2nd QUARTER EXAM G9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikalawang Markahang Pagsusulit

Filipino 9
S.Y 2019-2020

Pangalan:_____________________________________ Baitang at Pangkat________________ Petsa:__________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat sa
malaking letra ang sagot bago ang bawat patlang. BAWAL MAGBURA.

_____1. Sa kuwentong “Makakaya Rin Natin,” sino ang karakter na ipinanganak sa isang pamilya na itinaguyod
lamang ng kaniyang ina? a. Edwin Goh b. Bryan Wong c. Su Xiao Xiao d. Xu Bin
_____2. Bakit hindi kailanman nagustuhan ni Xiao Xiao ang pag-aaral base sa kuwentong “Makakaya Rin Natin?”
a. dahil may kakaiba siyang interes sa paggupit ng buhok c. dahil wala siyang mga kaibigan sa paaralan
b. dahil walang sumusuporta sa kanya d. dahil mas gusto niyang maglaro na lamang
_____3. Sa kuwentong “Makakaya Rin Natin,” bakit hindi maaaring ibenta ni Xiao Xiao ang salon ni Ah Man?
a. dahil ito ang bilin ni Ah Man sa kanya bago siya pumanaw c. dahil wala siyang karapatan na ibenta ito
b. dahil hindi kumpleto ang dokumento ng salon d. dahil dito siya kumukuha ng pangsuporta sa kanya
____4. Kailan ipinalabas ang telenobelang pinamagatan na “Makakaya Rin Natin?”
a. Setyembre 30, 2012 b. Setyembre 30, 2013 c. Setyembre 30, 2014 d. Setyembre 30, 2015
_____5. Sa kuwentong “Makakaya Rin Natin,” bakit nakulong ng tatlong taon si Xiao Xiao?
a. dahil nagnakaw siya sa isang salon c. dahil aksidente niyang nasaksak ang kaniyang kaibigan
b. dahil nabaril niya ang kanyang kasintahan d. dahil nabaon siya sa utang
_____6. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Xiao Xiao na patawarin si Fei long at mga kasama nito paglabas sa kulungan?
a. Oo, dahil kahit papaano may naitulong rin sila sa paglaya niya
b. Hindi, dahil sila ang dahilan ng kanyang pagkakabilanggo
c. Oo, dahil lahat ng tao ay may kakayahan magbago
d. Hindi, dahil nagkaroon ng maraming pagsubok si Xiao Xiao mula nang maging kaibigan niya ang mga ito.
_____7. Sa kuwentong “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira,” anong uri ng sugal nahumaling si Haji?
a. Jueteng b. Lotto c. Mahjong d. Sabong
_____8. Ano ang dahilan ng tagapagsalaysay sa kuwentong “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira” kung bakit
siya nagtungo sa Kerinchi?
a. upang damayan ang kanyang ina at isaayos ang naiwan ng ng kanyang namayapang ama
b. upang ituloy at pangalagaan ang taniman ng goma ng kanyang ama
c. upang dalawin ang kaibigan niyang si Haji Zakaira
d. wala sa nabanggit
_____9. Ano ang pinakamataas na uri ng kape ang matatagpuan sa taniman ni Haji sa kuwentong “Ang mga Tiket sa
Loterya ni Haji Zakaira?” a. Robusta b. Arabica c. a at b d. wala sa nabanggit
_____10. Sa kuwentong “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira,” ano ang tawag sa pera ng mga taga-Indonesia?
a. Piaster c. Rupiah c. Dirhams d. Dolyar
_____11. Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Haji Zakaira sa kuwentong “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira?”
a. dahil nawala lahat ng tiket niya sa Loterya c. dahil hindi binayaran ng pamahalaan ang government bonds
b. dahil hindi siya nanalo sa loterya d. dahil napagtanto niyang ang dami niya ng nagastos sa pagtataya sa Loterya
_____12. Ano ang mga salitang pangkayarian na walang gaanong maibibigay na kahulugan ngunit kailangan sa
pagbuo ng pangungusap? a. Pangatnig b. Pang-ugnay c. Pang-uri d. Pang-abay
_____13. Anong anyo ng wika, awit o berso ng Japan ang may saling “maikling awit” na binubuo ng limang taludtod
na 5-7-5-7-7? a. Tanka b. Haiku c. Tanaga d. wala sa nabanggit
_____14. Anong uri ng Panitikan ng Japan ang binubuo ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5?
a. Tanka b. Haiku c. Tanaga d. wala sa nabanggit
_____15. Ano ang tawag sa mga makabuluhang yunit ng tunog na walang katumbas na letra sa pagsulat?
a. ponemang suprasegmental b. ponemang segmental c. a at b d. wala sa nabanggit
_____16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng ponemang segmental?
a. Haba at Diin b. Hinto o Antala c. Haba at Ikli d. Tono at Intonasyon
_____17. Anong uri ng ponemang segmental ang saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahayag sa kausap?
a. hinto o antala b. tono at intonasyon c. haba at diin d. wala sa nabanggit
_____18. Anong uri ng ponemang segmental ang tumutukoy sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas
ng isang pantig sa salitang binibigkas?
a. hinto o antala b. tono at intonasyon c. haba at diin d. wala sa nabanggit
_____19. Anong genre ng babasahin ang kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki sa Leopardo?”
a. nobela b. alamat c. pabula d. maikling-kuwento
_____20. Bakit sinabihan ng mga unggoy na mapanupil ang Leopardo sa kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki
sa Leopardo?”
a. dahil kinakaya-kaya niya ang mga maliliit na hayop c. dahil wala siyang inuurungan
b. dahil hindi siya nagpapatalo sa mga mahihina d. dahil wala siyang laban sa mga mahihina
_____21. Saang bansa nagmula ang kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki sa Leopardo?”
a. Pakistan b. Indonesia c. Sri Lanka d. Thailand
_____22. Sa kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki sa Leopardo,” sino ang nakatuklas sa duwelo nina Butiki at
Leopardo? a. magsasaka b. mangingisda c. mangangaso d. magtotroso
_____23. Ano ang pinakaakmang kasabihan para sa kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki sa Leopardo?”
a. “Walang malaking nakapupuwing.” c. “Kung sino ang masalita, ay siyang kulang sa gawa.”
b. “Daig ng maagap ang masipag.” d. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
_____24. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkasunod-sunod ng paghahanda ni Butiki sa duwelo niya kay
Leopardo sa kuwentong “Ang Pakikipagduwelo ng Butiki sa Leopardo?”
I. Nagpagulong gulong sa putikan. III. Nagpagulong-gulong sa dayami
II. Nagpagulong gulong sa mabaho at madikit na bagay
a. I, II, III b. II, I, III c. I, III, II d. III, II, I
_____25. Ano ang tawag sa sining ng pasalitang pahayag na ang layunin ay makaakit at makahikayat sa mga
nakikinig sa mahalagang paksang inilahad?
a. Pabula b. Talumpati c. Sanaysay d. Salaysay
_____26. Ano ang katangian ng isang mananalumpati?
a. kaalaman b. pagtitiwala sa sarili c. kasanayan d. lahat ng nabanggit ay tama
_____27. Sa anong bansa galing ang panitikan na pinamagatang “Ang Panitikan sa Pagpapasulong ng Katarungan,
Kalayaan at Kapayapaan?”
a. Pakistan b. Indonesia c. Sri Lanka d. Thailand
_____28. Kaninong talumpati ang pinamagatang “Ang Panitikan sa Pagpapasulong ng Katarungan, Kalayaan at
Kapayapaan?” a. Dr. Mike Lockett b. Galileo Zafra c. A. Fatz d. Andres Cristobal Cruz
_____29. Ano ang dalawang kontinente ang nabanggit sa talumpating “Ang Panitikan sa Pagpapasulong ng
Katarungan, Kalayaan at Kapayapaan?”
a. Asya at Europa b. Asya at Africa c. Africa at Europa d. Antarctica at Europa
_____30. Kailan sumulpot ang makapangyarihang merkantil sa Asya at Africa sa talumpating “Ang Panitikan sa
Pagpapasulong ng Katarungan, Kalayaan at Kapayapaan?”
a. 17 siglo b. 18 siglo c. 19 siglo d. 20 siglo
II. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung anong uri ng pangatnig ang
ginamit base sa mga nasalungguhitang pang-ugnay.
Paninsay Panlinaw Panubali
Pamukod Panapos Panulad

___________1. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.


___________2. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi ng maaga ang tatay.
___________3. Walang diperensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
___________4. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
___________5. Gusto kong pumunta at bumisita sa lugar niya subalit hindi na kaya ng katawan ko sa sobrang pagod.
___________6. Sinasabi mong hindi ikaw ang nangnakaw, kung gayon patunayan mo.
___________7. Ikaw man ay nagkamali noong pagkakataong iyon.
___________8. Hindi kita isusumbong kung hindi mo na iyon uulitin.
___________9. Sa lahat ng ito, ako ay lubos na nagpapasalamat.
___________10. Samakatuwid pala, hindi kayo naniniwala sa akin.

You might also like