Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St.

Bernard Subdivision, Abogado, Paniqui, Tarlac

SECOND MONTHLY EXAM


GRADE 1 – ESP (NOVEMBER 15-16, 2022)

SCORE

Pangalan:

TEST I. Lagyan ng kung ito ay sitwasyon na nagpapahayag ng Karapatan ng bata at kung


hindi.

_________1. May Karapatan kayong sabihin nang maayos kung ano ang inyong iniisip.

_________2. Karapatan na manghingi ng limos sa kalsada upang may pangkain.

_________3. Karapatan ng bata na suwayin ang utos ng kanyang mga magulang.

_________4. Karapatan ng bata na magkaroon ng sapat na edukasyon.

_________5. Karapatang manirahan sa magulong lugar.

_________6. Karapatang makapaglaro at makapaglibang.

_________7. Karapatan ng bata na mabigyan ng proteksiyon laban sa pang aabuso, panganib at


karahasan.

_________8. Karapatang magkaroon ng magkahiwalay na magulang.

_________9. Ang bawat bata ay isinilang na may Karapatan.

_________10. Karapatang ipanganak, mabuhay at bigyan ng pangalan.

TEST II. Sabihin kung ano ang gagawin sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 11. Galing sa puno ang ating mga papel. Nakita mong ginagawang eroplanong papel ng
kaklase moang kanyang bagong papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Sige! Ubusin mo ang papel mo mayaman naman kayo.
B. Pahingi ako ng papel. Gagawa din ako ng para sa akin.
C. Huwag mo sayangin ang papel mo kasi galing yan sa ating mga puno. Hindi iyon
dapatsinasayang. 

_____ 12. Nakita mong nagkakalat ang ibang mga bata sa parke. Sa isang malaking dram may
nakasulat na Dito ang Tamang Lagayan ng Basura.
Ano ang dapat mong gawin?

A. Sasabihin ko sa kanila na huwag magkakalat at meron namang tamang lagayan ng basura.


B. Titingnan ko lang sila.
C. Makikitapon na rin ako marami naman kami. 

_____ 13. Kumakain ka ng kendi habang nasa loob ka ng dyip. Walang basurahan doon. Ano ang
dapatmong gawin?

A. Itatapon sa bintana ng dyip, tatangayin naman iyon ng hangin.


B. Ibubulsa ko muna, itatapon ko na lang sa basurahan pagkababa ko.
C. Ihuhulog sa lapag ng dyip, wala namang nakakakita. 

_____ 14. Nakita mong tuyo na ang lupang pinagtamnan ng mga halaman sa inyong munting
hardin. Anoang nararapat mong gawin?

A. Sabihiin ko kay nanay na tuyo na ang mga halaman.


B. Didiligan ko na lang kapag may oras na ako.
C. Didiligan ko agad para hindi ito tuluyang malanta. 

_____ 15. Inuutusan ka ng nanay mo na magwalis ng bakuran. maraming tuyong dahon ang
iyongnaipon. Ano ang gagawin mo sa mga ito?

A. Ilalagay ko sa compost pit para maging pataba ng halaman.


B. Hahayaan ko na lang na liparin ng hangin papunta sa kapitbahay.
C. Susunugin ang mga ito para wala ng kalat.

_____ 16. Bagong pintura ang pader ng inyong kapitbahay.


A. Maganda itong sulatan dahil bagong pintura.
B. Panatilihin itong malinis at huwag sulatan.
C. Puwede ng umihi dito.
 
  _____ 17. Habang naglilinis silid ang mga mag-aaral ng grade 2 marami silang naipong halo-
halongbasura. Ano ang dapat gawin sa mga ito?

A. Pagsama-samahin lahat ng basura sa isang sako.


B. Ihiwalay ang mga plastic sa papel para sunugin.
C. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa di-nabubulok para pwede pa itong pakinabangan muli. 
_____ 18. Pagpasok mo sa eskwela, napansin mong inaasar ng isa mong kaklase ang katabi mo sa
upuan.Ano ang nararapat mong gawin?

A. Aawatin ang kaklase at payuhan na huwag mang-asar kahit kanino dahil hindi ito mabuti.
B. Hahayaan ko siya at ayoko mangi-alam sa kanila dahil baka ako naman ang aasarin.
C. Gagatungan ko ang pang-aasar ng kaklase para bati kami.

 _____ 19. Kinuha ng kaklase mo ang pambura ng walang paalam. Ano ang sasabihin mo sa
kanya?

A. Sisgawan ko siya kung bakit niya kinuha ang pambura ng walang paalam.
B. Susuntikin ko siya kasi hindi siya marunong magpaalam.
C. Pagsasabihan ko siya ng mahinahon na magpaalam muna bago kuhanin ang gamit ng iba. 

_____ 20. Narinig mong naguusap at nagtatawanan ng malakas ang iyong mga kaklase sa iyong
likuran habangnagpapaliwanag ng aralin ang guro. Ano ang dapat mong gawin?

A. Sawayin sila at pagsabihang makinig sa guro.


B. Hahayaan sila para mapagalitan ng guro.
C. Makikisali sa kanilang usapan dahil mukhang mas masaya iyon kaysa sa itinuturo ng guro.

TEST III. Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.
________ 21. Kapag pumupunta kami sa mall, kahit saan na lang pinaparada ng tatay ang
sasakyan.
________ 22. Naghihintay ng pasahero ang drayber ng dyip sa lugar na may nakapaskil na No
Loading, Unloading Zone.
________23. Nag-aabang ng bus sa tamang sakayan.
________24. Sumusunod sa batas trapiko kapag nasa lansangan.
________25. Humihinto ang bus sa gitna ng kalsada kapag may bumababang pasahero.
________26. Patakbong tatawid sa kalsada habang nasa kulay berde ang ilaw trapiko.
_______ 27. Pumipila ng maayos sa pagsakay ng dyip.
_______ 28. Naglalakad sa bangketa at hindi sa kalsada.
_______ 29. Nakipagkarerahan ng sasakyan habang nasa daan.
_______ 30. Nakikipaglaro ng habulan sa mga kalaro sa lansangan.

You might also like