Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sasalubungin Natin ang Hari

Composed By: Geraldine N. Facun

I
Parol na nakasabit simbolo ng
Banal na Pag-ibig na walang katapusan
Kumpasan mo ng tugtuging masining
Alayan ang Sanggol na naisilang sa belen
II
Ang langit may aranyang dumudungaw rin
Sa ilaw nitong bumubuhay sa dilim
Halina’t sundan natin, kinang ng bitwin
At sa mga tahanan galak ay awitin

Refrain:
Ang pag-ibig ng Panginoon ating natagpuan
Kay Jesus na isinilang do’n sa sabsaban
Ang mundo’y ating punuin ng pag-aawitan
Sabayan mo ng papuri sa Kalangitan

Chorus:
Ang pasko na’y sasapit, magdiwang na
Buwan ng Setyembre, dalawampu’t lima
Ang galak ng Ama ay sumasaatin
Na pinatotohanan ni Ama RSM

Pasko na, pasko na halika na


Tanggapin ang biyaya ng Amang Lumikha
Pasko na, Pasko na halika na
Tumbasan ang biyaya ng gawang maganda

III
Gamit na gamit bawat palamuti
Maging munting puntas na mayumi
Ihahanda ang lahat, maging ang sarili
Sasalubungin natin ang hari
IV
Mumunti mang kandila’y handang mag-alay
Ng liwanag nitong magsisilbing gabay
Tungo sa ating daan sa kaluwalhatian
Ang baluti natin ay ang katotohanan
Chorus:
Ang pasko na’y sasapit, magdiwang na
Buwan ng Setyembre, dalawampu’t lima
Ang galak ng Ama ay sumasaatin
Na pinatotohanan ni Ama RSM

Pasko na, pasko na halika na


Tanggapin ang biyaya ng Amang Lumikha
Pasko na, Pasko na halika na
Tumbasan ang biyaya ng gawang maganda

Bridge:
Ang pag-ibig ng Panginoon ating natagpuan
Kay Jesus na isinilang do’n sa sabsaban
Ang mundo’y ating punuin ng pag-aawitan
Sabayan mo ng papuri sa Kalangitan

Chorus:
Ang pasko na’y sasapit, magdiwang na
Buwan ng Setyembre, dalawampu’t lima
Ang galak ng Ama ay sumasaatin
Na pinatotohanan ni Ama RSM

Pasko na, pasko na halika na


Tanggapin ang biyaya ng Amang Lumikha
Pasko na, Pasko na halika na
Tumbasan ang biyaya ng gawang maganda

Ihahanda ang lahat, maging ang sarili


Sasalubungin natin ang Hari

You might also like