Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Maica Joyce C.

Monsales Petsa ng pagsusumite: November 8, 2022


Taon at Sekyon: 3CE-4 Isinumite kay: Gng. Liza R. Llorando

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


Takdang Aralin 7
Magsanay Ka:

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na konsepto:

1. Filipino bilang wikang panturo

Sa pagkakahulugan ng “Filipino bilang wikang panturo” ay dapat muna natin bigyang


kahulugan ang “Filipino” at “wikang panturo”. Filipino ang siyang kilala bilang wikang
pambansa ng Republika ng Pilipinas. Ito ay maituturing na pamantayang uri ng wikang
Tagalog at pang-rehiyong wikang Austronesyo na sinasalita ng mga Pilipino sa bansang
Pilipinas. Filipino ang isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa at upang maiparating ang
iyong kaisipan at saloobin. Sa kabilang banda, wikang panturo ay nangangahulugang wikang
opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Wikang panturo ang siyang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan, gayundin ay ginagamit bilang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.

Wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa at siya ring ginagamit bilang wikang
panturo. Ito ang wikang instrumento sa pagtuturo upang mas maintindihan ng mga estudyante
ang kanilang mga guro, propesor, o tagapagturo sa pagtuturo ng mga ito. Ipinapahiwatig
lamang nito na nakabase ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kung anong wika ang ginagamit
ng kanilang mga guro sa pagtuturo.

Hindi makakaila sa atin na may mga iba pa ring mga guro ang hindi ginagamit ang
Filipino bilang midyum ng pagtuturo, mga kabataan o komisyon na hindi pabor upang gamitin
ito sa pagtuturo. Nakakalungkot isipin na tayo pa mismo ang hindi ito pinapahalagahan at
itinataguyod. Tayo ay anak ng Pilipinas at ating obligasyon na hindi lamang palaguin ang ating
bansa kundi gayundin higit ang ating sariling wika. Dapat natin itong itaguyod bilang wikang
panturo, sa gantong paraan ay hindi lamang mabilis na magkakaunawaan ang mag-aaral at
guro sa pag-aaral, ngunit atin rin itong maitataguyod. Filipino ang siyang tiyak na magiging
instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisa na pakikipag komunikasyon.

2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal

Sa kasalukuyang panahon, ang daluyan ng impormasyon sa siyensiya at teknolohiya


ng mga tekstong salin ay totoo namang malaganap. Saan ka nga ba makakakita ng ganitong
mga salin? Hindi natin maitatangi na sa araw-araw nating buhay ay may nakikita tayong salin
na mga tekstong Ingles tulad sa mga telenobela at anime. Makikita rin natin ito mula sa
kagamitan sa bahay at cellphones, gayundin sa mga pagtawag sa ibang bansa, mga transakyon
sa banko, machine payments sa mga cable tv, bayantel, at marami pang iba.

Ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal ay ang komunikasyon.


Kung ang layunin ng pampanitikang salin ay lumikha ng isang obra maestra na batay sa
orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika, ang pagsasaling siyentipiko na teknikal naman ay
naglalayon na hindi kariktan ng teksto upang magbigay impormasyon sa mas maraming tao na
hindi lubusang nakakaunawa ng saling wika na karaniwan ay Ingles.

Napakahalaga ng pagsasaling siyentipiko at teknikal sa pagbabahagi ng mga


impormasyon sa iba’t-ibang sangay at institusyon ng bansa. Dagdag pa rito, napakahalaga nito
sapagkat ito ang pinakamahalagang sangkap sa paglilipat, pag-iimbak, gayundin din ang
muling pagpapabalik sa lahat ng panig ng daigdig ng mga karunungan.

3. Intelektwalisasyon ng Filipino

Bago natin pagkahulugan ang “Intelekwalisasyon ng Filipino”, bigyan muna natin ng


paliwanag ang intelektwalisasyon. Binigyan ito ng ilang mga mananaliksik na
pangangahulugang ang intelektwalisasyon ng wika ay bahagi ng dimensyong kultibasyon.
Upang magamit ang wika sa pagkatuto at maging daluyan ng karunungan ay nangangailangan
na ang kultibasyon ng wika ay mayroong pagbuo ng mga rejister sa wikang iyon sa iba’t-ibang
intelektwal na displina o malawak na ispesyalisasyon. Sa madaling sabi, ito ay
nangangahulugan lamang na pangunahing layunin ng intelektwalisasyon ay upang
magampanan ng wika ang tungkulin nito sa mga gumamit nito.

Ang pangunahing layunin ng intelektwalisayon ng wikang Filipino ay magamit ito


bilang wika ng karunungan at iskolarling talakayan. Iminungkahi ni Sibayan (sa Francisco,
2010) ang mga reperensiya upang malaman kung intektwalisado ba talaga ang wikang Filipino.
Ayon sa kaniya, ang Filipino ay dapat nagagamit bilang pangunahing wika ng instruksyon
mula sa kindergarten hanggang lebel pampamantasan. Ang wikang Filipino ay dapat na
ginagamit na wika sa trabaho kung saan Ingles ang kadalasang ginagamit. Panghuli, Filipino
dapat ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang gamitin sa kanilang sosyo-ekonomiko
at intelektwal na pag-unlad.

You might also like