Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PAGSULAT

Iuulat ni: Usman, Amanie O.


BSSW A2022
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayagang nasa
kanyang kaisipan
Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng
pagsasalita.
Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng
isipan at emosyon ng tao.
Kahalagahan ng Pagsulat
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

Kahalagahang Kahalagahang Pansosyal


Sumusulat ang mga tao dahil may
Panterapyutika
namamagitang katahimikan o mga
Ang taong may kahinaan sa bagay na siyang nagpapalayo sa
pagsasalita ay mahilig sumulat isang relasyon ngunit likas ng tao ang
paramailabas lamang ang nasa magkarelasyon.
kalooban may babasa man o wala. Ang isang mamamayang sosyal ay
Gumagaan ang kanilang pakiramdam sandatang panulat ang ginagamit
pagkatapos makapagsulat.Para bang para maipadama angkanyang
naibsan sila ng isang mabigat na saloobin tungkol sa mga pangyayari
dalahin. sa kanyang kapaligiran.
Kahalagahan ng Pagsulat
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

Kahalagahang Pang- Kahalagahang


ekonomiya Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa
Ang tao’y sumusulat dahil pagreserba ng ating
kailangan para siya’y mabuhay, kasaysayang pambansa at ang
sa madaling salita ito’y mga naisasatitik ay nagsisilbing
nagiging kanyang dokumento para sa mga
hanapbuhay. sumusunod na henerasyon.
Layunin ng Pagsusulat
1. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv

Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita, naririnig o


nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at
nasasaloob ng mga tao.May malayang pamamaraan, hindi
gaanong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita
bagkus pinakamahalaga ang mailabas ang tunay na iniisip at
nadarama ng isang tao.Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan
at mga pala-palagayng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa
paligiid
Hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o
diagram
Layunin ng Pagsusulat
2. Pagpapahayag na Impormasyonal Transaksyunal

Ginagawa ito kung nais magpaabot ng mensahe, balita o


magpaliwanag,magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng
mas pormal atkontroladong paraan sapagkat may istilo na
dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa
target niyang mambabasa.
Halimbawa: liham, memorandum, reviewer, riserts,
komentaryo,kritiko, ulat, report, poster o slogan at
sanaysay
Layunin ng Pagsusulat
3. Malikhaing Pagsusulat

Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at


kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan
ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan.
Maysapat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga
mambabasa ang panaromic na larawan ng buhay.
Kabalikat din ang mga maretorikang salitang gagamitin
upang mabatak ang kuryosidad at inspirasyon ng
mambabasa.
Sosyo-Kognitib na Pananaw sa Pagsulat

Sosyo- isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.

Kognitibo- ay tumutukoy sa pag-iisip, nauugnay rin ito sa


empirikal o paktwal na kaalaman.

Sosyo-Kognitibong pananaw sa pagsulat- ay isang


paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Mga Mungkahing Tanong
Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
Ano ang layunin sa pagsulat nito?
Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay
ng aking paksa?
Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang
maging higit na makahulugan ang aking paksa?
Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman
ko sa aking paksa?
Ilang oras ang aking gugulin sa pagsulat? Kailan ko ito
dapat ipasa?
Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?
Pagsulat bilang isang Multi-Dimenyonal na proseso

Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.


Anuman ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang
maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na
proseso.
Ito ay binubuo ng iba't-ibang dimensyon tulad ng:
1. Oral na Dimensyon- kapag ang isang indibidwal ay
nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing
nakikinig narin siya sa iyo.
2. Biswal na Dimensyon- ang dimesyong ito ay mahigpit na
nauugnay sa mga salita o linggwaheng ginagamit ng isang
awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag
na simbulo.
Proseso ng Pagsulat

Pre-writing Actual writing Rewriting


Ginagawa rito ang Dito isinasagawa Dito nagaganap ang
pagpili ng paksang ang aktwal na pag-eedit at
isusulat at ang pagsulat. pagrerebisa ng draft
pangangalap ng Nakapaloob dito ang batay sa wastong
mga datos o pagsulat ng burador grammar, bokabulari,
impormasyong o draft. at pagkasunud-
kailangan sa sunod ng mga ideya
pagsulat. o lohika.
Maraming
salamat!
Sa pakikinig.

You might also like