Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SURING-BASA NG AKADANG PAMPANITIKANG MEDITERRANEAN- MODYUL 8

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa.

Suring – basa ng Akdang __________________

Unang Talata
I.Panimula
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa (mga) anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may akda kundi sa mga
bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o
manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa.

Halimbawa:
Ang akdang napili kong suriin ay isang maikling kuwento. Ito ay may pamagat na Ang Kuwintas o The
Necklace na mula sa bansang France na naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng bawat nilikha. Si Guy de
Maupassant ang awtor ng akdang ito na isang mahusay na manunulat. Layunin ng akdang ito ang ___________.

Ikalawang Talata
II.Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda – ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotothanan at mag-aangat o tutugon sa
sensibilidad ng mambabasa.
Mga Tauhan/Karakter sa akda – ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunan ng ginagalawan,
mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o
namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan
Tagpuan/Panahon – binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong
saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.
Balangkas ng mga Pangyayari – isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa
nilalamang taglay? Dati o luma na bang pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo
ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas?
Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng kabuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
Kulturang Masasalamin sa akda – may nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang
nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

Halimbawa:
Ang tema ng akda ay tungkol sa ____________________________. Sa aking palagay ito ay makabuluhan
sapagkat _________________. Ang mga tauhan o karakter ay _____________________________________.
May iba’t ibang tagpuan sa akda tulad ng _________________________.Masasabing ang panahong tinutukoy ay
_________________________.
May kaisahan sa paglalahad ng mga pangyayariang akda ngunit walang tiyak na wakas. Ang mensaheng nais ipaabot sa
kabuuan ng akda ay ___________________________________________________________.
Sa akingf palagay ay talagang nangingibabaw ang kultura ng mga taga-France na _____________________________.

Ikatlong Talata
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa
mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at
lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri
sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
Mensahe ng akda- Ito ay mga ideya o kaisipang nais iparating ng akda sa mga mambabasa. Ito ay kadalasang
nangingibabaw na ideya sa isang akda.
Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng
pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman
ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa
katangian ng isang mahusay na akda?

Halimbawa:
Ang kaisipang paghahangad ng labis sa mga materyal na bagay upang maging maligaya ay likas sa
tao at sa lipunan.Dito nagsimula ang mga naging suliranin sa buhay ni Gng . Mathilde na _______________. Sa
palagay ko isinulat ang akdang ito upang ipabatid ang mensaheng ____________
________________________. Para sa akin, epektibo ang estilo ng pagkakasulat sa akda dahil sa ____________.
Nangingibabaw sa akda ang teoryang _______________________ sapagkat____________________________.

Ikaapat na Talata
IV. Buod
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang
bigyang-tuon at wastong pagkakasunod-sunod ng mga ideya at pangyayari.

You might also like