Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANG ARAW-ARAW NA BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Unang Markahan, S.Y. 2022 - 2023


Petsa : _____________________________
Oras Baitang at Seksyon Araw ng Pagtuturo
Setyembre 12-16, 2022
8:30-9:30
8-Humility Lunes/Huwebes
8:30-9:30
8-Obedience Lunes/Biyernes
1:00-2:00
7:30-8:30 8-Hope Martes/Huwebes
7:30-8:30 8-Charity Miyerkules/Biyernes
9:45-10:45
8-Canva Martes/Miyerkules
3:00-4:00
10:45-11:45 8-Love Martes/Miyerkules
2:00-3:00
8-Faith Martes/Biyernes
9:45-10:45
I. MGA LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, namasid o napanood na
nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. EsP8PB – Ie3.1
 Nabibigyang-puna ang angkop na uri ng komunikasyong umiiral sa isang pamilyang nakasama, namasid o
napanood.
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya.
II. NILALAMAN:
A. Paksa:  Ang Kahalagahan ng Komunikasyonsa Pagpapatatag ng Pamilya
B. Sanggunian:  
 Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 59-68
C. Kagamitan: Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 53-74
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
 
1. Tumawag ng tatlong mag-aaral. Pasagutan ang tanong sa ibaba.
 Ano-ano ang mahahalagang gampanin ng pamilya para sa lahat ng miyembro nito?  Bakit
mahalagang matugunan ang gampanin ng bawat isang miyembro ng pamilya?

2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 10 minuto)

Paunang Pagtataya
Panuto: Para sa Bilang 1 hanggang 6, punan ang mga kahon ng angkop na mga bahagi upang mabuo ang
daloy ng komunikasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pamimilian sa ibaba ng diagram. Isulat sa
notbuk ang titik ng iyong napiling sagot.
B. Pagganyak:
 
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, namasid o napanood na
nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon.
2. Nabibigyang-puna ang angkop na uri ng komunikasyong umiiral sa isang pamilyang nakasama, namasid o
napanood.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya.

B. Ipakita ng guro ang sumusunod na larawan. Suriin ito at sagutin ang mga gabay na tanong. (Gawin sa
loob ng 5 minuto)

C. Paglinang ng Aralin :

 
Sagutin ang sumusunod nakatanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa notbuk.
(Gawin sa loob ng 5 minuto)
1. Ano angkahalagahan ng komunikasyon sa isang pamilya? Ipaliwanag.
2. Sa inyong sariling pamilya, may mga dapat pa bang paunlarin sa inyong
pakikipagkomunikasyon? Ano-ano ang mga yaon?
Ilarawan ang inyong sariling pamilya o sambahayan at ang mga kaparaanan ng inyong pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa.

D. Paglalapat :
 
Itala ang mga pansariling pamamaraan ng kahalagahan ng komunikasyon tungo sa isang matatag
na pamilya. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
IV. PAGTATAYA:    
 Sumulat ng slogan na binubuo ng labing lima hanggang dalawampung salita, tungkol sa
“Kahalagahan ng Komunikasyon Tungo sa Matatag na Pamilya.” Gamitin ang kraytirya sa ibaba.
(Gawin sa loob ng 10 minuto)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
Kalinisan 10%
V. TAKDANG ARALIN:
 
Isagawa ang alinman sa sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet, gumupit sa mga pahayagan at magasin o magsagawa ng
panayam/interbyu ng kuwento ng masayang pamilya at pamilyang may palagiang komunikasyon
sa isa’t isa.
PAGNINILAY:
 
 
 

Inihanda ni: Pinansin ni: Nabatid ni:

DIANNE S. GARCIA ADELFINA S. LAJOM RODALYN JANE M. ESCAŃO


Guro I Ulong -Guro III Punong-Guro III

You might also like