Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kahapon, Ngayon at Bukas ni: Aurelio

Tolentino Si Asal Hayop, mapaglilong tagalog,


ay nagtaksil sa kanyang ina at kapatid dahil sa
salapi. Isinulpong niya kay Haring Bata (Haring
Intsik) si Tagailog at si Inang Bayan ngunit siya
ay nahuli ni Tagailog at sinunog. Si Haring Bata
ay napatay ni Tagailog sa labanan. Si Dilat na
Bulag (Espanyol) ay dumating at
nakipagkaibigan kina Inang Bayan at Tagailog.
SIla ay nagsandugo, ngunit si Dahumpalay
(mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at si
Tagailog ay nahuli at nabilanggo, ibinigay ni
Inang Bayan ang kanyang salapi kay Dilat na
bulag hanggang sa mamulubi at mapawalang
sala si Tagailog. Napatay ni Tagailog si
Dahumpalay nang dalawin siya nito at
sapilitang sinunog ang mukha nito. Ipinalit ni
Tagailog ang damit kay Dahumpalay.
Nakatakas si Tagailog. Nagpatuloy ang
paghihimagsik at kumalat ang salitang kaluluwa
ni Tagailog ang namumuno sa himagsikan.

You might also like