaakibat ang Komitiba ng Ehekutibo at

Pamamahala, ay nakatutok sa paghahatid ng basic education services sa lahat ng

pampribado at pampublikong paaralan sa taong-panuruan 2020-2021. Malinaw na

nakasaad sa DepEd POLICY OUC-2020-307 o Suggested Measures to Foster “Academic

Ease” During the COVID-19 Pandemic ang pagsisiguro sa fleksibilidad ng pagtuturo at

pagkatuto at pagbabawas ng mga balakid sa pagpapatupad ng multiple distance learning

modalities. Unang hakbangin nito ang paglikha ng Most Essential Learning Competencies
(MELCs) na mapapansin ang pagpapaikli ng mga learning competencies na kailangang

matutuhan ng mga mag-aaral sa buong taong-panuruan.

Malinaw ring isinaad na upang higit pang mabawasan ang mga balakid sa multiple

distance learning modalities,inisa-isa ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga hakbangin

nito (DepEd POLICY OUC-2020-307); una, ang mga paaralan ay magpapamudmod ng

mga Self-Learning Modules (SLM) o Sanayang-Aklat at Learning Activity Sheets (LAS) o

Sanayang-Papel nang ang mga mag-aaral ay lubusang matuto ng pinaka-esensyal na

mga gawain habang patuloy pang natututong isagawa ang mga dagdag-gawain;

pangalawa, ang mga paaralan ay maaaring magbigay ng mga karagdagang Sanayang-

Papel at Strategic Intervention Material (SIM) sa mga mag-aaral na nangangailangan ng

higit pang pagpapayaman sa pagkatuto; pangatlo, ang mga gawain sa pagkatuto na

nakapaloob sa mga sanayang-aklat at sanayang-papel ay maaaring paikliin o streamlined

ngunit nananatili pa rin ang esensya ng nililinang na kakanyahan batay sa Most Essential

Learning Competencies (MELCs).

Isinaad sa Guidelines on the Evaluation of Self-Learning Modules for quarters 3

and 4 for SY 2020-2021 o DepEd Order No. 001 s. 2021 na ang kurikulum sa bagong

Normal ng Edukasyon ay nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)

na sinaliksik at inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon sa Taong-Panuruan 2020-2021 at

ito ay masasalamin sa mga Self-Learning Modules (SLM) o Sanayang-Aklat ng mga mag-

aaral.

Ang mga Sanayang-Aklat ay kailangang taglayin ang mga kalidad na inilatag ng

DepEd Order No. 001 s. 2021 upang matiyak ang kabisaan nito sa pagkatuto ng mga

mag-aaral: Unang bahagi ay Overview na naglalaman ng paksa at ng layunin sa

pagkatuto; pangalawa ay Presentation na naglalaman ng concept development, activities

at assessment; pangatlo ay Application na naglalaman ng mga performance task na

nakabatay sa multiple inteligences (Gradner,1983); pang-apat ay synthesis na


naglalaman ng pagproseso sa natutuhan ng mag-aaral, at; panlima ay post-assessment

na naglalaman ng pagtutukoy at pagtataya sa antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa paksa.

Ayon kay Bunagan (2012) ang Strategic Intervention Material (SIM) ay nilikha

upang muling ituro ang mga konsepto at kakanyahan na mayroong mababang mean

percentage score (MPS) o hindi natutuhan. Isa itong uri ng materyal pampagtuturo at

pampagkatuto na binubuo ng competency-based skill na mga gawain at dumaan sa

content enhancement.

Angkop ang SIM ito upang malinang ang aspektong kognitibo at kakayahan ng

mga mag-aaral tungo sa kanilang pag-unlad. Sa kabilang banda ay nalilinang din nito ang

kakayahan ng mga guro sa paglikha at pagbuo ng mga gawain at pagtatayang angkop sa

paksang itinuturo.

Ang (SIM) ay ang pinadaling makabagong modyul na may mga sumusunod na

katangian: ang mga gawain ay payak at mas madaling intindihin, kaakit-akit sa mga mag-

aaral, mas madaling maparami, nagtataglay ng mga gagamiting kagamitan para sa mga

mag-aaral, at may nakalaan na espasyo para sa mga kasagutan sa bawat tanong. Ito rin

ay linanging kit na naglalaan ng mga nakahandang impormasyon, panuto at mga gawain

tungo sa pagkatuto at ginagamit upang ituro muli ang isang paksa upang lalong

mapaunlad ng mag-aaral ang kaniyang kakayahan at kaalaman sa partikular na aralin o

paksa. Nagtataglay rin ito ng mga bagong estratehiya na naglalayong mapukaw ang

atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain, at nakakaakit na

disenyo (Basa, 2018).

Bilang kasalukuyang Learning Continuity Plan (LCP) ng Kagawaran ng

Edukasyon, ang Sulong EduKalidad ay pinag-iisa ang tatlong (3) pangunahing layunin

tungo sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral: una, self-actualization; pangalawa,

self-readiness, at; pangatlo ay responsible citizenship.


Upang maisakatuparan ito ng kasalukuyang LCP ng Kagawaran, kinakailangang

mabigyang-tuon at mabigyang-tugon ng mga distant learning modalities ang karunungang

bumasa at sumulat (literacy). Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-akap sa

teknolohiya, iba pang estratehiya sa pagtuturo, pagkalap ng iba pang sanggunian sa

pagtuturo at pagkatuto, pagpili ng angkop na materyales sa pagtataya, at capacity-

building ng mga guro (Learning Oppurtunities Shall be Available, 2020).

Mahalagang mapukol ang kabisaan ng mga sanayang-aklat sa mga mag-aaral ng

Filipino 8 sapagkat maituuturing itong instrumento upang maisakatuparan ang mga

dinesenyong kagamitang panturo at pagkatuto. Hindi lamang nagtatapos sa paghahanda

ng mga kagamitan, kailangang alam din ng mga guro kung marami bang inihahain na

kabutihan ang paggamit ng mga kagamitang panturo sa kanyang mag-aaral. Sa bagong

normal, nabibigyang pokus ang modular learning delivery bilang pinakagamiting moda ng

pagtuturo.

Edukasyon ang tanging hiyas na yaman na maipagmamalaki sa sangkatauhan at

hinid mananakaw ninuman. Mahalagang-bigyan ng malaking pansin ang mga bagay na

tiyak ang malaking maiaambag sa pagpapaunlad ng edukasyon lalo na ang pagahahtid

ng tunay at awtentikong pagkatuto ng bawat mag-aaral. Isa marahil sa mga susi ng

pagtagutyod ng edukasyon ay ang paglalapat ng mga angkop at mabisang kagamitang

pampagtuturo.

Ang mga kagamitang pampagtuturo ay maaaring karanasan o bagay na ginagamit ng

mga guro bilang pantulong sa paghahatid ng kaalaman, katotohanan, kasanayan,

saloobin, palagay, pag-unawa at pagpapahalaga upang maging konkreto ang pagkatuto.

Ang paggamit ng mga ito ay mayroong malaking maitutulong sa lahat ng mag-aaral

anuman ang istilo nito ng pagkatuto. Isang halimbawa ay ang mga sanayang-aklat. Ang

mga sanayang-akalt ay itinuturing na isa sa mga primarying kagamitan sa paglinang at

paghubog sa kakayahan ng bawat mag-aaral.


Tanging mga mag-aaral ang tutuklas ng mga kaalamang dapat na matutuhan sa

pamamagitan ng pamamatnubay ng mga modyul at guro na siyang maglalaan ng mga

mapanghamong Gawain para sa epektibong pagkatuto.

Sa Modular Distance Learning (MDL) bilang pangunahing moda ng pagkatuto at

pagtuturo sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez, mahalagang matukoy ang

kabisahan ng mga Self Learning Modules sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

pagsasagawa ng mga interbensyon sa pagtuturo at pagkatuto ay tunay na makatutulong

upang higit na maintindihan ng mga mag-aaral ang paksang pinag-aaralan sa anyo ng

Learning Activity Sheets (LAS), Strategic Intervention Material (SIM) at mga parallel test

na ginawa at dinesenyo batay sa lansak na pangangailangan ng mga mag-aaral.

Natuklasan ni Lafuente (2017) sa Strategic Intervention Materials (SIM) for Grade VI

Mathematics na mahalaga ang mga interbenyson na makatutulong sa mga mag-aaral na

higit na nangangailangan ng pansin. Kabilang na ang mga Strategic Intervention Materials

(SIM). Isinasaad na ang SIM ay maaaring gamitin upang mapahusay ang least learned

skills ng bawat markahan. Iminumungkahi na ang nabuong materyal ay gamitin ng mga

tagapagturo para malaman ang kabisaan at kahusayan nito sa mga mag-aaral.

Inirekomenda sa ibang asignatura na bumuo ng mga gawaing panturo upang mapaunlad

ang mga paksang hindi masyadong nalinang.

Bahagi ng pagbabago ang inobasyon ng mga kagamitang pampagtuturo upang

makaangkop sa pangangailangan ng mga guro at mag-aaral. Isa sa mga inobasyong ito

ay ang pagsulpot ng SIM na mas makabago kaysa sa modyul. Ang SIM ay kagamitang

pampagtuturo na nagtataglay ng iba’t ibang bahagi upang maisakatuparan ang mga tiyak

na layunin ng paksang-aralin. Hindi lamang ito nakapagpapadali sa pagtuturo ng guro

kundi nakapagpapaunlad pa rin ng kaniyang kakayahan sa pamamagitan ng pagbuo ng

kagamitang pampagtuturong ito. Sa kabilang banda, mas napagagaan ng SIM ang

proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat kumpleto ito ng sangkap na lumilinang


sa iba-ibang uri ng talino at kakayahan ng mag-aaral. Binibigyan din nito ng pagkakataon

ang mga mag-aaral na mahina sa klase sapagkat maaari niyang mabalikan ang mga

nakalipas na aralin samantalang ang mga mag-aaral na mahuhusay at matatalino ay

nagkakaroon ng pagkakataon upang mapag-aralan na ang mga susunod na aralin.

Ang mga tunay na problema sa tunay na sitwasyong nagaganap sa pagpapatupad ng

MDL—kalakasan at kahinaan, ay maituturing na napapanahong suliraning nararapat

bigyan ng agarang solusyon sa panahon ng bagong karaniwan. Kasabay ang pagbibigay

ng mga solusyong hindi ideyal bagkus ay realisitko.

Ang pagtuong-pansin sa mga mag-aaral na nangangailangan ng direktang atensyon

bunsod ng mababang mean percentage score (MPS) sa mga ibinigay na parallel tests ay

magdudulot ng epektibo at mabisang pagkatuto kung ang guro mismo ang tutukoy sa mga

kasanayang may mababang MPS at siyang magbibigay o gagawa ng kaukulan at angkop

na tulong pampagkatutuo para sa mga mag-aaral.

You might also like