Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA

Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

PAGSASANAY BILANG DALAWA

Pangalan _____________________________________________________________________________
Kurso________________________________________________________________________________
Guro________________________________________________________________________________
Petsa________________________________________________________________________________

ALAMAT NG LAKAY-LAKAY

Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at lalake.


Tinawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-Baket o matandang babae. Sa di
kalayuan ay may maliliit na batang babae o Ubing-Ubing.
Noong unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabing dagat. Sila'y nabubuhay sa
pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalake ay nag-aalay sa kanilang Diyos
bilang pasasalamat. Di nagtagal namuhay sila nang maginhawa. Isang umagang maraming nahuli
ang lalake ay nakasalubong siya ng matandang humihingi ng tulong ngunit ito'y kanyang
pinagtabuyan lamang. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at ang babae ang nakaharap
nito. Siya'y pinagtabuyan rin. Kinaumagahan ang lalake ay nagtungo sa dagat upang mangisda.
Maghapon siyang hinintay ng kanyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang
maaga'y tinungo ng mag-ina ang karagatan. Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan
sa dagat ay may pigura ng isang tao na yari sa bato. Nagmadali nilang nilapitan ito sa
pamamagitan ng bangka Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila'y nalumbay at
nakadama ng galit ang babae at nakapagmura. Narinig ito ng Diyos ng dagat at ginawa rin silang
taong bato. Ngunit sa kabila nito binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang pamilya upang
bantayan ang karagatan. At pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa
dagat kapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay at mag-alay man lang para sa pamilyang bato.

1. Bakit nagging bato ang pamilyang inilarawan sa alamat na ito?

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

2. Madalas na napaparusahan ang mga taong gumagawa ng di mabuti sa kanyang kapwa. Ipaliwanag ang mas
malalim na implikasyon ng “ Alamat ng Lakay-lakay.”

3. Kung kayo ang nagging lakay-lakay o baket- baket, ano ang inyong magiging mensahe sa mga tao upang
huwag silang matulad sa inyo. Iguhit ang inyong mensahe at kulayan.

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

4. Pagtalunan: Nakalilimot ang tao sa kanyang pinanggalingan kapag nagging masagana na ang kanyang
pamumuhay. Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon na magpapatunay nito alinsunod sa mga
pangyayari sa ating panahon.

PANITIKAN SA PILIPINAS

You might also like