Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

NOTES 1: Wika - Katuturan, Kahalagahan, Katangian

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

WIKA
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos
sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra)
na pinag sama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag..

Ayon naman kay Mangahis, et al (2005), ang wika ay may mahahalagang papel na ginagampanan
sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

MAHALAGA ANG WIKA SAPAGKAT


1.Ito ang midyum saMpakikipagtalastasan o komunikasyon.

2.Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao.

3.Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan.

4.Mabuting Kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

KLASIPIKASYON SA KAHALAGAHAN NG WIKA


1. Kahalagahang pansarili – ito ay tumutukoy sa kahalagahang indibidwal na pangunahing
pakinabang ng wika. Sa pamamagitan ng wika ay nailalahad natin ang damdamin at mga saloobin sa
mas malinaw at mabisang paraan. Nailalabas din natin ang mga nais nating ibahaging kaaalaman sa
iba na mahalaga para sa pag-unlad.

2. Kahalagahang panlipunan – Sa komunikasyon ay kailangan ng kausap, kaya naman ang wikang


inilalabas natin na sakop ng kahalagahang pansarili ay natatanggap naman ng ating kapuwa na
bahagi ng isang lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ng mga mamamayan ang isang mithiin
para sa kanilang sarili, at maging para sa bayan. Sa pamamagitan din ng wika kaya napapaunlad ang
kultura at tradisyon ng isang pamayanan.

3. Kahalagahang pandaigdigan – Dito nababatid ang pagpapalitan ng mundo ng impormasyon.


Magkakaiba man ang wika at kulturang kinamulatan, nagsisikap ang bawat isa na maiparating ang
saloobin at ideya para sa iisang mithiin. Sa pamamagitan din ng komunikasyon ng mga bansa gamit
ang wika, ay nabubuksan para sa lahat ang oportunidad upang paunlarin ang mga sarili maging ang
isang bansa. Mabisa rin ito para sa ekonomiya ng mga bansa. Mahalaga ang komunikasyon para sa
pagpapanatili ng maununlad na nasyon.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay mayroong sistemang balangkas - Nakaayos sa tiyak na balangkas.
Hal: nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit -> Si Anna ay nag-aaral nang mabuti
upang makapasa siya sa pagsusulit.

2. Ito ay binibigkas na tunog – Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Pinagsama-samaang tunog
upang makalikha ng mga salita.

Hal: Saan ka pupunta? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)


Oh kumusta ka na? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)

3. Ang wika ay arbitraryo - Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng
gumagamit nito.

Hal:
Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog

Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya

Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug

Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika

4. Ang wika ay buhay at dinamiko - Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo


habang lumilipas ang panahon

Hal:
Salita Lumang Kahulugan Bagong Kahulugan

Mouse Daga Device na ginagamit pagpapagalaw


ng kursor ng kompiyuter

5. Ang wika ay nanghihiram - Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng isang
bansa o pamayanan, kaya naman ang nagiging solusyon dito ay ang panghihiram.

Hal:
Wikang Italian: Spaghetti

Wikang Filipino: Ispageti

Wikang English: Computer

Wikang Filipino: Kompyuter


6. Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura - Sa pamamagitan ng wika ay mababatid

ang makulay na kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga tao.

Hal:

Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong Pilipinas kahit hindi naman lahat ay
nagsasalita ng wikang Kankanaey.

Alam nating ang PANSIT, LUMPIA, SIOPAO, at TOKWA ay mula sa kulturang Chinese kahit na
bahagi na ito ng kulinarya ng Pilipinas.

7. Ang bawat wika ay naisusulat - Kung naisasalita ang wika, kailangan ay naisusulat din ito.
Kadikit ng mabisa at malinaw na anyo ng impormasyon ay ang katangian nitong maisulat at
mabigkas. Mas nagiging mahalaga ang isang pangyayari o kaganapan kung maidodokumento ito.

8. Ang wika ay makapangyarihan - Makapangyarihan ang salita at wika. Kung nagagamit ito

sa pakikipag-usap sa kapuwa, kaya rin nitong tuligsain ang isang masamang gawi. Sa

pamamagitan ng pasulat o pasalitang paraan ay maaaring maiparating ang pagsalungat sa hindi

wastong pamamamahala o pagturing sa isang tao.

NOTES 2: Teorya sa Pinagmulan ng Wika


TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

TEORYA
Teorya ang tawag sa siyentipikongpag- aaral sa iba’t ibang paniniwalang mga bagay-
bagay na may mgabatayin subalit hindi pa lubusangnapapatunayan. Ang iba aysiyentipiko ang paraan
ng pagdulogsamantalang relihiyoso naman sa iba.

TORE NG BABEL
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao.
BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ngtao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.

DING-DONG
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wikaang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog
niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao nakalauna’y nagpabagu –bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismong tunog.

Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayonteoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalassila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ngsakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla atiba pa.

Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond(sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.

Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita.

Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas
sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong

sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang
mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang
kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galit o sakit (Saklolo! ). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.

Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ngpamumuhay ng ating mga ninuno.

Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito.

La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu- bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Mama
Batay sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadaling pantig ng mga mahahalagang
bagay.

Wikang Aramean
May paniniwalang ang lahat ng wika ay nag-ugat sa wikang Aramean o Aramaic ng Syria.
Sinasabing ang wika ng mga Aramean ang kauna-unahang wikang ginamit sa daigdig.

Ayon kay Charles Darwin


Nabuo ang wika dahil sa pakikipagsapalaran ng tao upang mabuhay.

Ayon kay Rene Decartes


Likas na gumamit ang tao ng wikang naaangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao.

Ayon kay Plato


Nalikha ang wika dahil ito ay pangangailangan ng tao.

Ayon kay Haring Psammatichos


Nagpalaki siya ng dalawang sanggol sa isang kuweba. Ipinag-utos niyang hindi dapat makarinig
ng anumang salita ang mga sanggol. Kalaunan, nakapagsalita ang dalawang bata ng ‘bekos’ na ibig
sabihin ay tinapay. Napag-alamang ang wika ay likas na natututunanng isang tao kahit walang
magturo sa kaniya.

You might also like