Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

LIT 101

REHIYON 1
ILOCOS REGION

LALAWIGAN AT MGA KABISERA NITO


 Ilocos Norte - Laoag City
 Ilocos Sur - Vigan City
 La Union - San Fernando City
 Pangasinan – Lingayen

MAMAMAYAN
- Tagalog - Pangasinense - Ilocano

- Ang mga mamamayan dito ay halos Ilocano.

- Ang mga katangian ng mga nasa Region 1 ay ang pagiging masipag at matipid

- OKANO – Ang tawag sa lipi ng naninirahan sanasabing lugar.

- Ang mga relihiyon dito ay Romano Katoliko. Protestante at mga Iglesia ni Cristo.

- Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na“look”. Ang unlaping “I”
nangangahulugang “mula sa” o “ilog”.

- Nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayan sa kapatagan” at dinadagdagan na

lamang ng “I”

WIKANG SINASALITA
• Samtoy – nagmula sa salitang “Saomi Datoy” na ang ibig sabihin ay “Wika naming ito”

• Ibanag at Gaddang, Ilokano at Pangalatok ang ilan pa sa mga wikang sinasalita rito.

MGA KATUTUBO
- Tingguian / Itneg

• Ang Tingguian ay nakuha mula sa kataga ng Tingue, na nangangahulugan na mountaineers

• Tingguian, samakatuwid, ay tumutukoy sa "Ang mga tao ng bundok". Mga Katutubo

• Itneg ay kung ano ang Tingguians ay kilala sa Samtoy (Ilokano) salita.

Mga Likas na Yaman, Kabuhayan at Industriya


• Asbestos

• Ginto

• Apog

PANITIKAN
DOCTRINA CHRISTIANA
- Ito ang kauna-unahang libro ng mga ilokano.

- Naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at mga bahagi na naisulat ng mga

katutubong script.
A. KANTAHING BAYAN
1. Pinagbiag - ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang ur i: ang awiting
nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.

2. Dallot - awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa
bagong kasal. -Isang uri ng pagtatali ng lalaki at babae sa saliw ng tulali.

• TULALI- isang plawtang iloko na may 6 na butas.

3. Badeng - sang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang nanghaharana.


Halimbawa: Manang biday

4. Dung-aw -awit para sa mga patay.


Halimbawa: Agtig-ab ti lubong

5. Dasal na patungkol sa mangmangkik -ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan upang hindi
sila magalit.

6. Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae . Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at responsibilidad.
7. Hele o duayaya- Awit na pampatulog sa mga bata
8. Awit sa pagtatanim, paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.

B. SALAYSAYING BAYAN
1. ALAMAT

Halimbawa:

• Ang alamat ng bigas

• Alamat ng pinaupong bangkay

2. KUWENTONG BAYAN

Halimbawa:

• Si juan tamad

• Ang gintong tuntunin

3. EPIKO

Halimbawa: Biag ni lam-ang ni Pedro Bukaneg

BURBURTIA O BURTIA -ito ang katumbas ng bugtong g tagalog kung saan sinusukat nito ang kaisipan ng mga ilokano.

Halimbawa:

a.no baro ket narukopno daan nalagda ,sagot( tambak)

PAGSASAO - salawikain sa tagalog.,may aral at bibigkas ng patula

Halimbawa: ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na

ARASAAS- katumbas ito ng bulong sa tagalog.

Halimbawa: Umaykan , dika agbatbati, Puwera dildilaw

4. MAIKLING KUWENTO

SARITA - ang tawag ng mga ilokano sa kanilang maikling kuwento. Ito’y nanganagahulugang kuwento sa tagalog.

Ti langit iti innamnamatayo( ang langit ang pag-asa)

Pinakadagdag ng pulyento na biag ni aida


ILANG PILING MANUNULAT NG LITERATURA NG ILOKO
1. PEDRO BUKANEG

-ang kinikilalang ama ng panitikang iloko at ipinapapalagay na siyang francisco balagtasng iloko, walang gaanong
tala kay bukaneg.

2. LEONNA FLORENTINO

-itinuturing na unang makatang babaeng pilipino at butihing ina ni Isabelo delos Reyes.

3. CARLOS S. BULOSAN

-mula sa binalonan, pangasinan at matagal nanirahan sa estado unidos.

Ang busabos ng kahapon at ang iba pang tula(1975)

Ang ulupong(maikling kuwento)

4. JOSE BRAGADO

-ipinananganak sa illocos sur at pangulo ng ‘’gumil’’ gunglo daguiti manurat nga ilocano(1968). Tanyag na
manunulat ng ilocos sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg.

5. GREGORIO T. AMACO

-mula sa vigan, iloco Sur, mga sinulat ay ang mga sumusunod,’’ dimo koma biruken ti kaasida’’ o‘’ do not loo for
their mercy’’,’’talna’’ o ‘’peace’’,’’buhon’’o ‘’well’’, naging editor ng phil. Journal at gumawa ng apat na aklat sa practical
arts.

6. ZOSIMO BARNACHEA

-isinilang sa tagudin, Ilocos Sur at aktibong meyambro ng gumil

-nagtamo siya ng unang gantimpala pagsulat ng maikling o short story.

7. JOSE CALIP

-ipinanganak sa candon ,ilocos sur. Sinulat niya ang mga pilipinno folklore o mga Alamat ng pilipino.

8. MARIO A. ABALOS

-isinilang sa vigan ilocos sur ,nakasulat siya ng pitong nobela at sampung dula tulad ng uban at rosas,. Naging editor
din siya ng kiss magazine at pluma magazine at nagkamit ng sa patimpalak sa pagsulat sa hawii at ginawarang ‘’ thomas
jefferson award.’’

9. CONSTANTE C. CASABAR

-mula sa Narnalan, Ilocos Sur

10. CLARO CALUYA

-makata at nobelista. Tinagurian prinsipe ng mga makatang Ilokano.

ANG MGA BABASAHIN AT SAMAHANG ILOKANO


EL ILOCANO

-pinakaunang pahayagang pangrehiyon sa Pilipinas. Itinatag ni Isabelo delos Reyes.

BANNAWAG (1934)

-pahayagang umani ng negatibong pamumuna mula sa iba’t ibang rehiyon.

KUTIBENG(LIRA)

-isang samahan ng mga manunulat na ilukano sa Maynila at mga karatig lalawigan.

Pacifico D. Espanto ang nahirang na taga pangulo nito.


REHIYON 2
Ang Rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang
Cordilleras at Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at
dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.

Ang Lambak ng Cagayan- ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera Sentral sa Hilagang-
Silangang Luzon.

Wika

Ang mga tao ng Rehiyon ng Lambak ng Cagayan ay maaaring magsalita at maunawaan ang Ingles. Ang mga pangunahing
diyalekto na ginagamit sa rehiyon na ito ay ang Ilokano, Ybanag, Ytawes at Filipino. Sa Batanes, nagsasalita ng Ivatan ang
mga tao.

Mga Lalawigan At Kabisera

 Batanes- Basco
 Cagayan - Tuguegarao
 Isabela - Ilagan
 Nueva Vizcaya - Bayombong
 Quirino - Cabarroguis

Mga Halimbawa ng Ilog na Matatagpuan sa Rehiyon

 Cagayan River - Pinagkukunang tubig para sa irigasyon. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas.


 Chico River -
 Magat River
 Pinacanauan River

Mga Katutubo sa Rehiyon II

1. Ivatan sa Batanes
2. Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya
3. Dumagat
4. Isneg
5. Ita
6. Igorot

Mga Punong-Kahoy na Matatagpuan sa Bulubundukin ng Rehiyon

 Ipil-Ipil
 Teak
 Mahogany

Ang Cagayan Valley- ay biniyayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan ng putik at buhangin dulot ng umaagos na
ilog, sapa, at iba pa. Magandang pagtaniman ng tabako, palay, mais, gulay, at prutas, kape, cacao, sibuyas, halamang-
ugat, tabla, rattan, at kawayan.

Likas na Yamang Mineral ng Rehiyon

 Bakal
 Pilak
 Ginto

Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region II. Pangunahing produkto rito ang palay, mais, at tabako.
Masiglang industriya rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at paggaawa ng mga produktong yari sa yantok,
paghahabi, paggawa ng asin, alak, at suka.
Mga Produkto ng Rehiyon

 Tabako
 Palay
 Mais
 Gulay at Prutas
 Kape

MGA ANYO NG LITERATURA SA REHIYON II


 EPIKO
 SALOMON
 VERZO
 AWIT
 SALAWIKAIN
 BUGTONG

EPIKO
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga
Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay
napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento
ni Biuag at Malana o Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga
puno at mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga
mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon.

Halimbawa: -Biuag at Malana

SALOMON
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o instrumentong may limangkuwerdas tuwing Pasko sa
harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak,kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa
pagkakabuo, pagkapanganak, atbuhay ni Jesu Kristo.

VERZO
Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat nalinya at tugma. Karaniwang ginagawa
o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyontulad ng kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding
nagtuturo ng moralidad. Ilang mgahalimbawa nito ay ang “ossse-osse” at “kilingkingan.”

AWIT
Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadalanito ay pangako, pagtatapat,
paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay. Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang
kumakanta nito ay umabotsa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay
nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila. Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o
Martial Law ay kakaunti na lamangang tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang
rehimenkung saan ang kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.

Halimbawa: PAGAYAYA

SALAWIKAIN
Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay
paturo at kinapupulutan ng aral.

Mga Halimbawa:
Awattu serbi na nu nga kukua, nu marake i pinangangapangua. ( Wealth is useless if character is worthless.)
BUGTONG

Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang
kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ayitinuturing na pang-relaks kung pagod

Mga halimbawa:
Egga lubid ku nga balabadd salin: I have a tiny silver string
Nga maggafu ta langi Which one from heaven
- Uran - Rain

MGA MANUNULAT SA REHIYON II


RENATO A. PAAT

Ipinanganak sa Nabannagan, Lasam, Cagayan, anak nina Crisanto Paat at Agustina Aguinaldo.Nagpakasal siya kay
Catalina Ramiro, isang guro sa distrito ng Lasam. Ang kanilang mga anak ay sila Haspert, Florante, Renato Jr., Altagracia,
at Renelyn. Nakamit niya ang kanyang diploma sa kolehiyo mula sa Philippine Normal College na ngayon ay kilala bilang
Philippine Normal University. Nagkamit siya ng ilang mga parangal tulad ng: unang karangalan, pagsulat ng maikling
kuwento, sa pangunguna ng Torch, PNC sa taong 1962; Most Outstanding in Poetry Award, sa pangunguna ng Jolly
Mirriad Group, PNC sa pareho ding taon; ikalawang karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento ng ETTI at Iluko Literary
Awards sa taong 1988; at ikatlong karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento sa Gov. Rodolfo Aguinaldo Awards sa
taong 1989.

MGA AKDA:
Maikling Kwento:
Sabong Ti Kawayan
Pakalatkat
No Aregleyted

FORTUNATO SUBEGA SERNA


Ipinanganak sa Pateng, Gonzaga, Cagayan. siya ay anak nina Juan Naval Serna ng Gonzaga at Lucela Subega ng Cabugao,
Ilocos Sur. Nakamit niya ang kanyang Bachelor of Science major in Management na digri mula sa Divine World College of
Laoag, Laoag City sa taong 1972. Habang nasa kolehiyo, siya ay nag-ambag ng mga tula para sa The Williamites, ang
pahayagan ng kanilang kolehiyo. Siya ay naging scriptwriter para sa ilang mga istasyon sa radyo at naging radio talent
din.

MGA AKDA:
Burayok (Kwento)
Mga Tula:
Gonzaga
Ading
Ammok a

BAGNOS G. GUDIAMAT
Pinanganak sa Del Pilar, Alicia, Isabela. Karamihan sa kanyang mga kwento ay nailathala sa Bannawag. Isa siyang
miyembro ng Gumil Filipinas.

GUMIL Filipinas
Ang GUMIL Filipinas (Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas) o Ilokano Writers Association of the
Philippines, ay isa sa pinakaaktibong grupo ng mga rehiyonal na manunulatsa Pilipinas. Mayroon itong daan-daang
aktibong manunulat-miyembro sa mga kabanata ngprobinsiya at munisipyo gayundin sa mga kabanata sa ibang bansa sa
mainland U.S. at Hawaiiat sa Greece.

VALERIANO ULNAGAN MARTIN

Ipinanganak sa San Mateo, Isabela, ang kanyang mga magulang ay sina Marciano Martin at Simeona Ulnagan. Siya ay
nagpakasal kay Lolita at nagkaroon ng sampung anak: Danilo, Clodualdo, Ernali, Florife, Raquel, Noel, Raul, Joel, Ruela, at
Ariel. Sila ngayon ay naninirahan sa Atlanta Beach sa Florida, USA. Mula 1967 hanggang 1984, siya ay isang guro sa
martial arts. Noong 1988, siya ay naging janitor at di katagalan ay naging maintenance foreman.

Mga Akda: Kwento:


Maikling Kwento Ti Kaso Dagiti Naglibas a Balud
Napintaska Latta, Nanang Ti Pirma a Nangburak Iti Sindikato
PACIFICO BIDAD DOLE
Ipinanganak sa Aggub, Solano, Nueva Vizcaya. Siya ay isang opisyal ng GUMIL Nueva Vizcaya at miyembro ng GUMIL
FIPINAS.

Mga Akda:
Isa Pay Met A Balo (1963)
Bay-am A Yebkas Dagiti Sabong (1965)
Uliteg Burcio: Balikbayan (1989)

BENNY PONCE LOPEZ

Ipinanganak sa Namacayan, Buguey, Cagayan, ang kanyang mga magulang ay sina Castor AliliLopez at Teodora
Ponce.Manunula, sanaysayista, manunulat ng maikling kuwento, at nobelista, isa siya sa pinakamahahalagang
manunulat sa Iluko na nagmula sa Lambak ng Cagayan. Isa sa kanyang mga maikling kuwento, ang Ti Sukogan, ang
nagwagi ng ng karangalan noong 1987 sa patimpalak ng Economy Tours and Travel, Inc. sa pagsulat. Ang kanyang mga
akda ay nailathala sa Bannawag.Siya ay nagpakasal kay Teresita Pagaduan kung kanino siya nagkaanak ng lima. Isa sa
mga nagtatag ng GUMIL Cagayan at GUMIL ABS (Aparri, Buguey, Sta. Teresita), at miyembro ng GUMIL Filipinas.

REHIYON V
REHIYON NG BIKOL
Ang Rehiyon V ay isang tangway. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig.

Binubuo ito ng mga lalawigan ng Camarines Sur, Camrines Norte, Albay, Sorsogon, Masbat at Catanduanes.

Kilala ang Bikol sa rehiyon ng mga bulkan dahil higit na maraming bulkan ang matatagpuan dito kaysa sa ibang rehiyon
ng Pilipinas.

MGA BULKAN SA REHIYON V


-Mayon ng Albay -Labo ng Camarines Norte -Malinao ng Albay -Isarog ng Camarines Sur -Bulusan ng Sorsogon

KASAYSAYAN NG REHIYON V
Ang rehiyon ay tinatawag din na “Los Camarines” pagkatapos ng kubo matagpuan ang mga Espanyol sa Camalig, Albay.

Bago naman panahong tayo ay nasakop, sa lakas, tapang at katalinuhan ng kanilang pamumuno.

PAGKAING BICOLANO
Bicol Express ay ang nakaagaw pansing pangalan ng isang pagkaing binubuo ng siling mahaba,gatang niyog, bagoong o
laing, sibuyas, karne at bawang.

May mga yamang mineral din ang rehiyong ito. Ang paracale sa Camarines Norte ay pangunahing tagapagmina ng ginto
at tanso. Minimina rin sa ibang bahagi ng rehiyon ang marmol, pilak, bakal,, karbon, chromite, manganese, at abaka.

MGA SIKAT NA PASYALAN SA BIKOL


-Cagsawa Ruins -Quitinday Green Hills -Hobbit Hill -Camarines Sur Watersports Complex
MAMAYAN AT WIKANG GINAGAMIT
Ang Bikol ay panlima sa mga may pinakamalaking pangkat ng mga etnolinggwista sa Pilipinas.

Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol, pero iba’t-ibang uri ng Bikol nila.

•Ang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na magtatagpuan sa tangway ng Bikol at
nagsisilbing bilang lingua franca o bilang pangunahing wika ng rehiyon.

•Bicol na may halong Tagalog ay sinasalita sa Camarines Sur dahil malapit sa Quezon.

•Bikol na hawig sa Cebuano ang sinasalita sa Masbate.

•Iba din ang Bikol ng Albay, Sorsogon at Catanduanes.

PANGUNAHING HANAPBUHAY
-Pagsasaka -Pangingisda

MGA KATANGIAN NG MGA BIKOLANO:


1.Relihiyoso

2. Tahimik

3. Palakaibigan at Masayahin

4. Matibay ang loob sa mga pagsubok sa buhay

5. Mahilig sa pagkaing may gata at sili.

6. Mahilig ang mga kakabaihan sa paglagay ng mga palamuti

KAUGALIAN SA PANLILIGAW
•Lagpitao o paglaktaw-laktaw -unang pagkikita sa pamamagitan ng isang tagapamagitan.

•Pasanco-pagsusuri ng bawat isa sa prospektibong kapareha.

•Pag-agad -paninilbihan sa tagalog. Ang panunuyo ng lalaki sa pamilya ng babae, may negosasyon din bago kasal
(dowry) o date sa katagalugan.

•Sinakat- regalo sa babaing ikakasal mula sa kamag-anak na dumalo sa kasalan.

•Ilinakad- ekstrang bayad pag ang babaing ikakasal ang siyang pinakamatanda sa pamilya.

•Sayod (Drawing) ng kasunduan sa pagkakasal- ang dalawang panig ay nagsasagawa ng tronco (panunusog ng
lahi/pinagmulan ng angkan para maiwan ang pagsamasam ng magkamag-anak).

•Pagcaya- sa wakas ang pagsaksi sa kasal.

•Pururan o Hurulungan-ang pagbibigay ng regalo.

•Pastoras- kaugalian sa Kapaskuhan. Ang mga sayaw at awitin nito’y pinananatili at ipanamamana ng pamilya at kamag-
anak ng “parabulo” o tagapagsanay.

MGA LALAWIGAN SA REHIYON V


Albay

•Kabisera:Lungsod ng Legaspi

Camarines Sur
•Pili ang kabisera o kapital nito.

•Bikol ang pangunahing diyalekto


Camarines Norte
-Pangalawa sa pinakamaliit na lalawigan ng Bicol, na may eryang humigit 2,112 v parisukat.

Sorsogon
-Sorsogon ang kapitolyo, walang lungsod ngunit binubuo ng labimpitong (17) munisipalidad.

Masbate
-Bicol, tagalog, Cebuano,Waray ang wikang ginagamit ng Masbate.

Catanduanes
-Ito ang may pinakamaliit na sakop na lupain sa mga lalawigan ng Bicol.

MGA PANITIKAN SA REHIYON V


1.Bugtong(Patuod)
- Pangungusap na may pinapahulaang kahulugan.

Halimbawa:

Duwang Bulang Itom.

Harayoan an inabotan,

Dai Man Inapon…

Sagot: Mata

2.Kasabihan(Tataramon)
- Pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at
madaling maintindihan.

Halimbawa:

(Bikol)Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding.

(Tagalog)Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.

3.Alamat
- Mga kuro-kuro o mga kwentong pinagmulan ng bagay-bagay.

Halimbawa: “Alamat ng Bulkang Mayon”

4.Awiting Bayan

- Mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.

Halimbawa:

1.Dinusa-awiting tungkol sa pag-ibig

2.Tolbon-awitin sa kapistahan.

3.Diwata-awitin ukol sa kapighatian at kalungkotan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

4.Angoy,Tagulaylay-awit sa pagbuburol ng patay.

5 Sarangue,Dumangoy-awit para sa namatay na ninuno.

6.Hoarasa
5.Epiko
- Tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali sa isang tao.

Halimbawa:

“Ibalon”

Ang tanyag na matandang epiko ng Bikol.

Tauhan: Handiong at Baltog

6.Osipon/Oripon

- Isang uri ng salaysay na pinakamadaling hubuging anyo-maaring dagli, maikling kwento, salaysay o sanaysay.

Halimbawa:

“An istorya ninda, an osipon ta” ni James Jesus Borlagdan

7.Tigsik

- Tulang bikolnon na namumuna sa mga bagay-bagay.

8.Kantahing Bayan bago ang Kastila

 Hollo- inaawit kapag naghahanay ng mga bagay


 Ambahan- inaawit kapag nagpapahinga o nagpapatulog ng bata.
 Hela- inaawit kapay may hinihila o hinahatak na bagay.
 Katumba- awit sa pagdadalamhati na sinasaliwan ng sayaw.

9.Mga Dula sa panahon ng pananakop.

Comedia o Moro-moro at Zarzuel

MGA MANUNULAT SA REHIYON V


1. Aguilar Celedonio V.

 Isang manunulat ng tula sa Weekly Women‟s Magazine noong 1950


 Shaken Shadows noong 1966 at This Season and Night.

2. Alejandra, Clemente Bulocon

 sa siyang poet at playwright


 Madaling Isip (In Short)
 siya rin ang sumulat ng dulang Prinsipe Lizardo at Prinsipe Fernando.

3. Arrieta, Nicolas Serrano

 Dalawa sa kanyang nobela ay ang “An Dahas ni Pagcamoot o Duang Puso” (ThePower of Love in Two Hearts) at
ang “An Agos na Magtood” (Go With the Flow).
 Sumulat din siya ng mga dula tulad ng “Zarzuela Bicolana”.

4. Bobis, Merlinda Carullo

 Kantada ng Babaeng Mandirigma” (daragang Magayon) isang epiko (Cantata of the Warrior Woman) 1993.

5. Fuentabella, Manuel Tria

 manunulat sa Bicol at Spanish


 “Maski Nanok ang Pagtorog Ko” (Though Fast Asleep)
 “Mayda Baya Ranga” (Come, Oh Comfort), “An Pana” (The Arrow)
 O Obispong Namomotan” (O Beloved Bishop), “An Santong Kundiman” (Our Song),
 “Luhang Mapait” (Bitter Tears)

6. Perfecto, Mariano

 Ligao, Albay; 1850; Naga, Camarines Sur


 An Parabareta (Newspaper)
 Almanaque Bikolnon (Bicol Alamanac)

You might also like