Professional Documents
Culture Documents
Pagsasanay Bilang 4 - Rehiyon V
Pagsasanay Bilang 4 - Rehiyon V
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus
Pangalan _____________________________________________________________________________
Kurso________________________________________________________________________________
Guro________________________________________________________________________________
Petsa________________________________________________________________________________
1. Magtala ng mga halimbawa ng iba pang kawikaan. Pumili ng isa at palawakin. Sumulat ng sanaysay ukol
dito.
SI JUAN OSONG
Kwentong Bayan
Nangunguna ang "Kwento ni Juan Osong" sa Bikol kapag kwentong bayan ang pinag-usapan.
Ang "Kwento ni Juan Osong" ang katapat ng kwentong bayan na "Juan Tamad" sa Katagalugan.
Sinasabing naisalaysay sa limampung iba't ibang bersyon ang kwentong ito. Basahin natin ang
isa sa mga bersyon nito.
PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus
nasumpungan ni Lumawig na hindi man lamang ginalaw ng mga tao ang paggamit. Pumili siya
ng unang grupo na siyang unang binigyan üpang ipagbili naman ito sa iba grupo. Ngunit
pagkaraan ng ilang panahon asin dahil hindi nila alam kung paano ito gamitin. Kinuha ni
Lumawig ang asin at ibinigay naman sa mga taong nasa pook na kung tawagin ay Mainit. Ito ang
naunang gumamit ng asin. Ang mga taga-Bontoc ay tinuruan ni Lumawig sa paggawa ng
palayok ngunit tabi-tabingi ang palayok na ginawa ng mga ito kaya ang taga-Samoki naman ang
kaniyang tinuruan at ito ang natuto sa pagyari ng magandang palayok. Sa ganitong paraan
naturuan ni Lumawig ang mga tao upang magkaroon ng kani-kaniyang gawain.
Si Juan Osong
Si Juan ay anak ng mag-asawang matanda. Bunga ng lubhang kaliitan nang ipanganak, lumaki si
Juan na isang bansot at magana kung kumain. Dukha lamang ang kanyang mga magulang kung
kaya't napagdesisyunan nilang ilayo si Juan sa kanilang tahanan. Nagbigay-daan ito upang
makatagpo ni Juan ang dalawang higante na kanyang naging mga lingkod. Sa kanyang
pakikipagsapalaran ay nailigtas niya ang isang kaharian mula sa isang dragon at ipinakasal niya
sa kanyang lingkod ang prinsesa sa kahariang ito. Muli ay iniligtas ni Juan ang isa pang kaharian
mula sa nakamamatay na amoy at ang prinsesa rito ay ipinakasal naman niya sa kanyang
pangalawang lingkod. Ang ikatlong pakikipagsapalaran ni Juan ay nang mapalaya niya ang
ikatlong kaharian mula sa masamang higante at ang prinsesa rito ang kanya namang pinakasalan.
PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus
Noong unang panahon, may isang prinsesang sukdulan ang ganda nakatira sa lalawigan ng Bikol. Bata,
mayaman at makapangyarihan ang prinsesang ito. Ang prinsesa ay mahal at sinusunod sa kanilang pook
dahil bukod sa siya ay maganda, ang prinsesa'y nagtataglay ng ginintuang puso. Bunga nito, hindi kataka-
takang maraming mga prinsipe mula sa iba't ibang kaharian ang naghahangad na siya ay pakasalan.
Subalit wala ni isang prinsipeng nangahas na makilala ang prinsesa dahil sa siya ay nasa ilalim ng
pangangalaga ng isang mahigpit at walang pusong tiyuhin na nagngangalang Mayong, Isang araw, isang
prinsipeng nagngangalang Bantugan ang dumating sa kaharian ng prinsesa. Nakarating sa kanya ang
balita tungkol sa napakagandang prinsesang ito. Nang ito ay kanyang makita, dagling nagkaroon ng
damdamin ang prinsipe sa prinsesa kung kaya't pinag-isipan niya kung paano makakarating sa palasyo
upang ang prinsesa'y makaniig. Isang gabing kabilugan ng buwan ay dumating si Prinsipe Bantugan sa
palasyo. Natanaw ng prinsesa ang binata at ito'y humanga sa ipinamalas na katapangan ng prinsipe. Nag-
usap ang dalawa. Makalipas ang ilang sandali ay hinimok ni Prinsipe Bantugan ang prinsesa na sila ay
magtanan. Palihim na umalis ang dalawa sa palasyo.
Kinabukasan, ginising si Mayong ng mga nagkakaingay na katulong sa palasyo dahil natuklasan nilang
nawawala ang napakagandang prinsesa. Galit na galit si Mayong sa ginawa ng pamangking prinsesa at ni
Prinsipe Bantugan kung kaya't dagli nitong kinuha ang kabayo upang hanapin ang prinsesa.
Sa mga sandaling iyon, kapwa nananalangin sina Prinsipe Bantugan at ang prinsesa na sila'y mailigtas
mula sa kalupitan ni Mayong. Agad namang tumugon si Bathala sa kanilang mga panalangin. Si Mayong
ay nahulog sa kabayo sa gitna ng paghahanap kay Prinsipe Bantugan at sa prinsesa. Hindi nakaahon at
nakagalaw sa pinagkahulugan si Mayong dahil tinabunan siya ni Bathala ng lupa at ng malalaking tipak
na mga bato. Lalong nagsiklab ang galit ni Mayong sa ginawa ng dalawa kung kaya't sumigaw siya nang
ubod-lakas. Habang tumataas ang mga bunton ng mga lupa't bato ay humihina ang makapangyarihan
niyang boses, ngunit hindi naibsan ni kaunti ang poot sa kanyang puso. At nang tumaas ang mga bato at
lupa ng gabundok nang may ilang metro, ang pagbuga ng galit ng hininga ni Mayong ay lumikha ng butas
sa bulkan habang ang pawis niya ay naging kumukulong putik o lava. Magmula noon, tinawag nang
Mayon ang bulkang ito, na nag-ugat sa pangalang Mayong.
PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus
PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus
PANITIKAN SA PILIPINAS