Nahati Ang Kaharian NG Israel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

STORY TITLE: NAHATI ANG KAHARIAN NG ISRAEL

SCRIPTURE: 1 Kings 11, 12:1-20

LESSON OBJECTIVES:
 Pagkatapos ng araling ito, matututunan ng mga bata na ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa
presensiya ng Diyos. (Isaias 59:2)
 Matututunan din ng bata na sa pamamagitan ng kaparusahang inako ng Panginoong Hesus, tayo ay
pinagkasundo sa Diyos. Dati tayo ay “malayo” ngunit ngayon ay “inilapit sa pamamagitan ng dugo ni
Kristo” (Eph 2:13-14).
 Matututunan din ng bata na sa bawat desisyon, kailangang humingi ng karunungan mula sa Diyos,
sa pamamagitan ng Kanyang Salita (Bible).Dapat tiyakin na ang mga payo na ibinibigay ng kapwa
mananampalataya ay sumasang –ayon sa ipinapakita ng Diyos mula sa Kanyang Salita. ( Proverbs
3:5-6)
BACKGROUND OF THE STORY:
Sa ating huling aralin ,nalaman nating umiibig si Solomon sa maraming dayuhang babae.Sinabi na sa
kanya ng Panginoon na ang mga Israelita ay hindi dapat mag-asawa mula sa mga dayuhang bansa dahil
mahihimok lang sila ng mga ito na sumamba sa ibang mga dios. May 700 asawa siya at 300 na asawang alipin.
Ang mga asawa niya ang nagpalayo sa kanya sa Diyos. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa
Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ng ama niyang si David. Nagalit ang Panginoon sa kanya dahil
tinalikuran niya ang Panginoon, ang Dios ng Israel. Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa
ibang mga dios, hindi pa rin sumunod si Solomon sa Kanya. Kaya sinabi ng Panginoon sa kanya, “Dahil hindi mo
tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa
mga lingkod mo. Pero dahil sa iyong amang si David hindi ko ito gagawin habang buhay ka pa. Gagawin ko ito
sa panahon nang paghahari ng iyong anak (Rehoboam). Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kanya,
magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang
na lungsod.”( 1Kings 11:1:13)

STORY PROPER:
Isalaysay ang kwento.
Summary of the Story
Basahin din ang 1 Kings 11 and 12

EXEGETICAL INTERPRETATION:

Sa 1 Hari 2:3-4 Nangako ng Panginoon kay David na kung ang kanyang mga lahi ay mamumuhay nang
tama at buong buhay na susunod sa Kanya nang may katapatan, laging sa kanila magmumula ang maghahari
sa Israel. Ngunit hindi nanatiling tapat si Solomon, kaya kinuha sa kanya ang sampung lipi ng Israel at ibinigay
kay Jeroboam.Ipinahayag ng Diyos ang hatol laban sa kasalan na ang kaharian ay mahahati, magiging tapat sa
mga inapo ni David ang Judah at Benjamin at ang malaking bahagi ay sa ilalim ng ibang mamumuno.

Ang kaharian ni Solomon ay isang pambihirang halimbawa ng katanyagan, kayamanan, kapangyarihan, at


karangalan. Ngunit ang tunay na katiwasayan at kapayapaan ng Israel ay hindi nakabase sa alinman sa mga
bagay na iyon.Ito ay nakasalalay sa pagpapala ng Diyos , sa pagsunod at katapatan ng kanilang hari. Nang si
Solomon ay lumalakad kasama ang Diyos biniyayaan siya ng kapayapaan at kaligtasan. Ang pagpili ni Solomon
na magkasala ay naghiwalay sa kanya mula sa mga pagpapalang ipinangako ng Diyos.Bilang resulta ng
kasalanan ni niya, niloob ng Diyos na magkaroon siya ng mga kaaway,kaguluhan at pagkahati ng kaharian sa
panahon ng paghahari ng kanyang anak na si Rehoboam.

HERMENEUTICAL INTERPRETATION including APPLICATION:


Sinasabi sa 1 Hari 11:13 Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kanya, magtitira ako ng isang angkan
alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”
Ang katuparan ng pangakong ito na ginawa ng Diyos kay David ay isang propesiya na mula sa pamilya ni David
ay isisilang ang isang Hari na mamamahala magpakailanman. Habang ang kasalanan ay naghihiwalay sa atin
mula sa pinakamabuting Diyos, ang Kanyang pangako ay nananatili pa rin sa kabila ng ating kasalanan.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Hesus sa mundo. Namatay siya sa krus para sa ating mga kasalanan,
inilibing at muling nabuhay. Ang lahat ng naniniwala kay Hesus bilang kanilang Tagapagligtas ay hindi na
mahihiwalay sa Kanya.
APPLICATION

Hebreo 12:6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,at pinapalo niya ang itinuturing
niyang mga anak.”

 Dapat nating tandaan na kapag tayo ay nagkasala, didisiplinahin tayo ng Diyos upang hindi tayo
tuluyang mahiwalay sa Kanya. Ito ay dapat magdulot sa atin ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.
 Habang buhay nating sundin ang Panginoon ng buong puso at kaluluwa ng walang pag aalinlangan.
(Mateo 22:37)
 Sa ating puso, mahalin natin Siya.
 Sa ating kalooban , sundin ang mga tagubilin Niya upang mapanatili ang magandang relasyon natin sa
Kanya.
 Sa ating labi, magsalita tayo para sa Kanya ( Ibahagi ang Panginoong Hesus sa ating mga kaibigan)

WHO IS GOD IN THE STORY?


Ang Diyos ay hindi nagbabago,lagi Niyang tinutupad ang lahat ng Kanyang sinasabi, pagpaparusa man ito
sa Kanyang mamamayan para sa kasalanan o pagtupad ng isang pangako. Ititira ng Diyos ang isang angkan na
panggagalingan ng Kanyang pangako upang tayo ay iligtas sa ating pagkakasala at pagkakahiwalay sa
Kanya.Ang Panginoong Hesus na siyang magbabalik ng magandang relasyon natin sa Diyos.( Roma 5:11)
WHAT IS THE RELATION OF THE STORY TO CHRIST’S WORK?
Nangako ang Panginoon na gagawa Siya ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda (Jeremiah
31:31-34). Ito ay ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo ni Hesus.

Sa Ezekiel 37:15-24 Nangako din ang Panginoon na muli nyang pag isahin ang Northern at Southern Kingdom
ng Israel. Titipunin Niya ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik sila sa sarili
nilang lupain. Gagawin silang isang bansa, at isang hari na lang ang maghahari sa kanila, ang Panginoong Hesu
Kristo, itoy mangyayari sa Millenium Kingdom.

At sa pamamagitan ng kamatayan niya, pinagkasundo niya tayo. Pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga hindi
Judio (Gentiles) sa pamamagitan ng paggiba sa pader na naghihiwalay sa atin.  Ngayong iisang katawan na lang
tayo sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa
Dios. ( Efeso 2:14-16)

Memory Verse
For Babies:
Hebreo 12:6
Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga
anak.”
Hebrews 12:6
Because the Lord disciplines the one he loves, and he chastens everyone he accepts as his son.

For Teens:
Romans 8:38-39
For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons, neither the present nor the future,
nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the
love of God that is in Christ Jesus our Lord.

Romans 8:38-39
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa
pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang
makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga
nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin
sa pag-ibig ng Dios.
Questions:
1. Bakit sinabi ng Diyos kay Solomon na ang kaharian ay mahahahati mula sa kanya?
A. Pinabayaan niya ang mga taong kanyang nasasakupan.
B. Dahil hindi siya makatarungang hari.
C. Nagkasala siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan.
ANSWER : C.

2. Sinong propeta ang pumunit ng kanyang damit sa 12 piraso?


A. Elijah
B. Ahia
C. Nathan
ANSWER : B

3. Sino ang sinabi ng Diyos na magiging hari sa 10 tribo ng Israel?


A. Jeroboam
B. Rehoboam
C. Solomon
ANSWER : A
4. Paano ipinakita ni Rehoboam na wala siyang karunungan?
A. Nagtanong-tanong siya sa kanyang pamilya sa maaaring niyang isagot sa mga tao.
B. Hinayaan niyang ang ama niyang si Solomon ang humarap sa mga Israelita.
C. Hindi siya nanalangin o humingi ng karunungan mula sa Diyos, kinuha ang payo ng kanyang
mga kaibigan at tinanggihan ang payo ng matatanda
ANSWER: C.
5. Ano ang hiniling ni Jeroboam at mamamayan ng Israel kay Rehoboam?
A. Huwag na silang utusan o pagtrabahuin .
B. Pagaanin ang pasanin ng trabaho at buwis na ipinataw sa kanila ni Solomon
C. Taasan ang kanilang sahod .
ANSWER: B.

SUMMARY OF THE STORY


Si Solomon ay tumalikod sa Diyos at sumamba sa ibang mga dios-diosan. Ang pagpili niya sa pagsamba sa nga
huwad na dios ay kasalanan laban sa Nag-iisa at Tanging Tunay na Diyos. Ang Diyos ay banal at dapat Niyang
parusahan ang kasalanan. Kaya sinabi ng PANGINOON kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating
kasunduan at ang mga utos ko, at hindi ka sumunod nang buong katapatan, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo
at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo.Dahil sa kasalanang ito, pinahintulutan ng PANGINOON na may
kumalaban sa kanya. Isa sa mga kumalaban sa kanya ay si Jeroboam na isang opisyal niya.Maabilidad na tao si
Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng
tao na pinilit magtrabaho.
Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahia na taga-Shilo. Bago
ang suot na balabal ni Ahia.Hinubad ni Ahia ang balabal niya at pinunit ito sa 12 bahagi.Pagkatapos, sinabi niya
kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng PANGINOON, ang Dios ng Israel:
‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito.Ngunit alang-alang kay David na
aking lingkod at sa lungsod ng Jerusalem na aking hinirang sa lahat ng lungsod ng Israel, ititira ko ang isang lahi
kay Solomon.At sinabi ng Diyos, Kung tutuparin mo ang lahat ng iuutos ko sa iyo at susunod ka sa
pamamaraan ko, at kung gagawa ka nang mabuti sa aking harapan sa pamamagitan ng pagtupad ng aking mga
tuntunin at mga utos katulad ng ginawa ni David na aking lingkod, akoʼy makakasama mo. Mananatili sa
paghahari ang iyong mga angkan tulad sa mga angkan ni David. Magiging iyo ang Israel. Gagawin ko ito dahil
itinakwil niya Ako.  Nang malaman ito ni Solomon, pinagsikapan niyang patayin si Jeroboam, pero tumakas ito
at pumunta kay Haring Sishak ng Egipto at doon siya tumira hanggang mamatay si Solomon.

Namatay si Solomon at ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari. Pumunta si Rehoboam
sa Shekem, kung saan nagtipon ang lahat ng mga Israelita para hirangin siya na hari. Nang mabalitaan ito ni
Jeroboam, bumalik siya sa Israel. Ipinatawag ng buong mamamayan ng Israel si Jeroboam at pumunta sila kay
Rehoboam at sinabi, mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Pero kung pagagaanin nʼyo ito,
paglilingkuran namin kayo.”Sumagot si Rehoboam, “Bigyan nʼyo muna ako ng tatlong araw para pag-isipan ito,
pagkatapos, bumalik kayo sa akin.” Kaya umuwi ang mga tao. Nakipagkita agad si Haring Rehoboam sa mga
tagapamahala na naglilingkod sa ama niyang si Solomon nang nabubuhay pa ito. Nagtanong si Rehoboam sa
kanila, “Ano ba ang maipapayo ninyo na isasagot ko sa hinihiling ng mga taong iyon?” Sumagot sila, “Kung
ipapakita mo ngayon ang iyong kabutihan sa kanila, at ibibigay ang kahilingan nila, maglilingkod sila sa iyo
magpakailanman.”Pero hindi sinunod ni Rehoboam ang kanilang payo, sa halip nakipagkita siya sa mga
kababata niya na naglilingkod sa kanya. Nagtanong siya sa kanila, “Ano ba ang maipapayo nʼyo na isasagot ko
sa kahilingan ng mga taong iyon? Humihiling sila sa akin na pagaanin ko ang mabigat na mga ipinapatupad ng
aking ama sa kanila.”Sumagot ang mga kababata ni Rehoboam, “Ito ang isagot mo sa mga taong iyon na
humihiling sa iyo: ‘Ang kalingkingan ko ay mas malaki pa sa baywang ng aking ama. Ang ibig kong sabihin, mas
mabigat pa ang ipapatupad ko sa inyo kaysa sa ipinapatupad ng aking ama. Kung hinampas kayo ng aking ama
ng latigo, hahampasin ko kayo ng latigong may mga matalim na bakal.’ ”
Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao kay Haring Rehoboam, ayon sa sinabi ng
hari sa kanila. Pinagsalitaan niya ng masasakit ang mga tao ayon sa ipinayo ng mga kababata niya. Sinabi niya
sa kanila, “Mabigat ang ipinapatupad ng aking ama sa inyo, pero mas mabigat pa ang ipapatupad ko sa inyo.
Kung pinalo kayo ng aking ama ng latigo, papaluin ko kayo ng latigong may matalim na mga bakal.” Hindi nga
nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Dios para matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam. Nang malaman
ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Wala kaming pakialam sa iyo na mula
sa lahi ni David! Bahala ka na sa iyong kaharian! Halikayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang
mga Israelita. Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda at Benjamin ang napamahalaan ni
Rehoboam. Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David. Ipinatawag nila si
Jeroboam sa isang pagtitipon at ginawa nila siyang hari ng sampung lipi ng Israel.

You might also like