Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Hintayan ng Langit”

Isinulat sa Pelikula ni Dan Villegas

Ang pelikulang “Hintayan ng Langit” ay nakapukaw ng atensyon sa mga manonood sa


kadahilanang ang pagkakabuo ng pamagat ay mayroong tagong kahulugan na
nagbunsod sa mga manonood upang tuklasin ang tunay na takbo ng pelikula.

May-akda:

Si Direk Dan Villegas ay isa sa mga tanyag na sinematograper at direktor dito sa


Pilipinas. Siya ay nakapag-tapos ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University. Kumuha
siya ng kursong sining. Nanalo rin siya ng iba’t ibang tanyag na awards mula sa
kanyang mga nagawang pelikula

PART I. Buod

NAgsimula ang kwento sa panayam ng tagasuri kay Manalo na kadarating lamang sa


gitna (o tinatawag rin natin na hintayan ng langit at purgatorya). Tinatanong siya ng
tagasuri kung sa kanyang palagay bakit siya napunta sa gitna at kung mayroon ba
siyang mga pinagsisisihan sa kanyang buhay sa lupa. Dahil marami na ang nasa gitna
at kasamaang palad ay sira ang dapat niyang magiging kwarto sa gitna ay isinama na
lamang siya ng tagasuri sa kanyang dating kakilala. Pagkadating ni Manalo sa kanyang
silid ay naubutan niya si Lisang na kausap ang kanyang asawang si Nestor na nasa
langit na. Sila ay dating magkakilala, ngayon lang ulit sila nagkita dalawang taon na si
Lisang sa gitna, nagkamustahan sila ni Manalo. Tinanong ni Manalo kung bakit nga ba
namatay si Lisa at sabi neto ay namatay siya dahil sa diabetes. Matapos nilang mag-
usap ay umalis muna si Lisa sa kwarto para siya ay makapag lingcod sa gitna dahil sa
kanyang mga nagawang kasalanan para itong community service. Inanyayahan naman
ng taga-bantay si Manalo upang pumunta sa isang support group kasama ang mga
bago pa lamang sa gitna. Kinamusta naman ng taga-bantay si Manalo kasama ang
mga bagong dating tinanong siya ng taga-bantay kung ano ang kanyang nararamdam
ngayong nasa gitna siya at patay na siya. Sinabi niyang siya ay magaan habang
mabigat na pakiramdam, magaan dahil wala na siyang komplikasyon ngunit mabigat
dahil hindi siya nakapag-paalam sa kanyang anak na babae bago siya mawala sa lupa,
namatay siya dahil sa heart failure. Kinabukasan ay nagusap sila ni Lisa at nakumbinsi
siya ni Lisa na hahayaan ni Lisang makita ni Manalo ang kanyang anak kung isasama
ni Manalo si Lisa sa pagbukas ng mga pintuan gamit ang kanyang susi. Pagkatapos
pumayag ni Manalo ay nagpunta agad sila upang magsaya. Nagkwentuhan ang dalawa
ngunit sa gitna ng kanilang paguusap ay nasambit ni Lisa kung paano namatay si
Manalo, nagtaka si Manalo dahil hindi niya naman ito na kwento kay Lisa. Nag-inuman
sila kasama ang iba pang mga kasama nila sa gitna. Napagtanto nil ana kaya mabigat
ang kanilang guilt na dinadala ay dahil sa pagmamahal nila sa mga naiwan nila sa lupa
kung saan hindi pa sila nakabibitaw. Noong sila’y makabalik sa kwarto ay nagkataon
naman na tumawag ang asawa ni Manalo sa telepono. Kita sa kanyang ekspresyon ang
kagalakan at pananabik na makausap ang kanyang asawa. Nalaman ni Lisang nasa
waiting list na siya ng mga pupunta sa langit. Pabababilis ang kanyang pag-akyat.
Nagpunta siya sa tagasuri at tinanong kung bakit naman pupunta na agad siya sa
langit, ayon pala alam ng tagsuri na dating magkasintahan si Lisa at Manalo kaya
talagang pinagsama niya ang dalawa sa isang silid sabi naman ni Lisa ay laman naman
pala niya kaya kailangan niya pa ng oras upang makapag-usap sila. Pagkatapos non ay
kinausap ng masinsinan ni Lisa si Manalo tungkol sa kanilang mga naiwang bagahe na
daladala parin nila ngayon sa gitna. Sariwa parin sa kanyang ala-ala ang pang-iiwan ni
Manalo sa kanyang ng dalawang taon sinabi ni Manalong sila ay magtatanan kahit na
nabuntis si Lisa ng ibang lalake ngunit hindi sinipot ni Manalo si Lisa. Ipinaliwanag ni
Manalo na sumipot siya sa usapan ngunit siya ay nahuli at nasaktan siyang lubos nung
pinili ni Lisa na magpakasal na sa nakabuntis sa kanya na siya naming naging asawa
niya. Nagka-ayos na silang dalawa at tinapos ang kanilang pag-uusap dahil
napagkasunduan nil ana parehas naman silang naging masaya sa kanilang piniling
buhay. Aaalis na rin sila sa araw na iyon kaya ibinigay na niya kay Manalo ang hiling
nito, ibinigay ni Lisa kay Manalo ang isang susi sinabi niya na pumunta ito sa dulong
kwarto ng pasilyo. Dito sa kwarto naman ito ay nagtungo si Manalo dito niya n akita
ang isang mixtape at Nakita niyang butas ang dingding ng kwarto, dito niya nasilip ang
kanyang anak na babae sa lupa. Nakita niyang umiiyak ito pero sabi rin ng kanyang
anak na sige na kaya na nila sa lupa. Bumalik na si Manalo sa kanilang silid dito niya
pinanood ang laman ng mixtape Nakita niyang ito ay ang mgasasayang alaala nil ani
Lisa noong sila pang dalawa. Nalaman rin ni Manalo ni dinalaw pala siya ni Lisa noong
siya ay nagkasakit sa ospital. Dito na rin inamin ni Lisa ang lahat na binantayan nga
niya si Manalo sa mga huling araw nito sa mundo, inamin rin niya na kaya siya nagtagal
ng dalawang taon sa gitna ay dahil gusto niyang hintayin si Manalo sa huling
pagkakataon para naman hindi na neto sabing hindi nanaman niya hinintay. Matapos
mailabas ng dalawa ang kanilang damdamin naghanda na si Lisa upang umakyat sa
langit hinihintay na siya ng kanyang tren papunta sa langit. Naiyak si Manalo at sa
huling pagkakataon inaya ni Manalo si Lisa na magsayaw sa kanyang silid sinabi ni
Manalo na may utang pa raw siya kay Lisa na tanan. HAbang sila ay nagsasayaw
tinatawag na si Lisa ng mga tagabantay at tagasuri dahil siya na lamang ang wala pa sa
tren. Kaya naman ay pinuntahan nila ito sa kanilang kwarto. Malakas ang tunog sa
kwarto ng kanilang kantang ginamit sa pagsayaw, pagkabukas ng taga-bantay sa
kwarto ay Nakita niyang wala na si Manalo at Lisa, Nakita niya rin na butas na ang
dingding ng kwarto. Nagtapos ang kwato ng open ended ngunit masasabi rin natin na
sila ay nagtagumpay at kanilang tinuloy ang naudlop na pagtatanan.

Part II. Pagsusuri ng Pelikula

Simulain/Paniniwalaan ng teorya:

Sumasalamin sa totoong buhay na may halong likhang isip na nakabatay sa


kasaysayan at lipunan. Nagpakita ng eksena ng totoong buhay. Teoryang realism ay
nagpapakita ng makatotohanan at wastong paglalarawan sa lipunan at buhay. :
Pinaniniwalaan ng teoryang realismo ang pagpapakita ng makatotohanan at wastong paglalarawan ng
lipunan at buhay

Eksena:

Naguusap si Manalo at Lisa tungkol sa kanilang di natuloy na pagtatanan.

Dialogo:

Lisa: Manalo, ni-minsan ba nagtaksil ka kay Ester?

Manolo: Ilang beses.

Lisa: Naisip mo bang iwan siya?


Manolo: Kahit minsan hindi. Ikaw nagtaksil ka ba kay Nestor?

Lisa: Kahit kalian hindi.

Manolo: Naisip mo bang iwan siya?

Lisa: Ilang beses.

Kaugnayan

Ipinapakita sa eksenang ito ang katotohan sa pagmamahal. Na kahit na minsan gusto


mo ng sumuko ay pipiliin mo parin siya araw-araw. Isa rin sa mga eksena sa kwento ay
ang pagtawag ni Lisa sa kanyang asawa sa langit at sinabi niyang alam niya na mahal
niya ito dahil pinili niya ito araw-araw. Nagmamahal naman tayong lahat, pinapakita nito
ang totoong buhay na madam ingang tao diyan na ilang beses nilang pagtataksilan ang
kanilang asawa o minamahal pero hanggang sa huli doon at doon parin sila uuwi. Dahil
ito nga naman ang naging desisyon ng tao. Totoo rin na sa pagmamahal hindi lamang
pwedeng panay ligaya package ito na may kasama ring pasakit.

You might also like