Narrator: Siyam na kilometro kung babaybayin mula sa bayan ng Dipaculao patungong
Hilagang bahagi ng Aurora, matatagpuan ang komunidad na pinaninirahan ng mga mamamayan mula sa iba’t-ibang pangkat etniko na may natatanging kultura tulad ng Ilongot, Igorot, Dumagat at iba pa. Ito ay pinamumunuan ng dalawang magigiting na babaeng lider, ang pinakabatang kapitana sa buong bayan ng Dipaculao Kapitana Eliza Mape at ang namumuno sa mga Kabataan Kagagalang kagalang Norie Joy Martin. Karamihan sa mamamayan nito ay tanging sa yaman ng bundok at yabong ng tanimang lupa dito’y halos umaasa. Sa pagiging likas na pagkamalikhain, isa sa mahalagang pinag kukunang yaman o kabuhayan ng mamamayan nito ay ang paglikha ng ibat’-ibang disenyo ng produkto na ang pinakapangunahing materyales ay ang “Yantok”, “Rattan” o mas kilala namin sa tawag na “uway” Narrator: Ang rattan ay isang uri ng halaman na kayang tumubo mula 250 hanggang 650 na metro. Ang Halamang ito ay makikita sa Africa, India, at Timog-Silangang Asya at isa na nga rito ang Pilipinas. Ito ay may tendrils sa dulo ng mga dahon upang umakyat sa ibang puno. Ang rattan ay ginagawang kasangkapan sa bahay. Ang Pilipinas at Indonesia ang gumagawa ng pinakamaraming produkto mula sa rattan. Sa ibang salin ng salita ang rattan ay tinatawag ding uway at yantok na ginagamit sa paggawa ng sandalan ng upuan, duyan at sisidlan gaya ng malalaking buslo. Ang rattan ay isa sa pinaka matibay na kagamitan nuon ng aming mga ninuno mula sa gamit sa pangangaso, pangingisda, pamumundok at maging ang kanilang gamit sa tahanan na dumaloy magpahanggabg ngayon. ------------------ Ngunit paano nga ba ito kinukuha at nakakarating sa ating mga manglalala at pinoproseso para maging isang elegante at mamahaling produkto---- Narrator: Ngayong araw na ito ay kasama natin si Kuya Kaleng isa sa mga mag-uuway na naging pagbiagan na nya sa loob ng mahabang panahon ang pagkuha ng uway bilang isang katutubo. ----------- lulan nga ng kulong- kulong ay tinahak namin ang mabatong daan hanggang makarating sa kabundukan--------------- Narrator : Tumawid kami ng ilog na isa rin sa pinagkukunang yaman ng aming barangay … tinahak din namin ang matarik na bundok ng Sierra Medra ang nabibigay proteksyon sa aming mamamayan tuwing darating ang bagyo. Hanggang sa marating nga namin ang kinaroroonan ng uway. Dito ay nilinis muna ni Kuya Kaleng ang matinik na puno at hinila mula puno hanggang dulo nito. Hindi alintana ni Kuya Kaleng ang hirap at tarik ng kabundukan makaipon lamang ng uway na dadalhin sa ibaba ng bundok upang ibenta at may pambili ng pagkain. Sa kanyang kwento kwento habang binabagtas namin ang kahabaan ng bundok, nuong mga nakaraang araw lamang ay nakapagbaba sya ng nasa 60 piraso ng yantok at naibenta nya ito ng 800 pesos. Sa ganitong uri ng pagbiagan, napakahirap, ngunit kailangan pagsumikapan at tiisin para malamnan ang kumakalam na sikmura. ---------------------Proseso ng paggawa---------------------------- Narrator: Mula sa pag-akyat ng matarik na bundok, patungo sa pagkuha, ibababa hanggang sa makarating ito sa maglalala. ---------------Intro sa proseso--------------- -----------kukuhanan ng shoot ang pag proseso ng produkto --------- mula sa simula hanggang matapos ang produkto------------------- 1. Salingsing- dituy tinatanggal ang mga sobrang balat upang mas maging makinis ang uway 2. Siil- hinahati ang uway sa dalawa, apat , walo o depende sa liit at gamit nito sa gagawing produkto 3. Baruting/ kayas- ipapadaan ang nasiil na uway sa butas ng pang baruting (ito latang nilagyan lang ng mga butas) upang matanggal ang marupok na bahagi ng uway na nasa gitna nito. 4. Paglalaga- gamit ang lakas bisig at masining na mga kamay, ang naprosesong uway ay lalalain ng maglalaga upang maging isang ganap na produkto, dito’y husay at imahinasyon ang ipinapamalas ng mga maglalaga dito sa aming barangay. *********Interview kay kuya alod************ Narrator: Kasama natin ngayon si Kuya Alod isa sa mga Pioneer sa paglikha ng mga disenyo mula sa rattan. -----------Pagkatapos ng proceso---------------- Diretso DENR--------- Dahil sa nabanggit ni kuya alod kanina na isa sa mga naging suliranin nila ay ang pakikipag ugnayan sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na yaman o DENR-------------- Kung kayat narito po tayo upang linawin ang kanilang mga alituntunin hinggil sa pagkuha ng mga producto mula sa kabundukan at upang malinawin rin ang ating ibang kababayan na sa kabundukan din umaasa. Narrator: kaya naman kasama natin ngayon si _______________ upang kapanayamin tungkol sa mga alituntunin ng DENR------------- **** Magandang araw po, ako po si Roy, isa pong mamamayan ng Dipaculao, may nais lang po kaming linawin patungkol sa mga alintunin ng ating kagawaran sa pagkuha ng mga producto sa kabundukan -------Magsasabi ng ilan sa mga batas------------ ****Anu po kaya yung mga kakailangin nila tulad ng dokumento upang maging legal ang pagkuha ng produkto tulad ng rattan na mula sa kabundukan kung sila man ay indibidwal/ grupo. *** Anu namn po ang mga dapat at hindi nila dapat gawin sa pagkuha ng produkto mula sa kabundukan *** Pwede din po ba naming malaman ang ilang kaparusahan kung sila ay lumabag sa mga alituntuning ito***** Magpapasalamat------ Ending--------- video ng rattan/ mga produkto with voice over-------- Narrator: Saksi ako bilang isang mamamayan ng aming Barangay mula sa Simula ng pagbiagang ito hanggang sa umunlad at ngayoy hindi na lamang dito nakikilala kundi maging sa karatig bayan, sa ibang lalawigan, siyudad at maging sa labas ng bansa. Ang mga uway na mula sa kagubatan, matiyaga at buwis buhay na ibinababa ng mga mag-uuway hanggang sa maproseso ito ng mga maglalaga at maging ganap na produkto ay tunay na kamangha-mangha at nagbibigay hindi lamang ng magandang sa ating mamamayan kundi ng kasiyahan sa mga taong nagmamahal at tumatangkilik sa produktong ito. Tunay na napakayaman ng ating likas na yaman lalo na ang ating kabundukan. Sa pamamagitan ng paggamit natin nito sa tama at pagpapa unlad ng ating mga kakayahan ay patuloy na aangat ang kabuhayan ng ating komunidad at lalo na ating mga mamamayan. --------------