Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CHARMAINE P.

SANTOS - MAEDTF

Direction: Analyze and briefly answer the questions. Each of the questions is 20 points and will
be assessed based on content depth (answer is accurate, and discussion is comprehensive, 15
points), and writing style (writing is concise, direct to the point, and logically presented, 5
points). 

1. Constructivism as a philosophy in education espouses the idea that, “learners construct


knowledge rather than just passively take in information.” How does this apply in your language
classroom? Give concrete situation that supports your answer.

Ayon sa pilosopiya ng konstraktivismo, ang bawait isang indibidwal o mag-aaral ay


aktibong nakikibahagi sa proseso ng kaniyang pagkatuto. Ang mga indibidwal ay may
kakayahang magbigay ng kahulugan sa kaniyang natutunan at nakabubuo ng ideya, konsepto
at panibagong pagkatuto mula rito. Ayon pa sa pilosopiyang ito, ang mga mag-aaral ay may
kakayahan ring mapahusay pa ang kaniyang kasanayan. Ang mga mag-aaral sa pilosopiyang
ito ay hindi lamang basta tumatanggap ng impormasyon, kanila itong pinoproseso sa kanilang
isipan na nagdudulot ng panibagong kaalaman ngunit ito ay sa tulong ng karanasan at mga dati
ng natutunan.

Sa loob ng aking klase ay nailalapat ang pilosopiyang ito. Isang patunay ay ang mga
estratehiya kung saan ako na kanilang guro ay magbibigay ng larawan at ang mga mag-aaral
ay bubuo ng kanilang sariling kaalaman mula rito sa pamamagitan ng pagtatanong ng, “Ano
ang mahihinuha mula sa larawan? Anong karanasan ang maihahambing mo sa pinakitang
larawan?” Hindi lamang ito ang estratehiyang aking ginagamit na nagpapamalas ng paglalapat
ng pilosopiyang konstraktibismo sa loob ng aking silid-aralan. Maging ang mga kolaboratibo at
integratibong pagkatuto ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa proseo
ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng huling estratehiyang nabanggit, ang simpleng
pakikipag-ugnayan ng mag-aaral sa kaniyang kapwa mag-aaral, lahukan pa ng pagsasalin-salin
ng impormasyon ay kanila nang napoproseso ang kaalaman kasabay ng paglinang sa paggamit
ng wika.

2. Douglas Brown (2004) identified psychological factors that impact the learning of a language.
These factors include but not limited to, “age, cognition, intelligence, personality, attention,
interest, self-confidence and motivation”. Choose three factors that are most impactful in your
context and explain how these factors inform a more effective language teaching practice.

Ayon kay Douglas Brown (2004), may mga salik na may impak sa pagkatuto ng wika. Ito
ay ang edad, kognisyon, talino, personalidad, atensyon, interest, tiwala sa sarili at motibasyon.
Sa mga ito, ang kognisyon, interes at atensyon ang siyang may pinakamalaking impak sa
pagtuturo ng wika.

Una ay ang kognisyon. Ang kognisyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-iisip. Isa ito sa
pinakanakakaapekto sa pagkatuto ng wika sapagkat marami sa mga mag-aaral ngayon ay
unang natutunan ang ikalawang wika kaysa sa inang wika ng kaniyang tinitirahan. Dahil dito,
naaapektuhan ang kanilang pagpoproseso sa pagkatuto ng isa pang wika lalo na kung hindi
naman nagagamit sa loob ng tahanan ang wikang tinuturo ng guro sa loob ng kaniyang klase.

Pangalawa ay ang interes. Ang interes ay tumutukoy sa hilig o kinalilibangan ng isang


indibidwal. Kadalasan sa mga mag-aaral, dahil na rin sa impluwensya ng iba’t ibang kultura at
bansa maging ang makabagong teknolohiya ay may impak din ito sa pagkatuto ng wika. Ito ay
sapagkat, mas nais ng mga mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang kanilang libangan kaysa sa
wika. Gayundin ay nagkakaroon ng paghahalo-halo ng wika at hindi wastong paggamit ng wika
bunsod ng interes sa iba pang wika. Kung ang mag-aaral ay interesado sa wikang kaniyang
inaaral, tiyak ay buo ang kaniyang atensyon sa pagkatuto nito.

Pangatlo ay ang motibasyon. Ang motibasyon ay nagmumula sa sarili ngunit


kinakailangan na may bahagi rin dito ang guro. Kinakailangan alam ng guro kung paano
iganyak o makuha ang atensyon ng mga mag-aaral upang magkaroon siya ng kawilihan sa
pag-aaral at pagkatuto ng wika.

3. Cite three proofs that the language curriculum, especially that of the level that you are
teaching, reflects the socio-cultural context of the Philippines.

Mahalaga ang pagsasaalang-alang ng kultura, tradition, paniniwala at iba pa ng isang


pangkat sa paggawa ng isang kurikulum pangwika at pang-edukasyon. Ang kurikulum ang
nararapat nakaangkla sa pangangailangan ng mga mag-aaral at isa na nga rito ay ang
katuparan sa kapakinabangan ng isang komunidad. Ang pagsasaalang-alang sa sosyokultural
ay nangangahulugang pagkakaroon ng sense of belongingness na konsepto at pagpapahalaga
sa mga mag-aaral sa kurikulum.
Ang sosyokultural ay nasasalamin sa baitang na hawak ko at sa gabay na kurikulum
nito. Ang mga panitikan mula sa baitang 8 ay mula sa iba’t ibang panahon. Una na nga rito ang
pagkatalakay sa mga panitikan sa katutubong panahon. Dahil rito, natatalakay din ang kultura,
pananawa, tradisyon at paniniwala ng iba’t ibang pangkat etniko sa ating bansa. Mapapansin
din sa kurikulum sa baitang 8 sa Filipino ay may mga aralin na patungkol sa interes ng mga
mag-aaral sa kasalukuyang panahon tulad ng makabagong panitikan sa kasalukuyan. Ang mga
kasanayang pampagkatuto rin sa kurikulum ng baitang 8 sa Filipino ay lumilinang sa
pakikipagkapwa tao ng isang mag-aaral upang matamo ang kalinangan ng mga mag-aaral sa
pagiging aktibo sa pakikipag-interaksyon sa kaniyang kapwa na lilinang din sa kaniyang
pamamaraan ng komunikasyon.

4. Propose an improvement/modification on the MTB-MLE in the Philippine educational system


that is grounded on laws and policies, and/or linguistic and pedagogical research. Expound the
reason/s that necessitate/s your recommendation.

Ang MTB-MLE na polisiya at programa ng bansa ay naglalayong magamit ang


katutubong wika ng mga mag-aaral mula ikauna hanggang ikatlong baitang.

Kung ako ang tatanungin at magpapanukala ng polisiyang ito, aking isasaad na


magkaroon ng modipikasyon at ito ay ang pagtataya na talagang nagagamit ng mga guro ng
wasto ang katutubong wika sa pagtuturo ng kanilang asignatura at pag-iwas sa tinatawag na
code switching kung kaya marami sa mga mag-aaral ngayon ay nadadala din ang paghahalo-
halo ng wika lalo na sa pagsulat at pagsasalita. Akin ding ipapanukala ang pagiging matatas ng
guro pagdating sa unang wika o lingua franca. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagdaluyong ng
mga aralin sa unang wika ay nakatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng pagpapahalaga
sa kanilang katutubong wika at upang higit na maunawaan ang aralin. Taon-taon ay maaaring
magkaroon o hindi naman kaya sa bawat kwarter ay magkaroon ng ebalwasyon ang mga guro
kung naituro at nagamit ang katutubong wika sa pagtalakay ng aralin.

5. Draw a paradigm that shows technology-oriented communicative language teaching in


teaching grammar (phonology, morphology, syntax, and semantics) online. Briefly explain the
paradigm.
Pagtuturo ng
wika

Pagpapahalaga Motibasyon

Aplikasyon at Paggamit ng
pagtataya ng teknolohiya
natutunan bilang midyum

Ang paradigma na ito ay nagpapakita ng siklo ng pagtuturo ng wika. Sa pagtuturo ng


wika at gramatika nararapat na simulant ito sa motibasyon o pagganyak nang sa gayon ay
mabuksan ang interes at atensyon ng mga mag-aaral sa aralin lalo na ang pagmamahal ng
mag-aaral sa wikang tinuturo. Sa pagtalakay ng wika at gramatika, nararapat ding gumamit ng
teknolohiya lalo na ngayon na nasa panahon na tayo ng modernisasyon at globalisasyon. Ang
teknolohiya ay di na mawawala pa sa sistema kung kaya’t ang integrasyon nito ay
kinakailangan upang maging globally competitive ang mga mag-aaral. Ang mga natutunan ng
mag-aaral ay nararapat mailapat sa tunay na buhay at sa sitwasyong nangyayari talaga sa
kasalukuyan. Bilang panghuli, nararapat na ang pagpapahalaga ay matutunan ng mag-aaral sa
nalaman niya patungkol sa aralin. Nakadaragdag sa lubusang pagtamo ng kaalaman ng mga
mag-aaral kung kaniyang alam ang gamit at halaga nito bago dumako sa susunod na aralin.

You might also like