Pangalan: Roselyn S. Mancio Seksyon; BTLED 4A H.E.
Asignatura: Sanaysay at Talumpati Petsa: Nobyembre 04, 2022
Takdang Aralin -1
Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?
Talumpati ni Steven Coral
Muli nating balikan ang isang tanyag na kasabihan, “Ang
PAMBUNGAD O kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Ngunit, sa kasalukuyang SIMULA panahon, ang kabataan pa rin ba ang sinasabing pag-asa ng bayan? Isang pagbati ng Mapagpalang araw sa lahat ng mga nakikinig! Ayon PAMBUNGAD O kay Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” gasgas SIMULA paniniwala ng bawat Pilipino. Ngunit, kung titingnan natin ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon, mga kabataang nasasadlak sa mga maling gawain, masasabi pa kaya natin na “Ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan?”
Ang kabataan ba ngayon ay kapareho pa rin ba ng mga
kabataan noon? Sa panahon ngayon mga kabataan ay nababahiran PAGHAHAMBING AT PAGTUTULAD na ng bagong teknolohiya. Di tulad ng dati, unti-unting nababago ang mga nakasanayan. Nababahiran na ng mga bagong uso, na nagging resulta ng ating pagkawala ng landas. Napapabalitaan natin ang kaliwa’t-kanang ilegal na gawain na kinasasangkutan ng mga kabataan; Pagtutulak ng droga, pandurugas, paggagahasa at marami SANHI AT pang iba, lahat ng iyon ay hindi nawawalan ng kabataang sangkot. EPEKTO Andyan din ang mga kabataang nakikitang nakatambay pa kahit dis- oras na ng gabi, mga kabataang parang nauubusan ng tela dahil sa iksi ng kanilang pananamit. Masasabi pa ba natin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan? Kung ako ang tatanungin, isa ring kabataan na KATAWAN O nabibilang sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin na ang “Ang DISKUSYON kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Hindi natin maiiwasan na masadlak sa maling gawain ang mga kabataan, dahil may mga bagay sila na hinanap. Mga bagay na magpaparamdam sa kanila ng pagmamahal at pag-aaruga, at mga tao na handang dumamay. Nang dahil din sa di matapos-tapos na kahirapan, mas pinipili pa rin ng mga ilang kabataan na gumawa ng kamalian para may maihain lamang sa hapagkainan at may panlaman tiyan. Ang mga kabataang SULIRANIN nasasadlak sa masamang bisyo, ay hindi marapat na husgahan bagkus dapat natin silang bigyan ng pagkakataon upang magbago. Kung tutuusin, halos lahat ng mga kabataang na sasadlak sa ganitong gawain ay may sariling dahilan at rason, kaya marapat lamang na bigyan nating sila ng pagkakataon at higit sa lahat ng pagkalinga! Bigyan-pansin naman natin ang mga kabataang mas pinipiling magbanat ng buto kaysa sa maglaro at mag-aral. Mga kabataan na isinasakripisyo ang sarili nilang kaligayahan para lamang sa kanilang pamilya. Tulongan natin maka bangon sila muli. Tulongan natin silang patatagin ang kanilang kaluoban upangang hindi sila mapaghinaan ng loob. May mga kabataang naulila napero patuloy pa ring nagsisikap at nagsisilbing padre de pamilya ng kanyang mga kapatid. Lahat sila ay isa nang magandang rason upang sabihin na KATAWAN O ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Ang mga kabataang maagang DISKUSYON naging ina o ama, pero mas pinili nilang maging responsable at hindi PAPAKSA duwag sa pagharap ng kanilang kamalian. Mga kabataang, bagamat na sadlak sa masamang gawain, ay natutong ibangon ang kanilang sarili sa kasadlakang hinaharap. Mga kabataang minsang naging masama pero natutong iwasto ang pagkakamaling iyon. Lahat sila ay sapat nang rason na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Kung iisipin, lahat ng mga kabataang minsang nasadlak sa kahirapan, mga kabataang nakaranas ng matinding kahirapan, ay ang mga kabataan na nagiging mabuting inspirasyon sa lahat. Dahil, natuto silang magbago at umahon sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na kanilang napagdaanan. At, para sa akin sapat na ang mga dahilang iyon upang patuloy pa nating paniwalaan na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Huwag natin husgahan ang mga kabataan sa kasalukuyan
kung nakagagawa sila ng kamalian bagkus pagkalinga at pagmamahal ang dapat nating ihandog, at isa pang pagkakataon upang magbago at iwasto ang kanilang kamalian. Tingnan din natin ang mga kabataan na sa murang edad ay natuto nang KONKLUSYON maghanapbuhay at tumayo bilang isang haligi ng tahanan. Mga kabataang marunong magsakripisyo at magtiis para sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang iyon ay dapat hangaan at tularan ng KATAPUSAN sinuman. Bilang isang kabataan, naninindigan ako na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng bayan”, dahil sa murang edad ay natuto na kaming matuto sa aming kamalian atito’yituwid, na sa murang edad natuto PANININDIGAN na kaming magsakripisyo at magtiis at sa murang edad natuto na kaming maging isang responsableng tao. At, lahat ng iyon ay magiging susi namin upang maging isang inspirasyon sa lahat, at isang mahalagang karanasan upang patuloy kaming magsumikap at sumabay sa takbo ng buhay. Dahil, magmumula sa amin ang isang magiging mabuting mamamayan, manggagawa, mangangalakal at isang tapat na lider ng bansa na aming sinilangan!