Pagsasanay Bilang 5 - Rehiyon Vi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA

Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

PAGSASANAY BILANG LIMA

Pangalan _____________________________________________________________________________
Kurso________________________________________________________________________________
Guro________________________________________________________________________________
Petsa________________________________________________________________________________

ANG MAHIWAGANG BABAE


(Aklan)

Sa nayon ng Balabag, may isang bahay na nakatayo malapit sa isang malaking punongkahoy. Ito ay
tinitirhan ng mag-asawang Goryo at Iska. Isang gabi, may taong tumawag sa kanila. Binuksan nila ang
pinto at doon nakita nila ang isang magandang babae na may mahabang buhok. Iyon ay hindi kilala
ngunit pinatuloy pa rin nila ito. Ibig niyang humiram ng posporo. Pinahiram naman ng mag-asawa
sapagkat ang sabi ay nakatira siya malapit lamang doon. Nang sumunod na umaga naroon na ang posporo
sa mesa. Naulit ang pagpapahiram ng posporo nang sumunod na gabi, tulad ng una ay naroon uli ang
posporo nang hindi nila nakita kung sino ang nagsauli nito. Ang mag-asawa ay natakot sa pangyayaring
iyon kaya sila ay lumipat ng tirahan Ang naranasan ng mag-asawa ay naranasan din ng mga taong
sumunod na nanirahan sa pook na iyon.

1. Iguhit ang larawang “nakatatakot” para sa inyo na inilahad sa teksto.

ANG ALAMAT NG PATAY NA SAPA SA SAN NICOLAS

Isang matanda ang lumilitaw sa loob ng gubat na malapit sa baryo ng San Nicolas kung saan ito lamang
ang tawiran upang makarating ng bayan. Ito raw ay madalas tumungo sa isang pook na ang ilog ay
dinadaluyan ng tubig na mainit. Ang lugar na ito ay di madalas tunguhin ng tao. Minsan, isang lalaki na
galing pa sa bayan ang napadaan dito at naibigang uminom ng tubig dahil sa kauhawan. Nakapulot ito ng

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

maliliit na ginto. Namangha ito nang ang matanda ay biglang lumitaw at sinabing, "mapalad ka binata at
may puso kang dakila. Umuwi ka at iyan ay gamitin mo sa kabutihan." Nagpasalamat ang binata sa
matanda. Simula noon ay guminhawa na ang buhay ng binata at nakatutulong pa ito sa mahihirap.
Minsan, siya ay nagpunta sa ilog upang magpasalamat sa matanda.
Namanmanan siya ng mainggitin niyang kapitbahay na lalaki kaya't sinundan siya nito upang alamin
kung saan niya talaga kinukuha ang mga ginto. Natuklasan nitong sa ilog na mainit lamang pala. Habang
nakatalikod ang binata ay pinukpok nito sa ulo ng bato hanggang sa ito'y maligo sa sariling dugo.
Tuwang-tuwa at halos lumuwa ang mata ng mainggiting lalaki sa pagkakita niya sa maraming ginto sa
gilid ng ilog. Sa unti-unting pagpatak ng dugo ng binata ay unti-unti ring ang ginto ay nagiging ahas
bunga ng kawalanghiyaan ng mainggiting lalaki. Namangha ang lalaki. Biglang lumitaw ang matandang
mahiwaga at nagsabing, "Bunga ng kahinaan ng tao sa tukso, mula ngayon ang ilog na nagtataglay ng init
ay magiging malamig pa sa bangkay at kahit anong klaseng hayop ay walang mabubuhay. At ikaw
lalaking mainggitin ay unti-unting mamamatay sa tuklaw ng ahas na iyon."
Lingid sa kaalaman ng marami, ang matandang lumilitaw ay isang engkantado. Mula noon, dahil sa
katangiang napakalamig, napakalabo, at walang hayop na nabubuhay, ang sapang ito sa San Nicolas ay
tinawag na Patay na Sapa.

2. May mga ugali ba tayong dapat patayin at kasamang ilibing sa “ Patay na Sapa?” Pagtalunan.

3. “Simulan noon, dahil sa katangiang napalamig, napakalabo, at walang hayop na nabubuhay, ang sapang ito
sa San Nicolas ay tinawag na Patay na Sapa” Iguhit at kulayan.

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

4. Paano nakakasira ang pagiging mainggitin ng tao sa kanyang kapwa? May mga pangyayari bas a ating
lipunan na nagbunga ng masama dahil sa ugaling ito? Patunayan.

5. Sino ang sinasagisag ng matandang lalaki? Bakit?

6. Ano ang sinisimbolo ng mga “gintong” matatagpuan sa ilog?

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

PANITIKAN SA PILIPINAS

You might also like