Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Ang Pagkamit ng Kaunlaran ng
Bansa
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Ang Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: May Marie T. Suico
Editor: Rosemarie T. Realino at Deah Love B. Arlan
Tagasuri: Roldan L. Roperos at Rosemarie T. Realino
Tagaguhit: Emjay Paul M. De Jesus, Delfin M. Albores at Leslie Gay C. Ravina
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City Division – DepEd Davao

Office Address: E. Quirino Ave., Davao City 8000


Telefax: +63 (082) 224-0100 / (082) 222-1672
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Ang Pagkamit ng Kaunlaran ng
Bansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa tagumpay ng mamamayan.


Bilang mamamayan, ay tinitiyak ang pag-unlad at pagsulong ng bansa kung
saan sila ay masaya, may sapat na pinagkukunan ng mga panustos sa
kanilang pangangailangan at may matiwasay na pamumuhay.
Sa araling ito, matutunghayan ang mahahalagang pagsisikap ng
mamamayan at pamahalaan sa pagtatag ng bansa.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay ang mga gampaning ng pamahalaan at mamamayan sa
pagkamit ng kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng sanhi at bunga;
2. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng bawat
mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa sa malikhaing
paaraan.
Kaya halina at matuto tayo nang mabuti sa modyul na ito. Huwag
kalimutang ihanda ang sagutang papel.

Subukin Natin

Ang bansa ay binubuo ng mamamayan. Dahil dito, ang pag-unlad


ng bansa ay nakasalalay sa kanila. Bago mo simulan ang bagong aralin; ating
tunghayan kung sino ang mga taong tinutukoy sa gawaing nasa ibaba.

Gawain 1:
Punan ang Bubble Topical Organizer na nasa ibaba ng mga paraan kung
paano maging produktibo sa paggawa ang isang tao. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

1
pagiging
matapat

Paraan ng
Pagiging
Produktibo

Aralin Natin

Ang Pilipinas ay isa sa mga umuunlad na bansa sa Asya. Marami


pa itong kailangang gawin tungo sa hangarin nitong ganap na kaunlaran.
Maiuugnay din sa kaunlaran ang kalidad ng pamumuhay ng mga
mamamayan. May kaunlaran din kung ang serbisyo ng pamahalaan ay
nakararating sa mga mamamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng
paglilingkod. Ating tunghayan ang aralin ukol sa mga gampanin ng
pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran ng Bansa.

2
Mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa
Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa
▪ Mahalin natin ang ating bansa.

Ang ating bansa ay may sariling teritoryo. Sa teritoryong ito


matatagpuan ang bahagi ng ating kamanahan at mga pag-aaring likas na
yaman na dapat linangin at pangalagaan.
Higit sa ating teritoryo, ang ating bansa ay binubuo ng mga tao, mga
mamamayang Pilipino na dapat nating mahalin at suportahan. Anuman
ang ating gawin, hindi natin dapat isipin ang ating mga sarili lamang.
Kailangang lagi nating isipin ang epekto ng ating ginagawa sa ating
kapwa at bansa. Halimbawa, kung may mga produkto tayong bibilhin,
siguraduhin nating ang ating ibabayad ay mapupunta sa ating kababayan
at hindi sa mga mamamayamang multinasyonal. Tangkilikin natin ang
mga produktong Pilipino. Makatutulong ito sa pagbabawas ng kahirapan
at pagbibigay-kita sa ating mga kababayan.

Suportahan natin ang ating pamahalaan at tugunan ang ating mga


karapatan. Lagi nating sundin at igalang ang mga batas.

3
Ang ating bansa ay may pamahalaan. Ang ating pamahalaan ay may
pamunuan na binubuo at nagpapatupad ng mga batas para sa
kapayapaan, kaayusan, at katiwasayan ng ating pamumuhay.
Ang ating mga batas ay binuo upang ipagtanggol ang buhay at ari-
arian, at itaguyod ang ating kapakanan. Tinatanggal nito ang ating
kapayapaan at seguridad at hinahadlangan ang kaunlarang pang-
ekonomiya.
Kung ang lahat ng mamamayan ay susunod sa batas at hihikayatin
ang ibang gawin din ito, tayong lahat ay mamumuhay nang masagana,
payapa, at tahimik.

Alagaan natin ang ating kapaligiran at ang mundo.

Ang ating bansa ay bahagi ng mundo. Ang mga nangyayari sa


ibang bahagi nito ay nakaapekto sa ating kapaligiran, kalikasan at
pamumuhay.
Ibinibigay ng ating kalikasan ang lahat ng ating pangangailangan.
Binubuhay tayo ng hangin, tubig at lupa. Nararapat nating tipirin ang
paggamit ng mga ito at ingatan ang lahat ng mga yamang-likas.
Kailangan din nating tumulong sa paglinang ng mga yamang ito at
iwasan ang anumang makasisira sa kanila. Dapat nating iwasan ang
polusyon sapagkat sinisira nito ang kalikasan at pinapatay ang mga
halaman, hayop, at tao. Dapat nating ihiwalay ang nabubulok nab asura
sa hindi nabubulok nab asura. Dapat din nating bawasan ang ating

4
basura sa pamamagitan ng recycling at paggamit muli ng lumang
materyales.
Tumulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa
pamahalaan.
Sa isang bansang demokratiko tulad ng Pilipinas, ang mga
mamamayan ay nakapipili ng mga mamumuno sa pamahalaan sa
pamamagitan ng halalan. Maunlad ang bansa na may pamahalaan na
tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Maunlad ang bansa
na may sistemang politikal na pinanggagalingan ng sigla at lakas ng tunay
na demokrasya para sa mamamayan.

Dahil dito, kailangan natin ng mga tapat at mahuhusay na mga


pinuno at opisyal. Dapat nating siguraduhing tanging tapat, dedikado, at
mahuhusay na pinuno lamang ang mahalal. Hindi natin gawing basehan
ang popularidad ng isang kandidato upang siya ay iboto.
Mas mahalagang tingnan at suriin ang kanyang kakayahang
makapagbigay ng Mabuti at tapat na paglilingkod sa bayan. Huwag nating
hayaang makagawian ang paglalagay sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan.
Tumulong tayo sa pagpuksa ng anumang gawaing korupsiyon o
katiwalian sa pamahalaan.
Linangin at gamitin natin ang ating sariling mga kakayahan at
talento.

5
Bawat tao ay nagtataglay ng talino at kakayahan. Ang mga
kakayahang ito ay dapat linangin at pagyamanin ng sinumang nagtataglay
nito.
Ang mga Pilipino ay mahusay sa karangan ng pagguhit at likhang-
sining na nakatatawag-pansin ng mga dayuhan at mga kapwa Pilipinong
may pagpapahalaga sa sining. Kinikilala ang ating mga mag-aawit at
hinhangaan ang musikang Pilipino sa iba’t ibang bansa. Kaugnay ng
musika, ang mga Pilipino ay umaani rin ng tagumpay sa mga sayaw,
katutubo man o ballet.
Sa ating pag-aaral, napapalawak natin ang ating mga kaalaman,
kakayahan at kasanayan sa iba’t ibang larangan.

Maging produktibo tayo.

Ang Pilipinas ay isang mapalad na bansa sapagkat ito’y biniyayaan


ng likas na yaman na maaaring bumuhay sa kabuuang populasyon ng
ating bansa.
Ang taong produktibo ay nakagagawa ng mga paraan upang magamit
ang kanyang lakas, kakayahan, at oras sa kapaki-pakinabang na gawain.
Katulad ng pagiging laging nasa oras sa pagpasok ay nakatutulong sa
pagiging produktibo ng isang tao.
Ang taong produktibo ay may tamang saloobin sa paggawa at kusang
ginagamit ang kakayahan sa paggawa nang abot-kaya. Pinagbuti lagi ang
mga gawain; kung may mali, inuulit ito. Marunong gumawa nang nag-iisa

6
o nang may kasama at pinaplano ang mga gawain upang matiyak ang
patutunguhan nito at makaiwas sa kamalian at pag-aaksaya ng panahon.
Pagbutihin at paunlarin natin ang mga produkto ng bansa.
Aangat ang ekonomiya ng bansa kung mapagbubuti natin ang ating
mga produkto at mapauunlad natin ang mga industriya sa pangangalakal.
Tumulong tayo sa ating pamahalaan na mapaunlad ang maliliit at
katamtamang laking industriya dahil nakapagbibigay ang mga ito ng
trabaho sa maraming tao sa bansa.

Nakikilahok ang ating bansa sa World Trade Organization (WTO)


upang higit na lumaki ang pagkakataon na makipagkalakalan sa
pandaigdigang pamilihan. Inaasahang magaganyak nito ang mga local na
pabrika na maging mahusay at ipakita ang kakayahan sa paggawa.
Tangkilikin natin ang produktong Pilipino.
Ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ay naipapahiwatig
sa pagtangkilik ng mga produktong Pilipino. Kailangan nating tangkilikin
ang ating sariling produkto upang makatulong sa pag-unlad at pagsulong
ng ating bansa.
Responsibilidad natin ang maging alerto at alamin ang
pinanggagalingan ng mga produktong ating binibili, tiyaking ito ay
makatutulong sa ating mga industriya. Isaalang-alang ang epekto ng ating
pagkonsumo sa ibang tao, sa ating lipunan, sa lokalidad, at sa ating bansa.
Pahalagahan ang mga produkto ng ating kapwa Pilipino. Makipagtulungan
upang maprotektahan at maisulong natin ang ating mga interes bilang mga
konsyumer, bilang Pilipino, at bilang bansa. Halimbawa, magtipid ng
enerhiya upang makatipid sa likas na yaman at makaiwas sa pagkasira ng

7
mga nito. Isa itong mabisang paraan upang makatulong sa pag-unlad ng
bansa.
Makilahok tayo sa mga gawaing pansibiko.
Maging aktibong mamamayan at makilahok tayo sa mga gawaing
pansibiko. Katulad nang magtatag o makilahok sa mga organisasyong
magsusulong ng kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa,
mangangampanya tayo para sa ikauunlad ng ating bansa, lumahok tayo
sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga ng mga karapatan ng
mga mamamayan, paunlarin nating ang produkto ng bansa at iba pa.

Kung lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing


pansibiko at nagtutulungan, magiging maunlad ang pamumuhay sa ating
pamayanan at bansa.

Gawin Natin

Mapalad ang Pilipinas dahil may mga salik na nakaiimpluwensiya sa


pag-unlad ng bansa. Ito ay ang mga likas na yaman, mga yamang tao at mga
yamang gawa ng tao. Ating linangin ang kaalaman sa pagsagot sa pagsasanay
sa ibaba.

8
Gawain 2: Ating Pagtambalin ng Sanhi at Bunga
Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan.
Isulat ang titik sa iyong papel ng tamang sagot.
____1. Pagtangkilik ng produkto A. Pagsira ng kalikasan
sa ibang bansa. B. Pagbuti sa kabuhayan
____2. Mataas ang kriminalidad. C. Hindi nakatulong sa
____3. Pagtulong sa pagpuksa ng pag-unlad ng bansa.
katiwalian sa pamahalaan. D. Makapagbigay ng
____4. Pagtapon ng basura sa mabuti at tapat na
kapaligiran. paglilingkod sa bayan.
____5. Maging produktibong E. Hindi pagsunod sa
mamamayan. Batas.

Sanayin Natin
Kailangang pagyamanin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan
ng isa pang pagsasanay.

Gawain 3: Ating Pagpilian


Punan ang salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga likas na yaman ay may ______ kaya huwag balewalain.
a. hangganan c. kasobrahan
b. kasunod d. kakulangan
2. Kailangan nating ______ ang epekto ng ating ginagawa sa kapwa.
a. itabi c. isipin
b. mabilis d. pananaw
3. Ang paglabag sa batas ay nagdudulot ng __________.
a. kaingayan c. pagmamahal
b. kaguluhan d. kadumihan
4. _________ natin ang mga produkto sa ating bansa.
a. Paunlarin c. Pagdami
b. Bagong palit d. Itabi

9
5. Magkaroon tayo ng tamang _______ sa paggawa.
a. pagtitipid c. saloobin
b. populasyon d. pagkain

Tandaan Natin

➢ Ang Pilipinas ay mayaman sa mga yamang-likas na matatagpuan sa


lahat ng dako ng bansa. Ito ang tumutustos sa pangangailangan ng
mga mamamayan.
➢ Ang kaunlaran ay nararamdaman ng bawat mamamayan kung
malawak ang pagpipilian nila ng mga kinakailangan.
➢ Ang kaunlaran ay tumutukoy sa pagtaas ng antas ng pamumuhay.
➢ Ang pamahalaan ay naglalaan ng mga pondo sa pagtataguyod at
pangangalaga sa mga makasaysayang pook, teatro at iba pang bagay
na sumasalamin sa kultura ng bansa.

Suriin Natin

Upang mas lalong mapaigting ang mga kaalaman, subukin pa natin


ang ating kakayahang masuri ang mga gampaning ng pamahalaan at
mamamayan para sa pag-unlad ng bansa.

Gawain 4: Naipamalas ang Pag-unawa


Tukuyin ang mga wastong salita na nasa loob ng kahon upang
mabuo ang diwa ng pahayag ng pangungusap. Isulat ang wastong salita sa
iyong sagutang papel.

10
mamamayan pansibiko
masagana

korapsiyon kakayahan

1. Kung ang mamamayan ay sumusunod sa batas, tayo ay mamumuhay


nang _______.
2. Ang ating __________ ay nagtataglay sa ating katalinuhan at kasanayan.
3. Hindi mabubuo ang pamahalaan kung wala ang _________.
4. Tungkulin nating lumahok sa mga gawaing ___________ upang umunlad
ang ating bansa.
5. Tumulong sa pagpuksa ng __________ sa pamahalaan.

Payabungin Natin

Linangin natin ang lahat ng natutunan mo sa araling ito. Sa


pamamagitan ng gawaing ito, mas mapalalim pa ang iyong pagkakaintindi
tungkol sa pagpaunlad ng mga produkto sa ating bansa.

Gawain 5: Pagtangkilik sa Sariling Produkto.


Gumawa ng patalastas gamit ang sariling produkto na makikitang
bagay sa ating paligid. Isulat ang iyong nagawang gawain sa isang sagutang
papel.

GABAY SA PAGPUPUNTOS

NILALAMAN:
May kaugnayan sa paksang
5
binasa.
Hindi gaanong malinaw ang
3
pagpapahayag.
1 Walang konsepto na makikita.

11
MALIKHAIN AT KALINISAN:
Maayos at malinis ang
5 presentasyon na may wastong
gamit ng gramatika.
Hindi gaano maayos ang
3
presentasyon.
1 Hindi maayos presentasyon.

Pagnilayan Natin

Mahalaga ang ginagampanan natin bilang isang mag-aaral na mahalin


natin ang ating bansa sapagkat tayo ay nakakatulong sa pag-unlad ng ating
pamumuhay. Ang pagsunod sa batas ay siyang nakapagbigay matiwasay ng
bawat isa at higit sa lahat ay ang pagtangkilik ng mga produktong sariling
atin ay siyang nakakatulong sa pag-unlad ng ating bansa. Halina’t ating
simulan ang pagiging damdaming makabayan upang mahigitan pa at
maipagmalaki ang pagiging tunay na pagka-Pilipino.
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari
mo nang simulan ang susunod na paksang aralin.

12
13
Subukin Natin
Paalala: (Ito ay umaayon sa
pagsagot ng mag-aaral)
Mga posibleng sagot:
1. Kaayusan at
kalinisan.
2. Pakikipagtulungan
sa kapwa.
3. Ginagawa sa
nararapat na oras.
4. Katapatan
Suriin Natin Gawin Natin
1. masagana 1. C
2. kakayahan 2. E
3. mamamayan 3. D
4. pansibiko 4. A
5. korapsiyon 5. B
Payabungin Natin Sanayin Natin
- answer may vary to 1. A
the teacher 2. C
3. B
4. A
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, E.D. et. Al. (2017). Kayamanan: Batayan at Sanayang


Aklat sa Araling Panlipunan. Sampaloc, Manila: Rex Book Store.

HEKASI VI: Ang Pamahalaan at Ang Mga Mamamayan nito (2010).


Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA). DepEd-
Division of Negros Occidental. Revised 2010 by the Learning Resource
Management and Development System (LRMDS).
Cruz, M. Et Al. (2014) YAMAN NG PILIPINAS: Batayang Aklat sa
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6. EdCrisch International,
Inc. 5059 Filmore St., Cor. Arellano St., Palanan, Makati City.

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Davao City

Quirino Avenue, Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like