Bacq

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

1

Aralin Pagbibigay Kahulugan sa Salitang Napakinggan sa


3 Pamamagitan ng Gamit sa Pangungusap

Alamin Natin

Sa aralin na ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay;


Nabibigyang kahulugan sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap ang salitang
napakinggan: hiram /pamilyar at di kilalang salita, pahayag ng tauhan, sawikain,
tambalang salita, matalinghagang salita, pananalita ng tauhan sa napakinggang
usapan, idyoma, kilos ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.

Subukin Natin

Basahin ang mga sumusunod na salita .Lagyan ng √ sa guhit kung pamilyar


at X di kilalang salita.

1. bagting na umiindayog 6. di maliparang uwak


2. nagpainug-inog 7. pangungulimbat
3. namumugad 8. mahintakutan
4. manunggab 9. matambaka
5. manlipol 10. nanlilipol

Balikan Natin

Panuto: Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang hanay.

pangarap kumpol kapayapaan tiwala kaibigan kapisanan


kupunan kawan damdamin kultura tropa

kongkreto di kongkreto lansakan

1
May tatlong uri ang pangngalang pambala: ang tinatawag na kongkreto ito
ay pangngalang ay maaring mahawaka, madama, Makita, maamoy at marinig; ang
tinatawag naman na di kongreto ay yung pangngalang di materyal, ito ay isang
ideya o kaisipan; at ang lansakan naman ay ang pangngalan para sa grupo ng
mga tao, hayop, lugar o pangyayari.

Tuklasin Natin

Basahin natin.

Ang Paglalakbay
Mula sa mahabang pagkakahimbing ay marahang nagmulat ng mga
mata si Paeng. “Ang dilim! Sana makalabas na agad ako sa lugar na ito. Gusto
nang makita ang dagat at makalangoy rito,” ang bulong ni Paeng sa sarili habang
sinisimulan niyang tukain ng tukain ang matibay na balat na kanyang kinasisidlan
gamit ang kanyang espesyal na ngipin. Hindi nagtagal at nagsimula nang mapunit
ang matibay na balat, “Kaunti na lang at makakalabas na ako! Ano kaya ang
naghihintay sa akin paglabas ko rito? Nakalabas na kaya ang mga kapatid ko?”
ang sunod-sunod niyang tanong sa sarili.
Madilim pa ang paligid nang sa wakas ay tuluyang bumigay ang bagay na
kanyang kinasisidlan. Sandali siyang tumigil upang makiramdam. Kailangan
niyang pag-aralan ang kanyang kapaligiran bago siya tuluyang lumabas sa
kanlungang pugad. “Kailangang ko nang magmadali. Hindi ako dapat maabutan
nang liwanag para di ako mabiktima ng mga mandaragit.”
“Saan dako kaya ang dagat? Alin kayang liwanag ang aking susundan? Sa
halos lahat ng dako ay may liwanag.” Litong-lito at nagsisimula nang kabahan si
Paeng. Naramdaman niyang sandal na lang at sisikat na ang araw. Alam niyang
maraming maninila ang makakakita sa kanya kung aabutan siya ng liwanag sa
dalampasigan. Kung mananatili naman siya sa pagtatago upang hintayin ang
muling pagdilim ay maaari siyang matuyo at mamatay. Ang makalangoy patungo
sa gitna ng dagat ang tanging paraan upang magkaroon siya ng pagkakataong
makaligtas at mabuhay.
Sunod sa idinidikta ng kanyang pakiramdam, sinundan ni Paeng ang
mapusyaw na liwanag mula sa kanluran. Ito sa palagay niya ang liwanag na
nanggagaling sa kislap ng tubig mula sa pagtama ng liwanag ng kislap ng buwan.
Nagmamadali siyang gumapang nang gumapang patungo sa dakong iyon. Pagod na
pagod siya ngunit d siya makahinto. Hinang-hina nasiya sa kagagapang nang
matanaw niyang ‘di na kalayuan ang dalampasigan. Mabuti na lamang at tama ang
direksiyong kanyang sinundan. Lalo pa niyang binilisan ang kanyang paggapang.
Ilang hakbang nalang siya sa tubig nang biglang may isang malaking
pusang gutom ang humarang sa kanyang daraanan. Nanginig sa takot si Paeng
ngunit hindi siya nagpahalata. Agad siyang gumapang at nagsumiksik upang
magtago sa ilalim ng isang nabubulok na ugat ng kahoy upang di siya maabot ng
matalas na kuko ng maninila.
Nakaramdam ng kawalan ng pag-asang makaligtas pa si Paeng. Sa
silangan ay unti -unti nang naaaninag ang liwanag ngunit ayaw pa siyang
tantanan ng pusa. Pumikit nalang siya habang hinihintay niya ang kanyang
katapusan, nang biglang may boses na bumugaw sa pusa. Isang mabait na
mangingisda pala ang nakakitaa

2
sa pangyayari at naawa ito sa kanya. Maingat siyang kinuha at dinala nito sa
tubig. “Humayo ka, munting pagong. Lumangoy ka nang mabilis patungo sa
malalim na dagat. Nawa’y mabuhay kayo ng iyong mga kapatid. Hihintayin namin
ang inyong pagbabalik,” ang sabi nito sa kanya. Bumulong ng pasasalamat si
Paeng para sa mangingisda habang lumangoy siya papalayo. “Maraming salamat,
kaibigan. Magbabalik ako rito sa takdang panahon.”
Gamit ang natitira pa niyang lakas, lumangoy nang lumangoy si Paeng
patungo sa malalim na parte ng dagat. Masuwerte naming nakasakay siya sa isang
palutang -lutang na kahoy na nababalutan ng makapal na sargassum. Ito ang
nagsisilbing kublihan at pagkain para sa kanya-ang kanyang tahanan sa loob ng
mahabang panahon niyang pakikipagsapalaran.
Ang mahabang makikipagsapalaran niya sa gitna ng karagatan ay
napuno ng masasaya, nakatatakot, at minsan ay kapana-panabik na mga
karanasang kinapulutan niya ng mahalagang aral sa buhay. Hindi miminsang
nanganib ang kanyang buhay. Maraming beses na tila nakipagpatintero siya sa
mga dambulhalang pating at nakipagtaguan sa mga ibang mandaragit na gusting
kumain sa kanya. Muntik na siyang malunod nang mapagkamalan niyang dikya
ang isang plastic na supot na palutang-lutang sa tubig. Mapalad siya dahil
nagkataong palaging may tumutulong at nagliligtas sa kanya.
Patuloy ang paglipas ng panahon. Sa hindi maunawaang dahilan ay
nawala ang kanyang panlasa sa mga pagkaing mayroon sa gitna ng karagatan
kung kaya’t kinakailangan niyang maglakbay patungo sa kanyang bagong tirahan
na malapit a dalampasigang kung saan maraming tumutubong halamang-dagat at
lumot, ang bago niyang paboritong pagkain.
Masaya si Paeng sab ago niyang tirahan. Nagkaroon siya ng mga bagong
kaibigan at kalaro. Kasama ng kanyang mga kaibigan araw- araw,
nagkukuwentuhan at naglalaro sila habang nanginginain ng mga halamang-dagat
at lumot na sagana sa lugar. At kapag nabusog ay matiyaga siyang nakikinig sa
mga kuwento ng mga nakakatandang pagong na kinapupulutan nila ng
mahahalagang kaalaman.
“Mag-ipon kayo ng taba at lakas ng katawan. Araw-araw kayong mag-
ensayo upang higit na mapalakas ang inyong mga palikpik. Kakailanganin ninyo
iyon sa susunod ninyong paglalakbay,” ang pauli-ulit na payo ni Lolo Pedro, ang
pinakamatanda at pinakamatalinong pagong sa kanilang pamayanan.
“Bakit po kailangan pa muling maglakbay?” Masaya po rito, sagana sa
pagkain at ligtas tayo,” ang nagtatakang tanong ni Paeng.
“Ang paglalakbay ay bahagi ng buhay nating mga pagong. Ang paglalakbay
natin patungo sa gitna ng karagatan pagkatapos nating mapisa sa itlog ay
kailangan upang tayo ay mabuhay. Sa liit natin noon ay makakain lang tayong
lahat ng mga mandaragit kung mananatili tayo sa dalampasigan.” Simulang
paliwanag ni Lolo Pedro. “Habang tayo naman ay lumalaki, lumalaki rin ang
pangangailan natin sa pagkain. Hindi sasapat ang limitadong pinagkukunan natin
ng pagkain sa gitna ng karagatan kaya kailangan natin lumipat sa lugar kung saan
may saganang pagkain. Kailangan nating kumain nang marami upang mag-ipn ng
sapat na lakas para sa susunod na kabanata ng ating buhay. Ito ay paglalakbay
pabalik sa dalampasigang ating sinilangan upang doon makapagparami. Ang
bawat yugto ng ating paglalakbay ay mahalaga sa pagpapanatili ng ating lahi rito
sa daigdig kaya dapat pinaghahandaan “, mahabang paliwanag ni Lolo Pedro na
sinang-ayunan naman ng iba pang nakatatanda.
Hindi man lubos naunawaan ay sumunod na lamang si Paeng sa payo ng
mga nakatatandang pagong. Kasama ng kanyang mga kaibigan, nag-ensayo sila sa
paglangoy at pagsisid araw-araw upang mapalakas ang kanilang mga palikpik.

3
Nanginain din sila nang nanginain upang makaipon ng sapat na reserbang taba sa
katawan.
Sa loon ng mahaba-habang panahon ay matiyagang nagsanay at
nagpalakas ng katawan si Paeng at iba pa nilang mga kasamahan. Araw-araw ay
nararamdaman niya ang nadaragdag na enerhiya sa kanyang katawan. Higit na
mabilis na siyang lumangoy at magaling na rin siyang sumisid. Sa palagay niya ay
handang-handa na siya sa kanilang paglalakbay. “Lolo Pedro, kalian ba tayo
magsisimula sa ating paglalakbay? Nararamdaman ko po na handang-handa na
ako. Mabilis na po akong lumangoy at magaling na rin po akong sumisid.”
“Dapat maging handa ang lahat. Lubha itong mapanganib kaya kailangang
simulan lamang ito sa tamang panahon kapag hand ana ang lahat.,” sagot ni Lolo
Pedro. “Ipagpatuloy mo ang iyong pagsasanay araw-araw upang di ka mainip sa
paghihintay,” dagdag pa nito.
“Paano po ba natin malalaman kung kailan ang tamang panahon?” muling
tanong ni Paeng.
“Kapag matagtag narin ang loob ng bawat isa sa pagharap sa panganib at
hamong kakaharapin sa oras ng paglalakbay. Hindi lamang katawan ang dapat
nating palakasin. Kasing halaga ng lakas ng katawan ang lakas at tatag ng loob ng
bawat isa,” paliwanag ni Lolo Pedro.
Magtatanong pa sana si Paeng nang walang ano-ano’y nagkagulo ang
lahat. Hindi nila namalayan ang papalapit na bangkang may hila-hilang lambat na
pangisda. Huli sa lambat si Lolo Pedro dahil hindi siya nakalangoy ng mabilis para
iwasan ito.
Natigilan ang sa pagkabigla maliban kay Paeng. Tinawag niya ang
kanyang mga kaibigan habang mabilis siyang lumangoy para habulin ang lambat.
Mabilis na sumunod ang mga ito sa kanya. Marahil ay naunawaan ng iba pang
mga pagong ang nais mangyari ni Paeng kaya’t nagsunuran ang lahat. “Halikayo,
kagatin natin ang lambat at sabay-sabay nating hilahin palayo sa bangka para
hindi ito tuluyang magsara.” ang utos ni Paeng sa mga kasamahan.
Mabilis ang kilos ng bawat isa, sinunod nila ang utos ni Paeng. Buong
lakas nilang hinila ang lambat kung kaya’t hindi ito tuluyang nagsara. Sa
paggabay ni Paeng ligtas na nakalangoy palabas ng lambat ni Lolo Pedro.
Masayang nagbunyi ang lahat dahil sa pagkaligtas niya. Lubos naming
nagpasalamay si Lolo Pedro sa mga kasamahan. Ang mabilis na aksiyon ni Paeng
at pakikipagtulungan ng lahat ang nagligtas sa kanya. Hinangaan ng lahat si
Paeng dahil sa pagkakaroon niya ng tapang at buong kalooban sa oras ng
panganib.
Kinabukasan, pagkatapos ng nangyari pinatawag n ai Lolo Pedro ang
lahat. “Ang ginawa ninyong pagliligtas sa akin kahapon ay nagpapakita hindi
lamang lakas ng katawan kundi pati na rin lakas ng kalooban. Hindi kayo
nagpatalo sa takot, sa halip ay hinarap ang hamon nang sama-sama kung kaya’t
ito’y napagtagumpayan. Magsipaghanda kayo, bukas ay simula na ng mahabang
paglalakbay patungo sa dalampasigang ating sinilangan. Nawa’y ligtas tayong
makarating sa ating patutunguhan.”
Tuwang -tuwa si Paeng at kanyang mga kaibigan. Sa wakas ay
magsisimula na ang kanilang pinanabikang paglalakbay. Naalala niya ang
mangingisdang unang nagligtas sa kanya. “Sana’y magkita tayong muli, kaibigang
mangingisda,” ang tahimik na panalangin ni Paeng. Batid niyang hindi magiging
madali ang gagawin nilang paglalakbay. Puno ito ng panganib at mga hamon
ngunit handa siya sa anumang pangyayari.

4
Talakayin Natin

A. Halina’t nasagutin natin ang detalye ng binasa nating kuwento. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Alin ang naglalarawan kay Paeng noong ito ay isang itlog pa lamang?
A. pinakaunang napisa
B. pinakahuling napisa
C. magaang napisa
D. kasabay ng iba pang itlog nang mapisa.

2. Alin ang nagdulot ng pagkalito kay Paeng?


A. maraming ilaw sa paligid
B. maraming bahay sa lugar
C. maingay ang kapaligiran
D. madilim ang kapaligiran

3. Anong palatandaan ang kailangan niya upang matukoy ang direksiyon papunta
sa dagat?
A. tunog o ingay C. kulay ng langit
B. simoy ng hangin D. liwanag

4. Alin ang HINDI maninila ng mga batang pawikan?


A. kalabaw C. pusa
B. pating D. ibon

5. Bakit kailangang manatili ni Paeng sa gitnang bahagi ng karagatan?


A. Doon ay kakaunti ang maninila.
B. Doon siya masaya.
C. Naroon ang kalaro niya.
D. Naroon ang nanay niya.

6. Alin ang pagbabagong naranasan ni Paeng habang lumalaki ang


kanyang katawan?
A. kakayahang lumangoy C. kulay ng balat
B. panlasa sa pagkain D. hugis ng katawan

7. Alin ang HINDI kasama sa pangkat ng mga panganib sa mga batang pawikan?
A. elise ng bangkang de motor C. lambat na pangisda
B. basurang plastic D. halamang dagat

8. Sino ang inaasam na muling makita ni Paeng?


A. kaibigang magsasaka C. kaibigang bata
B. kaibigang mangingisda D. kaibigang pusa

9. Bakit mahalaga ang paglalakbay sa buhay ng mga pawikan?


A. Ito ang kanilang paraan upang mapanatili ang kanilang uri.
B. Ito ang kanilang paraan upang makahanap ng pagkain.
C. Ito ang kanilang paraan upang lumaki at lumakas ang katawan.
D. Ito ang kanilang paraan upang makaiwas sa sakit.

10. Anong tungkulin ang dapat gampanan ni Paeng sa pagbabalik niya sa lugar na

5
sinilangan?
A. mapatunayang ligtas ang paglalakbay pabalik sa
dalampasigang sinilangan
B. makatagpo ng mapapangasawa upang makapagparami at mapanatili
ang kanilang lahi at uri
C. makahanap ng bagong tirahan na maraming pagkain
D. mapatunayang malakas ang kanyang katawan

B. Basahin at unawain ang sumusunod na pamilyar at di- pamilyar na salita


na ginamit sa pangungusap. Bilugan ang angkop na kahulugan nito.

1. Kailangan niyang pag-aralan ang kanyang kapaligiran bago siya tuluyang


lumabas sa kanlungang pugad.

tinitirhan pinagtataguan bao pasyalan

2. Nanginig sa takot si Paeng ngunit hindi siya nagpahalata. Agad siyang


gumapang at nagsumiksik upang magtago sa ilalim ng isang nabubulok na
ugat ng kahoy upang di siya maabot ng matalas na kuko ng maninila.

mangangatay mandaragit makikipagkaibigan malakas

3. “Humayo ka, munting pagong. Lumangoy ka nang mabilis patungo sa


malalim na dagat. Nawa’y mabuhay kayo ng iyong mga kapatid. Ang ibig
sabihin ng salitang nakasalungguhit ay .

dumalaw lumayo lumapit mamasyal

4. Kasama ng kanyang mga kaibigan, nag-ensayo sila sa paglangoy at pagsisid


araw-araw upang mapalakas ang kanilang mga palikpik. Ano ang
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

2
nagsimula nagsanay nagsikap nagtayo

5. Masayang nagbunyi ang lahat dahil sa pagkaligtas niya. Lubos naming


nagpasalamay si Lolo Pedro sa mga kasamahan. Ang salitang
nakasalungguhit ay .

nag-abot nagdiwang lumaya yumabong

Pagyamanin Natin

A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa Hanay A. Hanapin sa


Hanay B ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat sa linya ang
titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Banta sa buhay ng mga batang A. pagmamahal


pagong ang mga maninilang hayop
na gustong kumain sa kanila B. umalis o lumisan
2. Mapusyaw ang liwanag ng buwan
Hindi tulad ng sa araw. C. nagdiwang
3. Dahil maliwanag ang buwan, naaaninag
ni Paeng ang mga bagay na nasa kanyang D. pagsubok
paligid.
4. Ayaw tantanan ng pusa si Paeng. Hindi E. pupuntahan
pa rin ito at pilit pa rin siya nitong
inaabot. F. tagakain ng ibang
5. Humayo ka na upang makarating ka hayop
nang maaga sa iyong pupuntahan
6. Masayang nagbunyi ang lahat sa G. tigilan o iwanan
pagkakaligtas kay Lolo Pedro.
7. Nagbabago ang ating kakayahan at H. nakikita
karanasan sa bawat yugto ng ating buhay.
8. Simulan ng maaga ang paglalakbay I. maputla at na
upang agad makarating sa patutunguhan. nakakasilaw
9. Ang sargassum na nakabalot sa lumulutang
na kahoy ang kanyang naging pagkain J. kabanata

3
at tahanan.
10. Mga taong may malasakit sa kalikasan K. seaweeds
ang gumagawa ng paraan upang maprotektahan
ang mga pawikan at iba pang mga hayop.

B. Piliin ang kahulugan ng salitang nalihis na may salungguhit sa


pangungusap. Bilugan ang salitang may tamang sagot.

1. Sa tumana ni Lolo ay maraming pananim.


(hardin lupang taniman palaisdaan)

2. May mayamang kalinangang maipagkakapuri ang mga Pilipino.


(kabihasnan kaunlaran kultura)

3. Sasangguniin ng mga bata ang kanilang lolo.


(susulitin susuriin kokonsultahin)

4. Upang hindi abalahin ng kagat ng niknik, matulog sa loob ng kulambo.


(paruparo tutubi maliit na hayop na nangangagat)

5. Siyang-siya sina Lolo Tonya at Lolo Juan sa nakikita nilang pagkakatuwaan


ng kanilang mga apo.
(maligaya malungkot nagagalit)

C. Alin ang tambalang-salita ang tinutukoy?

1. nagbibingi-bingihan A. pusong mamon


2. maramdamin B. bungang -araw
3. maawain C. matang-lawin
4. sakit sa balat D. balat-sibuyas
5. anak ng mahirap E. anak-pawis
F. tengang-kawali

D. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1.Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ng mga tao


sa plasa
A. magkarinigan at magkaunawaan
B. magkamay at magsayaw
C. makapagsalita at makabati
D. magkantahan at mag-awitan

2. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa kalye.


A. nagpaparaanan
B. nagpapagalingan
C. nagpaparayaan
D. nagpapalitan

3. Tuwing pista, naririnig ang bughalit ng mga tugtugin sa perya, mga pondahan,
at mga tindahan.

4
A. mahina
B. malungkot
C. malakas
D. mabigat

4. Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.


A. bandila ng bansa
B. ginupit -gupit na papel panggayak
C. mga parol
D. kurtina

5. Bukod sa pagtugtog ng banda ng musiko, umaambag din sa saya ng kapistahan


ang pagsasalo-salo sa masasarap na pagkain ng mga pamilya at mga
panauhin.
A. dumarami
B. dumaragdag
C. bumabawas
D. bumabalandra

Tandaan natin

Sa ating pagbabasa at pakikinig ay meron tayong nakakatagpo o nalalaman


na mga salitang hindi pamilyar, mga matatalinghagang salita at iba pa na minsan
lang o una lang natin narinig, pero sa pamamagitan ng paggamit ng pangungusap
ay naiintindihan natin kung ano ang ibig sabihin nito. Kailangan lang natin
unawain at suriin ang ating binabasa o pakinggang mabuti ang ating naririnig
upang makuha natin ang gusto nilang iparating na mensahe.

Isabuhay natin

A. Suriin at unawain ang salitang nakalihis. Isulat sa patlang bago ang bilang
ang kahulugan ng salita. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

galante kinabahan daldalero nagsisinungaling nagkagulo


naghihirap maramdamin yumabang mayamutin tandaan

1. Habang nasa mall si Mateo ay biglang umalon ang dibdib niya


ng makita niya ang kanyang nanay.
2. Si Sally ay mahilig maglubid ng buhangin, kapag siya ay
ay lalabas sa klase.
3. Sino kaya ang makati ang dila na nagsabi sa Tatay ko na
hindi ako pumasok?
4. Si Jacob ay bulang-gugo dahil malaki ang kanyang allowance.

5
5.Naghalo ang balat sa tinalupan nang sila ay magtagpo.
6.Lumaki ang ulo nag siya ay maging lider naming.
7.Maiksi ang pisi ng mga nagbabantay samin.
8.Mahirap pakisamahan ang may ugaling balat sibuyas.
9.Iguhit natin sa noo habang wala pang bakuna sa covid-19
ay panatilihing malakas ang ating katawan.
10. Sa panahon ng ECQ dahil sa Covid-19 marami na ang
nagdidildil ng asin

Tayahin Natin

A. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Maraming natangay na salapi at alahas ang mga mandarambong na


pumasok sa baryo.
A. mamamatay -tao C. mandirigma
B. manloloob D. mandaraya

2. Naitaboy ng mga kawal ang mga masasamang loob na gumugulo sa


mamamayan.
A. napaalis C. napatay
B. napasama D. nagulo

3. Masama ang tawag sa uwak na kilalang mangungulimbat sa lahat ng ibon.


A. mamamatay-tao C. mandirigma
B. manloloob D. magnanakaw

4. Sila ay nakatira sa isang paligid na punong-puno ng pangarap at walang


katapusang ligaya na animo’y paraiso sa kanilang buhay.
A. walang kalungkutan C. mapayapa
B. malaya D. walang kaibigan

5. Ang mga dahoon ay masayang umiindayog sa hangin.


A. nag-aawitan C. nagsasayaw
B. nagliliparan D. nagtatakbuhan

6. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais na makahingi ng tawad


A. namamasid C. nababakas
B. minamasdan D. nakikita

7. Mahangin ang kanyang ulo kaya ayaw makipagkwentuhan sa kanya.


A. mayabang C. mapagmalaki
B. mapagmataas D. matapobre

8. Magandang kapalaran ang dumatal sa kanyang buhay matapos


ang mahabang pagtitiis
A. umabot C sumama
B. dumating D. dumalo

6
9. Bukas -palad siya sa mga nangangailangan ng tulong.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. magiliw D. maunawain

10.10. Ang tumanghod sa kumakain ay hindi magandang asal.


A. tumingin C. magmasid
B. manood D. tumunganga

Gawin natin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Isulat sa inyong kuwaderno.

kumikinang tumungo nagpaikot-ikot nagpapagandahan nakadadagdag taas-noo

1. Parang bolang bilog na nagpainug-inog ang katawan ng mga ibon.


2. Matang nakasisilaw sa ganda at kulay ang mga arko ata banderitas sa
kalye.
3. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mg arko at banderitas sa kalye.
4. Bukod sa pagtugtog ng banda ng musika, umaambag din sa saya ng
kapistahan ang pagsalo-salo sa masasarap na pagkain ng mga pamilya
at mga panauhin.
5. Marahang yumukod ang mata bago bumaba sa tanghalan.
References

Pinagyamang Pluma 6 Wika at Pagbasa para sa Elementarya by Emily V.


Marasigan at Louie C.Tesalona (Phoenix Publishing House)
Landas sa Pagbasa 6 Batayang Aklat sa Filipino by Paz M.Beltez
Landas sa Wika 6 Batayang Aklat sa Filipino by Lydia B.Liwanag ,Ph.D
www.google.com
www.samot-sari .com
https://www.slideshare.net/icgamatero/mga-sawikain-atsalawikain-8675713
https://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=matatalinhagang-salita-o-
parirala

7
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Manunulat: Julie Ann A. Cruz At Ginalyn A. Cabacaba


Editor: Kimberly G. Jordan, DEM
Editor ng Wika:
MgaTaga-rebyu:
Tagaguhit:
Tagalapat: RAMIL B. SANTILLAN
MgaTagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MRS. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address:

You might also like