Kabanata II Tesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata II

METODOLOHIYA

Disensyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik. Ang disensyong palarawan o


Descriptive ay ginamit sa pananaliksik na ito sapagkat layunin ng pag-aarl na matukoy ang mga
Problema, kahandaan at karanasan sa pagtuturo ng MTB-MLE ng mga piling guro na sa Elementarya sa
Ikalawang Distrito ng La Union.

Panggagalingan ng mga Datos

Sa pananaliksik na ito, ang mga tagtugon sa pag-aaral ay ang dalawampu’t apat (24) guro mula sa
iba’t ibang pampublikong paaralan na nagtuturo ng MTB-MLE sa Ikalawang Distrito ng La Union gamit
ang isang wikang kinagisnan sa pagtuturo.

Ang mga tagatugon sa pananaliksik na ito ay pinili gamit ang Criterion sampling. Ito ay
kinakailangang pamantayan. Ito ay maaaring mapakikinabangan para sa pagkilala at pag-unawa ng mga
usapin na may importansya. Inalam din ng mga mananaliksik kung ano ang Mother tongue na kanilang
ginagamit. Ang nagging criteria ay kailangan ang mga guro ay nagtuturo ng Mother Tongue sa isang
pampublikong paaralan at ang wikang ginagamit sa pagtuturo ay Ilokano.

Narito ang talahanayan ng mga paaralang kasangkot sa pag-aaral.

Mga paaralang kasangkot sa pag-aaral Bilang ng gurong kasangkot sa pag-aaral


Tubao Cental School 9
Manga Elementary School 3
Santiago Sur Integrated School 3
Bail Elementary School 6
Agoo 3
Kabuuang bilang ng kasangkot 24

Instrumentasyon at Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng isang interview na binubuo ng apat (4) na katanungan at
gumamit ang mga mananaliksik ng cellphone recorder upang marekord ang mga kasagutan ng mga guro.
Gumawa ng liham ang mga mananaliksik para sa mga kalahok upang humingi ng pahintulot sa gagawin
nilang pakikipanayam. Bago simulan ang pakikipanayam, Ipinaunawa at ipinaliwanag sa mga kasangkot
nang mabuti ang aming tungkulin bilang isang mananaliksik at maging gampanin sa pag-aaral.
Sinisigurado ng mga mananaliksik na ang nakuha nilang mga datos ay mananatiling kompidensyal sa
buong pag-aaral.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral na ito ay nailahad at nasuri sa pamamagitan
ng isang categorization. Masusing tinukoy ng mga mananaliksik ang iba’t ibang category upang
mabukod-bukod at mapagsama-sama ang mga kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral.

You might also like