Dahil Nakilala Mo Lang Sa Internet Ang Iyong Kasintahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dahil nakilala mo lang sa internet ang iyong kasintahan, maraming pwedeng mangyari o nangyayari na

ng hindi mo alam. Hindi mo alam ang kaniyang ginagawa sa likod ng kaniyang phone, maaaring hindi
lang pala ikaw ang kausap niya. Isa ka lang sa mga taong napabighani ngunit hindi pinanindigan niya.

Sa umpisa masaya pa iyan, kayo'y naglalambingan, gusto magkausap kahit sa umagahan, tangahalian,
hapunan. Gusto niyo na kahit magkalayo kayo ay ramdam niyo pa rin ang pagmamahal sa isa't isa.
Tatagal ng ilang buwan o taon hanggang sa unti-unting lumalamig ang mainit na pakiramdam. Sa kada
usap niyo ay nauuwi na lang sa tampuhan na magtatagal ng ilang araw. Sa sobrang wala kayong oras sa
isa't isa ay ni simpleng kumustahan ay hindi niyo magawa. Patagal ng patagal, pawala ng pawala ang
inumpisahang pagmamahalan hanggang sa lumipas ang ilang linggong hindi pag-uusap ay ikaw na unang
gumalaw. Siya ay iyong kinumusta ngunit hindi naman ito sumagot. Dumaan ang ilang oras ng
paghihintay ay wala pa rin, hanggang sa nagdaan ang araw na naging linggo. Kahit isang letra ay wala
man lang paramdam. Napag desisyunan mong pumunta sa kaniyang facebook account niya ngunit
nakablock ka na pala sa kaniya kaya nagtungo ka naman sa Instagram at doon mo nakita kung ano ang
pinaggagagawa niya. Mayroon na pala siyang bago. Sobra kang nasaktan kaya nahirapan kang maka
move on. Araw-araw pinagdududahan mo ang iyong halaga, gabi-gabi tinatanong mo ang sarili mo kung
minahal ka ba niya talaga, kung ganoon ka na lang ba kadaling palitan. Sinarado mo ang puso mo upang
hindi na muling masaktan pa. Pinangako mo sa sarili mo na hindi ka na magmamahal pang muli.

Ngunit alam nating kahit gaano mo isara ang iyong puso ay imposible ito. Darating ang taong itatrato ka
ng tama at mamahalin ka higit pa sa sapat.

You might also like